Kabanata 1

176 6 0
                                    

Kabanata 1

Pain

Gabi na ng nakauwi ako sa bahay. Buti na lang hindi ako napagalitan. Tapos na kaming kumain kaya naman umakyat na ako sa taas para matulog. Chinat ko si Ethan, pero ang cold niya pa din tas hindi siya online nakaoff status ata.

Iyong puso ko kinakabahan parang may halong nasasaktan sa totoo lang sukong-suko na ako sa pinapakita niya.

Pwede bang sarili ko naman?

Hindi ko alam kung bakit ngayon nakakaramdam ako ng lungkot at pangungulila. Bakit ganoon, bakit ang cold niya nagbalikan nga kami pero bakit ganoon siya?

Sukong-suko na ako pero hindi ko magawang sabihin sa kanya.

Chinat ko siya na maghiwalay na kami, labag sa kalooban ko pero ang sakit na kasi pinapakita niya.

Ang sakit kasi sobra.

Mahal ko siya pero tama na nasasaktan ko na sarili ko.

Noong nakipaghiwalay ako sa kanya doon ako unti-unting nawasak. Palagi na lang ako nadadala sa emosyon ko. At kung kailan ako nakipaghiwalay sa kanya doon ko nalaman na may nakakalandian siyang iba.

Ang sakit sobrang sakit halos hindi ako makakain napapabayaan ko na sarili ko. Sobra ko siyang minahal. Ako iyong nakipaghiwalay ngunit ako iyong sobrang nasaktan. Binigay ko lahat ng pagmamahal sa kanya halos sarili ko hindi ko tinirhan.

Mga ilang araw akong ganito iiyak ng gabi paggising iiyak na naman umiiyak pa ako sa harap ng inay sa sobrang sakit.

Sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon. Ubos na ubos na ako.

Nagising ako dahil sa aking alarm clock. Monday na naman.

Kinusot ko ang aking dalawang mata at bumangon na. Nakita ko ang inay na nanonood ng TV.

Pumunta ako sa kusina at nagtimpla ng kape, hindi kasi nakain hindi ako sanay kumain ng maaga pag may pasok hanggang kape lamang ako.

Pagkatapos magkape naligo na ako, mga ilang minuto nasa school na ako nakikita ko iyong babaeng kalandian ni Ethan.

Alam kong nabasa iyon ni Ethan gusto kong bawiin pero nangyari na wala na akong magagawa. Sumuko na ako eh, ako iyong sumuko pero ako iyong nasasaktan ng sobra.

Minahal ko nga talaga siya ng sobra.

Sa tuwing hapon palagi na lang akong nag iiyak sa harap ng mga kaibigan ko sa sobrang sakit.

"Hindi dapat iniiyakan lalakeng iyan." sabi sa'kin nila Ally.

Alam ko akala ko ayos na pero masakit pa din. Walang tigil pag agos ng luha ko habang inaalala ang nakaraan.

Ang sakit, sobrang sakit.

Namamaga na ang aking mata sa kakaiyak. Sinabi ko ito kay Kuya Alas alam niya na wala na kami. Hindi ko sinabi kay Alas ang isa pang dahilan kung bakit sobrang nasasaktan ako ngayon. 

Uwian na ng hapon habang nasa may pintuan ako nakita ko si Kuya Alas. Nasa tapat siya ng room ng pinsan niyang si Ellin hindi ko mapigilan tumingin sa kanya.

Napangiti ako ng wala sa oras habang pinagmamasdan siyang nakikipagharutan sa pinsan niya.

Hindi ko alam biglang nagkabuhay puso ko.

Kuya ko lang siya, kuya kuyahan pero bakit ganito nararamdaman ko? Baka naman masaya ako kasi nandiyan siya noong nagrarant ako about sa sakit na nararamdaman ko kay Ethan.

Noong sinabi ng mga kaibigan ko na mas bagay kami doon ko siya unti-unting napapansin. Matangkad siya at minsan nakikita ko siyang nakahoddie.

Minsan nakikita ko siyang nadaan sa room namin.

At The Right Time (Lastimosa Series #1)Where stories live. Discover now