Kabanata 23

39 2 0
                                    

Kabanata 23

Drunkard Girl

Mga ilang minuto kaming tahimik.

Nabasag lang ang katahimikan mula sa'min ng may tumawag sa'kin. Isang pamilya na boses. "Arielle?"

Lumapit ito sa'kin. Nagulat ako ng bigla niya akong niyakap. Mabilis din siyang humiwalay sa'kin. "Kumusta kana? Nagkita ulit tayo ah."

"Ayos naman, Ikaw ba?"

"Ito ikakasal na. Invited ka sa kasal. Heto ang invitation. Pumunta ka ha? Aasahan ko iyan."

Hindi ako makapaniwala na ikakasal na si Ethan. Ang bilis talaga ng panahon.

Ngumiti ako sa lalake at tumango. "Oo naman, pupunta ako."

Lumingon siya sa katabi ko. "Estrada? Kumusta pre?"

"Ayos naman." Malamig na sagot niya.

Hindi ko alam kung bakit nag iba kilos niya. Ang lamig niya ngayon. Tumango na lang si Ethan at nagpaalam na sa'min.

Hinihintay daw siya ng girlfriend niya.

Napalingon ako kay Alastair tahimik niyang sinusundan ng tingin si Ethan. "Bilis ng panahon ikakasal na si Ethan. Imbitado pa ako." Natatawang saad ko sa kaniya.

"Pupunta ka?" Seryosong tanong niya.

Tumango ako. "Umasa kasi si Ethan."

"Ahh, ganoon ba." Tanging sinabi na lang niya.

Tumango ako doon. "Buti pa sila ikakasal na. Alam mo tama naman si Tatay. Malaki na ako at nasa tamang edad na ako ngunit hanggang ngayon wala pa din akong nahahanap o nakikita. Iyong mga kaibigan ko masaya na sila sa lalakeng para talaga sa kanila. Ang sarap kaya sa pakiramdam pag nasa tamang tao kana." Nakangiting saad ko.

Nangangarap na naman ako.

"Hindi naman kasi minamadali ang pag ibig. Darating siya sa tamang panahon." Seryosong saad niya sa'kin.

"Tama ka naman, darating siya." Nakita ko na pero malabo parang maging akin.

"Paano kung nakita mo na siya?"

"Kung nakita ko na siya o nagkita na landas namin galaw galaw na." Biro ko sa kaniya.

Napailing na lamang ang lalake at ginulo na naman ang aking buhok. Ngumuso ako dahil doon. "Tara na nga, uuwi na ako."

"Hatid na kita."

"Kaya ko na, tsaka nakaya ko ngang maglakad kanina."

"Naglakad ka lang papunta dito sa gymnasium?"

"Oo." Tatayo sana ako ngunit napaupo din dahil sumakit na naman ang aking paa.

He sighed and picked me up bridal style without saying anything. I did nothing but wrap my arms around his neck. Now he was seriously walking down from the top of the gymnasium.

Nang makalabas na kami sa gymnasium binaba niya ako at pinaupo kukunin niya ang kaniyang motor. Mga ilang segundo ay nandito na agad siya bumaba siya sa motor at inakay ako papunta doon. Nauna siyang sumakay sumunod ako. Upong pambabae ginawa ko dahil nga nakagown ako.

Hahawak sana ako sa likod ng kaniyang motor ngunit mabilis niyang kinuha dalawang pulso ko at iniyakap sa kaniyang bewang. "Hahawak na lamang ako dito sa dulo ng motor mo."

Aalisin ko sana pagkakayakap sa kaniya ngunit pinatakbo niya na ang kaniyang motor kaya naman napayakap na ulit ako sa kaniya.

Tumigil siya sa tapat ng iskinita namin. Aalalayan niya sana ako ngunit umiling ako at sinabing kaya ko naman pero makulit ang lalake inalalayan niya pa din ako papunta sa bahay namin. Pagbukas ko ng pinto bumungad sa'kin si Tatay nanonood ito. Siguro ang inay nasa taas na natutulog. Maaga kasi iyong natutulog.

At The Right Time (Lastimosa Series #1)Where stories live. Discover now