Kabanata 17

73 2 0
                                    

Kabanata 17

Silas

Tumango siya at nagsalita. "Oo, pwede naman pasok ka."

Walang hiya akong pumasok.

Pagpasok ko bumungad sa'kin ang malinis na paligid. Napatingin ako sa lalake humiga siya sa sofa.

"Pwedeng pakalman kusina mo?" Nahihiyang tanong ko sa kanya.

"Go lang." Nanghihinang sagot niya.

Deretsyo akong pumunta sa kaniyang kusina at ininit ang ulam nakita ko na wala pa siyang kanin.

Hindi ba siya kumain?

Napailing na lang ako. Kinuha ko ang rice cooker niya at nagtakal ng isa't kalahating bigas.

Nang matapos ay nilagay ko ang ulam sa isang platito at ang kanin ay dinala ko na lamang papunta sa lamesa. Nakita kong tulog na siya kaya naman lumapit ako. Hindi ko mapigilan haplusin siya sa kaniyang leeg.

Hindi naman siya mainit pero bakit nanghihina siya?

"May masakit sa'yo? Pinapabayaan mo na sarili mo, hindi ka naman ganiyan dati." Bulong ko.

Hinaplos ko din makapal niyang kilay, ilong hanggang sa labi. Hindi ko talaga mapigilan sarili ko. Nanlaki ang aking mata ng bigla niyang hawakan ang aking pulso at minulat niya ang kaniyang dalawang mata.

"Tapos kana?"

Napatayo ako dahil doon, kita ko ang mapaglarong ngisi niya. Ang lakas ng pintig ng puso ko iyong titig niya parang may something.

Alam ko pinupunto niya.

"Ahh, pwede pagamit ng cr? At oo nga pala kumain kana." Sabi ko.

Hindi pa siya nakakasagot sa tanong ko ay kumirapas na ako ng takbo papunta sa cr mabilis kong sinarado ang pinto at napahawak sa aking dibdib.

"Anong tingin iyon? Alam niya? Bakit ganoon tingin niya? Parang may something?"

"Baka ganoon lang tingin niya, pero bakit ganoon? Ang big deal nun sa'kin." Para akong tanga na kinakausap sarili ko.

Bakit kasi ganoon titig niya?

"Bakit parang may something, ughh! ang assuming mo, Arielle. Hindi naman masamang mag assume, hayss. Masasaktan ka sa pag aassume mo."

Napabuntong hininga ako at lumabas na sa conference room. Pagkalabas ko nagulat ako dahil nasa pintuan na siya ng cr magsasalita sana ako ngunit bigla niya akong nilampasan at sinarado ang pinto ng conference room.

Nagtatae ba siya?

Pumunta ako sa kusina para uminom pagkatapos uminom lumabas ako sa kusina wala pa din siya. Nasa cr pa din dahil sa pag aalala ko lumapit ako sa may pintuan ng cr at kumatok.

"Sarao, okay ka lang?" I asked him.

Hindi siya sumagot.

"May masakit sa'yo?"

Saktong lumabas siya mula sa cr nakita ko panghihina niya. Lumakad siya na parang walang nangyari at pabagsak na humiga sa sofa.

"Masakit tiyan mo?" I asked him again.

"Oo." Pinikit niya ang dalawa niyang mata.

Nangyari na ito sa'kin, siguro hindi siya kumain tapos uminom agad siya talagang sasakit tiyan niya tapos kulang pa siya sa tubig.

Tumayo ako at pumunta sa lamesa para kumuha ng kanin at ulam then, bumalik na ako sa gawi niya. Sa mukha ko pa lang halatang nag aalala ako sa kanya.

Hinubad ko ang aking shoulder bag at nilagay sa sofa kung saan nakahiga si Sarao. Umupo ako sa gilid niya. "Kumain ka ng kaunti tapos uminom ka ng gamot."

At The Right Time (Lastimosa Series #1)Where stories live. Discover now