Kabanata 8

55 2 0
                                    

Kabanata 8

Hair Clip

Hindi ako makahinga.

Bwesit! ramdam ko pamumula ng pisnge ko.

Lalo pang namula ng magsalita siya. "Anong ginagawa mo dito?"

"Ah ha? Ah, hinihintay si Ate." Medyo utal at mahinang sagot ko sa tanong niya.

Nagkunwaring kalmado ang aking mukha ngunit sa loob-looban nagwawala na ito sa sobrang kilig na nararamdaman.

Nang nilampasan niya na ang aking gawi doon ako nakahinga ng maluwag. Tumingin ako kay Ate nakita ko na nakatingin siya. Hindi ko mapigilan itext si Ate at sinabi iyon.

Hindi ako makapaniwala sa nangyari. Iyong ngiti niya, iyong galawan niya nagpapalakas ng pintig ng puso ko. Oo first time niya akong pansinin at siya pa nauna sa'ming dalawa. Hindi ko mapigilan maakit sa ngiti niya. And I think I'm, no I think I'm inlove with him a bit.

Pinauna na akong lumabas nila Ate.

Susunod sila sinabi nila sa'kin na tatakas sila. Kasama niya si Vin kaibigan naming bakla hindi ko alam na a-attend din pala siya sa practice nila.

Kaklasi siya ni Alas at nagkagusto ang bakla sa kanya. Hindi ko naman maitatanggi na pogi ni Alas. Pati bakla nagkakagusto sa kanya tas ang hot niya pa.

Ay takte ano ba nasa isip ko kakainis!

Kanina pa ako nabobored dito sa labas. Nanood na lamang ako ng cdrama. Nagulat ako ng may biglang tumabi sa'kin naamoy ko pa ang kaniyang panlalaking amoy.

Hindi ako makagalaw sa kinauupuan ko hindi ako makatingin sa gilid ko dahil alam ko kung sino ang lalakeng tumabi sa'kin. Napalunok ako ng laway dahil sa kaba.

"What are you doing here? Bakit dito ka naghihintay? Hindi ka nabobored?" Sunod-sunod na tanong sa'kin ni Alas.

Tumingin ako sa kanya kaya nagtama ang mga mata namin. "Sabi nila Ate mauna na daw ako lumabas. At tsaka tatakas daw sila eh." Naiilang na sagot ko sa kanya.

"Tapos na din naman ang practice namin." Seryosong aniya at tumingin sa paligid kami lamang ang tao dito sa labas ang iba ay nasa loob pa.

Yumuko na lamang ako nabigla ako ng bigla niya ginulo ang aking buhok at saktong lumabas na si Ate kasama si Bakla kaya mabilis na tumayo si Alas at nilagay niya ang kaniyang dalawang kamay sa kaniyang bulsa. Tumayo na din ako at tumakbo kila Ate.

Namumula ako sa totoo lang wala akong pakialam kung nilampasan ko siya. Ang hilig niya talaga mambigla.

Napahawak ako sa aking ulo hindi ako makapaniwala sa nangyari ngayon hindi ko aakalain bakit niya ginawa iyon? Bakit? Napailing ako sa aking iniisip ayaw ko bigyan ng malisya ngunit heto na naman ako nag a-assume.

"Ate ang tagal niyo." Kalmadong sabi ko kila Ate.

Kita ko pagtataka sa mata nila.

Ngumisi si Ate. "Kaya pala nakita kong lumabas pinuntahan ka pala ah. Ano iyan?"

"Wala iyon, hindi naman big deal iyon." Seryosong sagot ko kay Ate.

Wala iyon malisya sa kanya ngunit sa'kin malaking big deal iyon.

"Tas halatang kinikilig ka kanina, pinansin ka? Ay naks." Biro naman sa'kin ni Vin.

Tumawa si Ate at kinurot pa ako sa bewang ko. "Kanina tadtad ang text 'nan sa'kin hindi makapaniwala."

Naglalakad kami tumigil lamang kami sa tapat ng isang motor.

Motor ata ito ni Vin.

"Sumabay na kayo sa'kin." Yaya ni Bakla.

At The Right Time (Lastimosa Series #1)Where stories live. Discover now