Chapter Forty Six

244 33 18
                                    

Wh-What?!


Author's POV


Umaga pagkatapos ng araw na lusubin si Julliene ng mga fans n i Trevin ay hindi na ito nag-abala pang magbihis upang pumasok sa SONEU. Nakarating narin sa mga magulang niya ang nangyari sa kanya. Kahit sila ay hindi makapaniwala sa mga nangyari. Kung Iisipin, parang sa pelikula lang ito pwedeng mangyari pero pwede rin pala sa totoong buhay. Ipinaliwanang naman ni Julliene ang totoong nanyari sa mga magulang niya lalo na sa kuya niyang inaakusahan siyang nobyo na nito si Trevin.



"Uy Julliene!!!"

sigaw sa kanya ni Euki



"Sa tinggin mo makakapasok pa ako sa DAMI ng tao sa labas??? Daig ko pa nito ang artista! Asar na Trevin yun! Ba't ba parang ok lang sa kanya ang mga nangyayari?? Hindi siya nagpaparamdam ahh"



"Huh?? Hindi ka pa 'non tinatawagan??"



"Psshh.. Asa pa.. Pa-importanteng tao si Trevin at hindi yun mag-aabalang tawagan pa ako! Ano ba niya ako diba??"



"Eh pano yan??.. Pano tayo makakapasok??"



"Haaay!! ewan!"



Maya-maya, may kumatok sa kanilang apartment.


*knock*

*knock*

*knock*



"Hala! S-Sino naman yan?? Hindi kaya... yan yung mga fans ni Trevin??"

hula ni Euki



"Baka si boylet Harry mo yan?? May pasabi ba yun na pupunta siya rito???"

tanong sa kanya ni Julliene



"Hmmm. hindi ko pa siya tine-text Julliene kaya imposible yun"



"Julliene ako 'to!"

sabi ng taong kumakatok... Medyo pamilyar ang boses para kay Julliene..



"Julliene?? Nandiyan ka paba??"

sabi nito at muling kumatok.


Tumayo si Julliene mula sapagkakahiga at agad nitong binuksan ang pintuan. Hindi nga siya nagkakamali.. si Aj ang kumakatok.



"Teka.. Sino ka?!!!"

sigaw ni Euki mula salikod ni Julliene

I Just Haven't Met You Yet [COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon