Kabanata 33

47 3 0
                                    

Slight: Warning Spg

Kabanata 33

Libro

Pagkauwi namin ay naging abala kami parehas.

At dahil wala akong kasama sa bahay dito na natira sa'min si Alas. Sanay naman ako na mag isa sa bahay pero mapilit siya gusto niya na dito muna magstay sa'min hangga't wala pa ang magulang ko.

Nasa abra pa sila. Sabi nila sa'kin gusto nila magbakasyon sa abra.

Pagpasok ko sa classroom ay bumati na agad ako sa mga istudyante ko. "Good Morning mga anak."

"Good Morning, Teacher Arielle." Bati ng mga istudyante ko at nagsi-upuan na sila.

Ngayon ay simula ulit ng klasi namin. Kaya naman pagkatapos nila bumati ay nagsimula na kami magklasi. Madami kaming kailangan tapusin dahil pagkatapos ng november ay december na.

Malapit na ang christmas break.

Mabilis ang araw baka mayamaya ay hindi mo namamalayan pasko na pala. Balak ko mag pasko sa ilo-ilo kasama best friend ko alam na iyon nila inay. Ayos lang naman sa kanila basta sabi ko sa kanila video call kami.

Breaktime ay lumapit si Bless at bigla akong tinanong. "Teacher Arielle, kailan po birthday mo?" She asked me.

"December fourteen, anak. Why?"

"Wala lang po." Ngiti nito at bumalik na ulit siya sa upuan.

Nakita ko ang pagliwanag ng mata nang bata nung sinabi ko ang aking birthday. Hindi ko alam kung bakit niya natanong iyon.

Bumuntong hininga na lang ako at nanood na lang sa aking laptop ng cdrama. Ito ginagawa ko minsan kapag breaktime. Hanggang ngayon mahilig pa din ako sa chinese drama lalo na sa korean drama. Pangarap ko magtravel sa south korea kasama ang lalakeng mamahalin ko habang buhay.

Baka sa susunod na taon ay makapagtravel na ako sa south korea lalo na't madami na akong ipon. At pagkatapos nun siguro handa na akong magpakasal.

Habang nanonood ako may bigla umakbay sa'kin kaya naman akmang sasapukin ko ngunit mabilis niya iyong kinuha at inilagay na lang ang aking kamao sa lamesa. Tiningala ko kung sino iyon nanlaki mata ko ng makita na si Alas pala iyon.

Ngayon ay nakangiti siya sa'kin. Iyong mata ko kasi kanina tutok na tutok sa laptop ko kaya hindi ko alam na si Alas pala iyong umakbay sa'kin akala ko kung sino.

"Tutok na tutok sa panonood ah." Malambing na saad niya at yumuko siya upang halikan ang gilid ng aking noo.

Ngumiti ako sa kaniya at nanood ulit.

Lumayo siya sa'kin kaya habol tingin ako sa kaniya. Papalapit siya sa mga batang naglalaro. Minsan talaga napapaisip ako, ganiyan din ba siya sa magiging anak namin? Sa totoo lang gusto ko na magkaanak ngunit hindi ko pa natatapos ang bucket list ko bago mag asawa at magkaanak. Alam iyon ni Alas kaya naman niya maghintay.

Nung nasa abra pa kami napag usapan naming dalawa ang about sa future namin. Sinabi ko sa kaniya na gusto ko matapos ang mga gusto kong tapusin bago kami magpakasal at magkaanak.

Sinabi niya kasi sa'kin nung nasa abra kami na papakasalan niya ako at kaya niyang maghintay kung kailan handa na akong magpakasal.

Alastair respect me so much.

Tumigil na ako sa panonood at pinagmamasdan na lang ang lalakeng nakikipaglaro sa mga istudyante ko. Minsan sa tuwing wala silang ginagawa or trabaho napunta siya dito sa school upang makita ako at makipaglaro sa mga bata.

Mga ilang minuto lang siya dito at mayamay babalik na ulit siya sa police department.

"Kuya Alas, sabi po ni Lola ang magkasintahan daw po ay minsan nagtatapos sa kasalanan. Matanong po kita? Balang araw ba po papakasalan niyo po si Teacher Arielle?" Bless suddenly asked Alas.

At The Right Time (Lastimosa Series #1)Where stories live. Discover now