Chapter Nine

775 61 11
                                    

*Shampoo/Perfume*

Julliene's POV

Nagsusulat ako ngayon sa diary ko ng mga nangyari sa'kin nang buong week.

Simula nung bumangga siya sa'kin, nung nagkita kami sa SJU, nung tinawagan niya ako for the first time, at yung niyaya niya akong mag-kape!

Oh diba? Haba ng hair!

Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwalang isang linggo lang kami naging close!

At pagkatapos nung araw na nagkape kami, walang araw na na nagtetext siya sa'kin. Kahit na "goodmorning Julliene, have a nice day ahead!"

"goodnight Julliene, sleep well and GodBless"

lang ang text, galing parin kay Shaun yun diba?

"Oo nga pala, September na pala bukas"

Paglipat ko ng kalendaryo, nakita kong may sticky note na nakasulat sa unang araw ng September.

Pagkakuha ko...

"National High School Choir Competion?!! Kainis naman, yan pa talaga nakalimutan ko?!!"

Agad kong kinuha ang phone ko at dinial ang number ni Daniel.

"DANIEEEEEEEEEL!!!"

"Liene naman! Sabi ko naman sayo na wag kang sisigaw sa phone diba?! Hindi ako bingi!"

"hehe, sorry mr.Luser-o"

"It's Lu-ce-ro"

"Whatever. Ngapala, alam mo bang bukas na ang National Choir Competion?

"Bukas? Aish! Nakalimutan ko na! Sa _______ yun diba?"

"Oo, kailangan natin suportahan ang school natin gaya ng pagsuporta ng mga dating batch sa'tin nung highschool pa tayo. Free ka naman bukas diba?

Wag mong sabihing hindi ka makakapunta kasi magbabasket ball ka uli gaya ng nakaraang taon!"

*flashback*

Kasama ko ngayong kumakain si Daniel, nang maalala kong bukas na pala ang Choir Competition at kasali ang dati naming school.

"Hoy Daniel free ka ba bukas?"

"Bakit? Makikipag-date ka sa'kin? ASA KA GIRL!"

"Ang kapal din naman ng butas-butas mong mukha noh! Tinatanong ko kung pwede ka kasi kailangan nating pumunta sa ______ para suportahan ang school natin sa Choir Competition"

"Ahhh, sorry Liene, may match ang team ko kaya hindi ako makakapunta"

"Hindi makakapunta?! Pwedeng i-cancle mo nalang?"

"Liene, pwede ba namang umayaw ako? Like duh! Team Captain kaya ako! Tsaka baka mapahiya ang team ko pag wala ako dun. Sorry talaga ok?"

"Bahala ka! Maghanap ka ng makakausap mo!"

*end of flashback*

Pagkatapos nung pangyayaring yun, talagang hindi ko pinansin, kinausap at kinibo si Daniel!

"Oo na, oo na, kesa naman hindi mo uli ako pansinin. Grabe ka isang buwan kaya ako naghirap makipag-bati sayo nun!"

"Dapat lang!"

"May mga makakasama ba tayong iba?"

"Hindi ko pa alam pero susubukan kong kontakin ang mga ka-batch natin"

"Ngapala, nasa repair shop ang kotse ko kaya wala tayong magagamit at hindi naman papayag ang papa kong gamitin ang kotse niya"

"Anu ka ba naman, maraming paraan para makapunta dun! Ano gusto mo? Bus? Jeep? Train? Subway? Taxi?"

I Just Haven't Met You Yet [COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon