Chapter Fifteen

687 56 16
                                    

Just an Inch Away

Daniel's POV

"Hey Daniel, thanks for accompanying me ha"

"Wala yun"

Nagpasama kasi sa'kin si Cheska papuntang mall para bumili ng grocery stuffs. Ginamit ko ang kotse ko para samahan siya. Kanina ko pa tinitignan si Cheska at kanina pa siya nakatingin sa salamin sa harap niya...

Tsk..tsk..tsk.. Girls...

Pagkarating namin sa mall at pagkatapos na pagkatapos niyang bumili ng groceries, imbis na dumiretso na kami sa parking lot pauwi, nagpasama uli siya sa'kin na magwindow shopping. How I hate girl stuff... Tss...

"Hey Daniel oh!"

"Huh? Ano yun? Sino yun?"

"What do you think of this jacket? Pretty cool huh? This one will suit him right?"

Haist... Kala ko naman kung anu na.. Jacket lang pala..

Tinignan ko naman yung sinasabi niyang jacket.. Maganda rin.. No wonder kasi si Cheska na ang pumili.. Ang fashonista ng university namin.

"Sure. Maganda nga"

"Talaga?? I'll buy it then"

"Akala ko ba sinabi niyang wag ka nang mag-abala pa? Ba't bibilhin mo pa yan?"

"Remember my birthday? Diba binigyan niya ako ng necklace... Kaya kailangan ko rin siyang bigyan kahit na sabi niyang wag na noh"

Sabagay... Hindi ko sila mapipigilan pareho.. Kasi pareho naman silang matigas ang ulo eh...

Pagkatapos naman namin namili.. Sa wakas uumuwi rin kami...

....

....

"Tss! Ano ba yan! Bakit traffic naman ngayon!? Kanina maluwag pa ah. Kung minamalas ka nga naman oh!"

"Pwede ba Daniel, relax ka lang.."

Gusto ko nang kumain eh. Akalain mo ba namang di man lang nang-libre ang babaeng to.. Hmmp!

Since traffic, inaliw ko ang sarili ko na pagmasdan ang paligid. Hindi pa kami gaanong nakakalayo sa mall, tinignan ko kung anong movie ang pinapalabas ngayon... Hmmmmmm matagal-tagal na rin nung huli akong manood ng sine ahhh....Whoa, may bagong movie uli si Trevin Abalos?! Haizt... Bilib na talaga ako sa artistang to.. At... Teka s-si Liene ba yun??? Tama... si Liene nga.. May kasama siyang lalaki at.. Haaay.. Sino pa ba ang aasahan kong kasama niya? Bagay nga silang dalawa.. Kita sa ngiting abot tenga ni Shaun na masaya siyang kasama si Liene.. Teka? Date na ba nila yan? Sila na ba? Gus-

"Hey Shaun, green light na oh"

HAH? Aiy oo nga pala... Masyado akong abala sa nakita ko kanina lang sa mall para mapansin na nasa green light na ang traffic light... Bakit di sinasabi sa'kin ni Liene na ganoon na siya kalapit kay Shaun...

Julliene's POV

Nandito na kami sa mall para manood ng sine. Grabe, hindi nga ako maka-focus kasi... si Shaun lang naman at ako ang magkasama! Try niyo kayang manood ng sine kasama ang crush niyo nang kayo lang... Diba??? Hmmm.. Matagal tagal na rin pala nung huli akong nanood ng sine... Yung last time na nag-sine ako, yun yung kasama ko si Aimee... At movie ni Trevin ang pinanood namin! Haaay! super fangirl kami ng lalaking yun eh! Dito rin gusto ni Daniel manood ng sine kapag nagyayaya siya.. Ewan ko dun, kung anong nagustuhan niya rito. Siguro dahil malawak at maraming mauupuan tsaka masarap ang popcorn nila rito. Lagi kayang nagyayaya si Daniel dati nung highschool year namin. Syempre hindi ako tumatanggi... Bakit? Malamang gustong-gusto kong manood ng sine at isa pa..... LIBRE NIYA! Hindi namin pinalampas ni Daniel lahat ng drama series ni Trevin Abalos.. Naiinis nga siya minsan kasi palagi kong iniinis pagkatapos naming manood. Kung makita niyo lang si Daniel kung manood ng drama movie, iisipin niyo talagang bakla siya. Ma-carried away ba naman sa mga eksena lalo na kapag iyakan na!????? Sasabayan pa! Haiyyy! Natatawa tuloy ako kapag iniisip ko yun..

I Just Haven't Met You Yet [COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon