Chapter Forty Four

468 40 44
                                    

Get Over??

Author's POV

"Hindi ka na ba atalaga babalik??"

tanong ni Trevin sa larawan na nasa cellphone niya. Oo si Step nga ang babaeng tinutukoy nito. Napakaganda ng mga chinitang matra nito na siyang pinakamaganda sa paningin ni Trevin. Wala na ngang mas gaganda p[a sa babaeng 'to para sa kanya.

"Step, hindi mo man lang sinabi sa'kin address mo o number man lang.. Iniiwasan mo ba ako?? Ayaw mo na ba sa'kin?"

Patuloy na pakikipag-uusap nito sa larawan ni Step. Pero napagdisisyunan nalang niyang patayin ito. Nasa cafeteria siya ngayon at umagang-umaga pa kaya't wala masyadong tao. Ito lang ang gusto niya sa ngayon.. katahimikan

Naaalala tuloy ni Trevin ang mga pagkakataong kasama pa niya si Step. pero ang pinaka mas tumatak sa isipan niya ay ang pag-iwan nito sa kanya.

[FLASHBACK]

"aNo?! Ngayon na?!"

"Oo Trevin! Kanina lang nangyari"

Di na pinatapos pa ni Trevin ang mga sasabihin ni Harry sa kanya at basta nalang umalis papuntang bahay nina Step. Sinabi sa kanya ni Harry pagkatapos ng shooting niya na nagpa-press con si Step nung araw ding yun at sinabing magku-quit na siya ng shobiz, sa kadahilanang gusto nitong i-pursue ang pangarap niyang maging interior designer. Gusto niyang umalis papunta sa ibang bansa para ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral. Maraming umalma sa desisyon niya lalo na ang mga fans niya pero pinakausapan niya itong i-respeto nalang ang desisyon niyang umalis. Isa na sa mga umaalmang 'yon ay si Trevin. Hindi diya papayag na umalis ang pinakamamahal niya.

"Step??"

"Oh?? Anong ginagawa mo rito Trevin?? Diba may shooting ka?"

"Ako pa talaga ang tinanong mo?? Eh ikaw?? Ba't di mo man lang sinabi sa'min ni Harry??"

tinigil ni Step ang ginagawa niyang pageempake at lumapit kay Trevin sabay yakap

"Sorry Vinvin.. Kailangan ko lang talagang gawin 'to. San maintindihan mo"

sabi ni Step.. Natutuwa si Trevin kapag tinatawag siya nitong Vinvin dahil tinatawag lang siyang ganun tuwing maglalambing ito sa kanya.

"Pero kahit wala na ako rito, sana ipagpatuloy mo parin ang karera mo ok?"

sabay gulo ng buhok ni Trevin. Si Step ay isang taong mas matanda kay Trevin kaya parang kapatid ang turing nito sa kanya.

"Babalik ka d-diba?"

pero ngumiti lang ito sa kanya

"So.. Hindi ang sagot mo??"

"Vinvin, kailangan ko kasi ng time para matupad ang mga pangarap ko kaya hindi ko masasabi kung babalik pa ako. Sana intindihin mo ako Vinvin"

"G-Ganun ba"

Masakit para sa kanya na umalis ang babaeng una niyang naramdaman ang tinatawag na 'pag-ibig' at ang babaeng inibig niya nang ilang taon

"Ha-hatid ka namin ni Harry sa airport bukas ha???"

matapang na sabi ni Trevin.. 'Yon ang mga salitang kailanman ay hindi niya sasabihin pero ginawa niya dahil ayaw niyang makita siya ni Step na nalulungkot. Yumakap naman uli sa kanya si Step. Hiling lang ni Trevin sa mga oras na yun ay pansamantala munang tumigil ang oras para masulit ang pagkakataong magkasama sila ni Step.

*At the Airport*

"Sige ah.. aalis na ako"

paalam na ni Step kina Trevin at Harry. Kita sa mga mata ni Trevin ang lungkot sa pagalis na yun ni Step.

I Just Haven't Met You Yet [COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon