Kabanata 27
Annoying
Pag uwi namin ay nanatili akong tahimik hindi makapaniwala sa sinabi niya kanina. Umamin kami sa isa't isa at hindi ako makapaniwala doon.
"Uhm, paano ba iyan papasok na ako sa loob?"
Tumango siya. "Sige."
Tatalikod sana ako ngunit tinawag niya ako. "Arielle, goodnight." Paalam niya sa'kin.
Hindi ko na siya pinansin. Nang maramdamang nakaalis na siya doon ako napatalon sa sobrang kilig. Hindi ko aakalain na mangyayari ito. Walang tigil ako sa kakatalon napatigil lang ako ng may tumikhim muli sa likod ko.
"Ehem."
Napalingon ako doon nanlaki mata ko ng makita ang lalakeng kay tagal ng hindi nagpapakita sa'kin. Nawala ang ngiti sa labi ko at sinamaan na siya ng tingin.
Lumapit ako sa lalake at tumingkayad upang siya'y masabunutan.
Napaaray naman siya. "Tangina kang lalake ka! Bakit ngayon ka lang nagpakita sa'kin ah?"
"Bitawan mo nga ako babaita. Bakit miss mo ako?" Nakangiting tanong niya sa'kin.
Bumitaw ako sa pagkakahawak sa kaniyang buhok. Pagbitaw ko ay doon niya na ako inakbayan. "Hindi kita miss ano?" Pagsisinungaling ko sa kaniya.
"Sus, miss mo lang gwapo mong boy best friend." Mahangin na saad niya kaya naman sinapak ko siya sa tiyan.
"Alam mo nakakainis ka. Hindi ka na nagparamdam sa'kin hindi ko alam kung ano ng nangyayari sa buhay mo. Tapos nalaman ko na lang na..." Napatigil ako at tumingala sa lalake.
Para bang nang aasar na ako. "Akala mo hindi ko iyon alam ano? Kaya siguro hindi mo ako binibisita dito dahil abala ka na sa babae mo. Nagtatampo tuloy ako." Pag amin ko kay Theodore.
Paano naman kasi nakakainis talaga siya. Simula noong ni-reject ko siya hindi na siya nagparamdam sa'kin tapos nalaman ko lang na nadiskarte na pala siya sa babae niya.
"Huwag ng magtampo nandito na nga oh." Malambing na saad niya at ginulo ang aking buhok.
Pagpasok namin ni Theodore bumungad sa'min ang inay. Naghahanda na sa hapag kainan. "Nandito ka na pala, Arielle. Kanina pa nandito si Theodore. Hinihintay ka nga 'nan."
"Anong oras ka nakadating dito?" Tanong ko sa lalake.
"Mga alas singko." Sagot niya sa tanong ko.
Tumango na lang ako. Nagpaalam ako sa kaniya na magpapalit muna. Pagkatapos ko magpalit ay bumaba na ako. Pagkababa ko bumungad sa'kin ang seryosong mukha ng lalake.
Nanlaki ang aking mata dahil doon. Nasa tapat na ng pintuan ang lalake.
"Alas, hijo. Pasok ka sorry at hindi kita nakita abala kasi ako sa pakikipag kwentuhan sa kaibigan ng anak ko. Pasok ka." Si, Tatay.
Ngayon ay nasa sofa sila. Hinihintay para nila akong bumaba para sabay kaming kumain.
"Good evening po, Tito. Naiwan po kasi ni Arielle iyong cellphone niya." Magalang na saad ng lalake ngunit nananatili pa din siyang nakatingin kay Theodore.
Napatingin naman ako kay Theodore nakangisi na ang lalake.
"Ay nakalimutan ko. Nilagay ko pala ang aking cellphone sa bag mo. Salamat, Alas."
Kukunin ko sana ang aking cellphone ngunit humigpit ang pagkakahawak niya dito.
"Tutal nandito ka hijo. Sumabay kana sa'min sakto maghahapunan na kami. Sumabay ka na. Nakapag haponan kana ba?" Tanong ng Inay sa lalake.
YOU ARE READING
At The Right Time (Lastimosa Series #1)
RomanceIzzalyn Arielle Dela Cruz, with her gentle face and modesty, found her broken heart revived by Alastair Carlos Estrada. However, she discovered that loving him meant enduring pain when he chose to reconcile with his ex-girlfriend. Instead of succumb...