Kabanata 18
The novel I wrote.
Mga ten o'clock na ako nakabalik.
Pagpasok ko sa aking condo ay nakita ko si Redielle nanonood siya ng tv lumingon siya sa'kin. "Saan ka galing?"
"Nagjogging." Sagot ko sa kanya.
"Ay himala, Rielle. Ngayon ko lang nalaman iyon sa'yo ha? sa pag kakaalam ko hindi ka mahilig mag jogging tuwing umaga."
Natawa na lamang ako sa best friend ko. "People change." Sabi ko at pumasok na sa aking kwarto para kunin ang tuwalya.
Pagkatapos ay lumabas ako sa kwarto at pumasok na sa bathroom. Natapos na akong maligo at magbihis paglabas ko sa aking kwarto may biglang nag doorbell kaya naman tumayo si Dielle at siya ng nagbukas pagbukas niya kita ko ang magkatigil niya. Kaya sumilip ako ng kaunti at halos manlaki mata ko ng makita ang pamilyar na lalake.
Ngayon ko lang siya nakita sa personal ang gwapo nga.
Mabilis akong pumasok sa kwarto at inayos ang sarili kinuha ko ang aking jacket at sinuot ito. Pagkalabas ko ulit sa kwarto pumunta ako sa gawi ng dalawa.
At nagpaalam ako kay Redielle. "May pupuntahan pala ako, Ikaw na bahala diyan."
Lumingon ang babae sa'kin at sumama ang tingin napangiti na lamang ako sa babae. "Ikaw na bahala sa bisita." Natatawang sambit ko.
Tumingin ako sa lalake at ngitian siya.
"Pasok ka, Mr. Castillo. Welcome ka dito." Sabi ko.
Pumasok naman ang lalake.
"Paano ba iyan aalis na ako, ikaw na bahala sa bisita ha?"
Magsasalita sana si Redielle ngunit lumabas agad ako at sinarado ang pinto. Natatawa na lamang ako sa ginawa ko sa totoo lang wala naman akong pupuntahan. Sadyang gusto ko lang mag usap ang dalawa ng private.
Inayos ko ang aking sarili at naglakad papunta sa tapat ng condo ni Alas. Nag doorbell ako at mabilis namang binuksan ng lalake.
Nakita ko na kakabagong gising pa lang niya.
Ngumiti ako sa lalake ng matamis. Taka naman niya akong tiningnan. "What are you doing here?"
"Binibisita ka, masama ba? Pwedeng papasok muna? Nanagangalay na ako eh." Makapal na mukhang sabi ko.
Gumilid siya kaya pumasok na ako. "Kumusta pakiramdam mo? Ayos na ba?"
"Oo, salamat pala kagabi." He said seriously.
Nasa likod ko siya nakasunod ata sa'kin. Lumingon ako sa gawi niya. Paglingon ko sa kanya tumama ang noo ko sa kaniyang dibdib kaya naman napaatras ako sa gulat.
"W-Walang anuman. Oo nga pala nakakain kana?" I asked him.
Umiling siya. "Hindi pa."
"Kung ganoon, tara kakain sa labas libre ko." Anyaya ko sa kanya.
"Hindi pa ako nakakaligo."
"Edi maligo ka muna, I'll wait for you." Seryosong sabi ko sa kanya.
Tumango siya at naglakad papunta sa bathroom habang ako ay umupo sa sofa at nag cellphone muna. Nakita kong nagchat sa'kin si Redielle natatawa na lamang ako. Sa Instagram na ako nag o-online bihira na sa Facebook minsan pati nawawalan na ako ng gana mag online. Pag nakikita akong online meaning nun ay nag u-update ako.
While I was busy on my cellphone. Narinig ko ang pagbukas ng pinto kaya napatingin ako doon at nakita ko ang lalakeng kakalabas lamang galing sa kaniyang kwarto nakita ko na nakabihis na siya ngunit ang kaniyang buhok ay gulo-gulo pa. Tumayo ako at ngumiti sa kanya.
YOU ARE READING
At The Right Time (Lastimosa Series #1)
RomanceIzzalyn Arielle Dela Cruz, with her gentle face and modesty, found her broken heart revived by Alastair Carlos Estrada. However, she discovered that loving him meant enduring pain when he chose to reconcile with his ex-girlfriend. Instead of succumb...