Kabanata 29
Clingy
Naitulak ko si Alas dahil sa pagsulpot ni Theodore.
"Panira talaga." Rinig kong bulong ni Alas kaya mabilis ko siyang siniko.
"Wala pang label pero may halikan ng nagaganap. Ang rupok mo, Arielle." Asar niya sa'kin kaya sinamaan ko siya ng tingin.
Sumbong ko kaya ito sa dragon niyang mapapangasawa. Sasabihin ko pauwiin na ito panira ng moment.
Naramdaman ko na pinagsakop ni Alas ang mga daliri naming dalawa kaya naman napatingin si Theo sa kamay namin.
Sinadya itong ipakita ni Alas. Ngumiti ito ng napakaloko. "Kami na."
"Ay naks, stay strong sa inyo." Natatawang saad niya. "Sa'kin dapat iyan eh."
Inis ko siyang tiningnan. "Kapal."
"Sa'kin ka naman dapat inagaw ka lang sa'kin ng lalakeng iyan." Nakangising saad niya.
Kaya naman hindi ko mapigilang kunin ang aking cellphone at kunwaring tinawagan ang kaniyang dragon na mapapangasawa. "Hello, pauwiin mo na nga ito. Nakikipag landian dito, ang daming chicks nito. Nambababae. Iwan mo na nga ito."
Nawala ang ngiti sa labi ni Theodore. Taranta niyang kinuha ang aking cellphone kaya naman doon ako humagalpak ng tawa.
Nakisama na din si Alas.
"Uto uto." Saad ni Alastair.
Sinamaan ako ng tingin ni Theodore at padabog na binigay sa'kin ang aking cellphone. "Biro ko lang naman iyon eh. Ikaw talagang babaita ka pahamak ka. Kapag iyon hindi pumayag magpakasal sa'kin naku, itatakwil kita bilang best friend ko." Nakasimangot na saad niya.
Minsan may ganoong side si Theodore.
"Takot ka pala eh, don't worry hindi naman ako masamang best friend binibiro lang kita. Panira ka kasi ng moment eh." Natatawang saad ko.
"Ewan ko sa'yo, Izzalyn Arielle." Padabog na saad niya.
Napikon ata.
Pagtalikod ng lalake ay nagkatinginan kami ni Alas at doon humagalpak ng tawa. Asar talo si Theodore. Basta kapag kay Ate natatakot agad.
Sa wakas napaamo siya ni Ate.
Simula nung sinagot ko si Alas dito na siya nauwi sa'min pagkatapos mag trabaho niya deretsyo punta agad siya sa'min. Minsan nakikita ko siyang natulong kay inay. Napapangiti na lang ako habanh pinapanood siyang natulong kay inay. Minsan naman nauwi siya sa bahay nila at nakasanayan na namin pumunta sa tabing dagat upang pagmasdan ang hampas ng alon at paglubog ng araw.
Waving can symbolize a warm greeting or a sign of affection and the sunset is often associated with romance and love. Watching the sunset with him can be a beautiful and intimate experience. The colors and tranquility of the sunset can create a romantic atmosphere, evoking feelings of love, peace, and serenity. It can be a moment to appreciate the beauty of nature together and reflect our feelings for each other.
The sunset can symbolize the end of a day but also the beginning of a new chapter. A new chapter for both of us.
Napatiplag ako ng may bigla akong niyakap ni Alas.
Napalingon ako sa kaniya. "Hmm?"
"Lalim ng iniisip mo ah," Malambing na saad niya.
"Wala ito." Saad ko sa kaniya at ngumiti.
Naramdaman ko naman ang paghawak niya sa aking kamay. Hindi ako makapaniwala na sa panghuli pala ay ako ang mamahalin ni Alas. I used to think it was unlikely that he would love me. It's vague because I know he loves his ex girlfriend very much. Ngunit dati iyon dahil ngayon it's incredible, hindi kapani-paniwala ang mga nangyari.
YOU ARE READING
At The Right Time (Lastimosa Series #1)
RomanceIzzalyn Arielle Dela Cruz, with her gentle face and modesty, found her broken heart revived by Alastair Carlos Estrada. However, she discovered that loving him meant enduring pain when he chose to reconcile with his ex-girlfriend. Instead of succumb...