Kabanata 21

37 1 0
                                    

Kabanata 21

Enjoy

Umiling ako at hindi na iniisip ang sinabi sa'kin ni Alastair. Bago ako umuwi ay pumunta muna ako sa principal office dahil pinapatawag daw ako. Sinabi sa'kin na bukas daw ako magsisimula sa pag tuturo.

Naglalakad lamang ako pauwing bahay, malapit lang naman kasi ang elementary sa bahay namin. Pagdating ko sa bahay nandito na si Tatay. Lumapit ako kay Tatay at nagmano. "Mano po."

"Heto na pala maganda kong anak." Manghang saad sa'kin ni Tatay.

Natawa na lamang ako at niyakap si Tatay. "Ang tatay, bolero." Parang si Alastair.

"Hindi ah, maganda ka naman talaga anak swerte ng mapapangasawa mo. Bakit ba kasi hindi ka pa nag bo-boyfriend? Nasa tamang edad kana anak. Malaya ka na, hindi ka na namin pinagbabawalan."

" 'Tay, wala pa po sa panahon ko iyan eh." Sagot ko kay Tatay.

"Anong wala sa panahon? Ilan taon kana, Isang ha? Anak hindi sa lahat ng bagay sa'min ka nakafocus. Kailangan mo na din magkapamilya nasa edad kana oh. Bakit hindi mo sagutin iyang si Theodore? ng magkaboyfriend ka naman." Seryosong sabi ni Tatay sa'kin.

Napabuntong hininga ako. Minsan ganito sinasabi nila. Dati noong wala pa ako sa legal na age pinagbabawal nila ako mag boyfriend at ayos sa'kin iyon. Ngunit ngayon hinahayaan na nila ako nasa tamang edad na daw kasi ako. Hindi ko pa natatapos bucket list ko, gusto ko muna matapos.

"Tatay, kaibigan ko lang po si Theodore at may napupusuan po iyon at hindi ako."

Napatingin si Tatay sa'kin. "Ganoon ba, halata ko kasi sa batang iyon na gusto ka niya eh. Nag iba ba tipo? Ikaw kasi manhid mong bata ka, hindi mo napapansin na gusto ka ng boy best friend mo na iyan."

"Haynaku! Tatay. Ayaw ko pa talaga magkaboyfriend. Gusto ko kasi kasing ugali mo, tatay. Swerte ko pag ganoon." Natatawang saad ko sa tatay.

"Mas maganda iyon anak, dapat kasing pogi ko ah."

Humiwalay ako sa pagkakayakap kay Tatay. "Ay syempre, tatay. Dapat kasing pogi mo at kasing ugali mo. Magino pero medyo bastos."

"O'hala, magbihis kana." Ngumiti na lamang ako sa tatay at naglakad na papasok sa bahay.

Sa totoo lang kasing ugali ni Tatay si Alas. Si Tatay inaamin ko may pag kamanyak siya, pero may limitations naman siya. Si Tatay kasi iyong tipong kahit ganoon siya. Nirerespeto niya ako, ganoon din nakikita ko kay Alas. Medyo kaugali niya si Tatay.

Kinagabihan naggawa ako ng i-lesson plan. Mga eleven o'clock na ako nakatulog. Nagising ako dahil sa alarm clock ko. Ngayon ang first day ko bilang isang guro. Officially teacher na. Excited na ako makilala ng lubos mga anak ko sa grade 2.

Kinuha ko ang aking towel at bumaba na.

Pagbaba ko ay nakita ko ang inay naghuhugas ng plato. Lumapit ako sa kan'ya at niyakap siya. "Inay, ako na po diyan magpahinga ka muna po."

"Ako na dito, maligo kana at baka malate ka sa first day mo."

Napanguso ako dahil sa sinabi ng inay. Binalita ko kasi sa kanila iyong about nga sa sinabi sa'kin ng principal. Proud naman sila sa'kin dahil na-achieve ko na dreams ko maging isang successful teacher iyong tipong adviser na.

Hindi ko na lang pinilit ang inay at dumeretsyo na lamang ako sa bathroom.

Napapangiti ako habang pinagmamasdan ang mga istudyante ko na nag lalaro. Hindi pa naman kasi time kaya hinayaan ko sila. Mahilig ako sa bata, simula highschool pa lang ako mahilig na ako sa mga bata kaya siguro kinuha kong kurso ay Bachelor of Elementary Education.

At The Right Time (Lastimosa Series #1)Where stories live. Discover now