People come, people go..
Trying to find love is like you trying to catch a fish with a bare hand.
Go with the flow of life and let destiny plays the game.
That's how it should be.
...
Pagkauwi ni Julliene sa apartment nilang dalawa ni Euki, nangingibabaw na ang pangangantyaw ni Euki sa kanya at kay Trevin. Malamng sa malamang ay nabalitaan niya sa internet ang mga nangyayari kay Julliene at Trevin. Bakit hindi? Eh sa malamang ay maingay na balita ito sa mga tao.
"Hoy baks! Kumusta ang date niyo ni Trevin?? alululuuulu!"
pangangantyaw nito sa kanya sabay tusok tusok sa tagiliran ni Julliene
"Anong date?? Pshhh.. kaimbyerna nga eh. Kasi yung lalaking yun pina-absent pa ako sa klase"
Sabi nito sabay tanggal ng blazer at umupo sa kama nito
"Psshh denial ka pa eh kinikilig ka naman!"
Sabi nitong may nakakalokong ngiti pa sa labi. Nilabas nito ang cellphone at ipinakita pa ang picture na kuha sa kanilang dalawa ni Trevin kani-kanina lang
"Eh anong tawag mo rito???"
Sabi nito na pinapakita pa ang picture nila ni Trevin sa world of fun at yung sa may park. Nagulat naman si Julliene nang makita yun at nagulat siya na nasa sns pa ito! Agad nitong kinuha ang cellphone at nagulat nalang sa nakita niya
"Kani-kanina lang 'to ah!"
sabi niya sa sobrang gulat
"Magtataka ka pa ba? Baks nasa generation tayo ng social medias natural lalabas agad yan sa news at internet. Tsaka, wag ka nang magulat kasi sikat yang BOYFRIEND mo"
"Nakakaloka!"
sambit nito sabay higa at sabunot sa sarili
******
[THE NEXT DAY]
Pagpasok nina Julliene at Euki sa SONEU, nakaramdam ng ilang at hiya si Julliene. Pakiramdam niya ay parang lahat nakatinggin sa kanya. Kinakabahan siya na baka mas marami pa ang magalit sa kanya dahil narin sa mga balita sa relasyon nila ni Trevin na hindi naman niya ginusto.
Nagtataka rin siya dahil ni hindi pa siya tinatawagan o tinetext man lang ni Trevin. Panay nga ang pagtinggin niya sa cellphone niya kung nag message na ito pero wala parin.
"Alam mo itatapon ko na yang cellphone mo. Kanina ka pa kasi tingin nang tingin diyan eh"
Panunuway ni Euki rito
"Eh kasi may.. eh ba't ka ba nagagalit??"
"Kasi kanina pa ako nagsasalita rito di mo naman ako pinapansin"
"Ahh, ganun ba. Ano ba yun?"
"Nagtext sakin si Trevin mo, sabi niya puntahan mo raw siya sa garden. Kinausap niya raw si sir Mariano, excuse ka na raw"
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.