Kabanata 11
Ready to Open My Arms
Noong gabing iyon kachat ko boyfriend ng best friend ko topic namin ay si Redielle. Hindi ko mapigilan lumuha habang naalala sinabi sa'kin ni Ate at huling chat sa'kin ni Alastair. Oo nasasaktan ako, nasasaktan ako medyo. Tinadtad ko ng message best friend ko dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ko iniisip ko walang nakikinig sa'kin. Sobrang sakit ng nararamdaman ko halos hindi ako makahinga sa sobrang sakit. Nagpapanggap lang naman ako na ayos lang sa'kin na nagbalikan sila eh. Pero deep inside nasasaktan ako. Kung kailan mahal ko na ang lalake nangyari pa ito.
Inaamin ko naiinis ako kay Sarao.
Bakit ganoon? Bakit ang rupok niya? Naiinis din ako sa sarili ko kasi nagmahal na naman ako. Nagmahal na naman ako sa isang taong alam ko una pa lang mahal niya pa ex-girlfriend niya.
Ngunit pag mahal mo pala talaga ang isang tao kahit maging selfless ka sususportahan mo lagi siya kung saan sya masaya. Tanggap ko, tinanggap ko kahit masakit sa'kin ganoon naman talaga eh. Wala akong magagawa masaya siya sa iba. Masaya na siya.
Kinaumagahan nagising ako dahil sa bunganga ng inay.
"Anong oras ka magigising ah? Ang daming gawain sa bahay tas ikaw nakalugmok lang ang tamad mo talagang bata ka." Sigaw ng inay mula sa baba
Nasasaktan pa ako tas heto na naman, panibagong dagdag na naman. Pinigilan ko lumuha ang aking mga mata. Siguro nga wala akong kwenta gagi, ang over acting ko pero totoo naman eh sa tuwing pinapagalitan ako iniisip ko wala akong kwenta.
Noong nakaraang araw umiyak ako.
Umiyak ako dahil sa sarili ko. Sinisisi ko sarili ko, nakita ko pa umiyak sa harap ko ang Ina ko. Rinig na rinig ko halos buong gabi ako umiyak dahil sa guilty.
Tas ngayon down na down ko na naman sarili ko. Takte, kailan ba matatapos ito? Pagod na akong idown sarili ko tas hanggang ngayon hindi pa din nag rereply bestfriend ko. Hinihintay ko siya oh, ngunit hanggang ngayon wala pa ding reply.
Ganoon ba talaga? Kung sino pa iyong mga taong minahal mo sila pa iyong mananakit sa'yo. Inaamin ko mahal ko na si Sarao tinigil ko pag ch-chat sa kanya kasi ayaw kong lumala nararamdaman ko.
"Ano ba, Arielle? Kanina pa kita tinatawag tulungan mo ako dito ang kupad mo talagang bata ka." Galit na sigaw ng inay kaya napatiplag ako.
Hindi ko alam kung bakit halos saktan ko sarili ko sa tuwing nagagalit ang inay. Nananahimik na lamang ako but, deep inside nasasaktan ako sa aking iniisip. Sa tuwing pinapagalitan ako ganito talaga iniisip ko.
Iniisip ko wala akong kwentang anak. Iniisip ko bakit pa nila ako inampon? Akala ko ba swerte ako sa kanila? Ako lang pala nagpapahirap sa kanila.
I hate myself, ayaw ko naiinis ako sa sarili ko. I hate myself. I hate myself from being weak, being soft hearted and easily to cry. I hate myself from being easy to get. I hate myself from being makupad, tamad at walang kwenta.
Pagod na ako sa sarili ko.
Pinigilan ko lumuha at bumaba na nananatiling tahimik ako habang tinutulungan ang inay ayaw ko dumagdag ang inis niya sa'kin kaya nagdahan dahan ako. Noong may nasagi akong bangko halos kabahan ako.
"Nagdadabog kaba? Inuutusan ka lang nagdadabog kapa." Sigaw sa'kin ng Inay.
Nanatili pa din akong tahimik. "Nasagi." My mother cut me off.
Ganito siya pagpagod naiintindihan ko naman siya.
"Ang sabihin mo nagdadabog ka, puro ka cellphone hindi ka man lang tumulong sa gawaing bahay. Ako nahihirapan sa'yong bata ka." Hindi ko mapigilan lumuha dahil doon.
YOU ARE READING
At The Right Time (Lastimosa Series #1)
Storie d'amoreIzzalyn Arielle Dela Cruz, with her gentle face and modesty, found her broken heart revived by Alastair Carlos Estrada. However, she discovered that loving him meant enduring pain when he chose to reconcile with his ex-girlfriend. Instead of succumb...