Insane Trevin
Author's POV
Nakikinig si Trevin sa isang kanta habang naglalakad papasok ng campus.. Ang kantang iyon ang paborito niyang kantahin lalo na nung magkasama pa sila ni Stephanie Bareto o Step kung tawagin niya ito.. Malapit sila sa isa't isa noon na hindi pa sumabak si Trevin sa pag-aartista hanggang ngayon na sikat na siya. Si Step rin ang first love ni Trevin. Simula nang magkakilala sila noong highschool palang si Trevin at Step, napagtanto na niya na siya na ang una at huli niyang mamahalin.. Di gaya ni Trevin, hindi gusto ni Step ang showbiz.. mas gusto nito ang tahimik na buhay tulad ng iba. Kung kaya't nagawang umalis ni Step ng bansa para tuparin ang pangarap nitong maging fashion designer.
Umalis si Step pero sinundan siya nun ni Trevin sa airport at 'don ipinagtapat nito ang nararamdaman sa dalaga.. Pero imbis na sagutin ni Step, ngumiti lang siya at iniwan si Trevin. Hindi siya nagsalita kung babalik pa siya o kung anuman.. Ito ang dahilan kung bakit ayaw na ayaw ni Harry kay Step dahil pinagmukha niyang tanga si Trevin nung araw na iyon.. Ilang taong ring nawala si Step pero ni tawag o kung anuman ay wala silang natanggap mula rito. Ilang beses naring sinabihan ni Harry si Trevin na wag nang umasa pa sa kanya, pero sa di malamang dahilan, patuloy parin si Trevin sa paghihintay kay Step.
Habang naglalakad si Trevin sa loob ng campus, maya-maya may pumulupot ditong dalawang braso
"Goodmorning insan!"
bati ni Harry sa kanya pero imbis na sagutin, inalis nito ang kamay niya nang may halong pandidiri
"Yuck! Lumayo ka nga sa'kin! Baka kung anong sabihin nila tsssss"
"Arteeeeee! Alam naman nila na magpinsan tayo eh kaya ok lang yan"
"Kahit na! Dun ka nalang kaya sa girlfriend mo!"
"Wala siya eh.. di siya available.. Kasama niya kasi si Julliene.. Tara kain muna tayo"
"Kain? Dre 9:00 na.. hindi ka pa kumain?"
"Duhh.. Magyayaya ba ako kung oo?"
pambabara ni Harry
"Tsaka pabigyan mo na ako.. di na kita nakakasama eh.. Simula nung maging kami ni Euki di na kita nakakasama"
"-___________-"
"Sige na!!!!! Phulease???"
pagmamakaawa ni Harry
"Fine! Wag ka na ngang dumikit! Ang bakla mo!"
"Atleast gwapo kaysa sayo! Hahaha"
******
Pagdating nila sa canteen, si harry lang ang kumain habang pinapanood lang siya ni Trevin..
"Ano bang ginawa mo ba't ngayon k lang mag-aalmusal?"
"Na puyat ako eh"
"Huh! Ikaw?? Puyat??? yeah right"
"Totoo naman ah!"
"Ano bang ginawa mo kagabi ha??"
"Iniisip si Euki"
"So Euki? Ba't ka naman napuyat kakaisip sa kanya? ang babaw"
"Eh kung ikaw rin mag-isip ng boobs ng girlfrind mo, HINDI KA MAKAKATULOG! XD"
sabay tawa...
"Ikaw nagka-gf ka lang naging manyak ka na"
"Wow! Hiyang hiya naman ako sayo insan noh??? Eh ano yung laging panunukso mo kay Julliene at sa boobs niya aber?? Kala mo naman kung sinong hindi manyak to eh noh??"
![](https://img.wattpad.com/cover/6750032-288-k621351.jpg)
BINABASA MO ANG
I Just Haven't Met You Yet [COMPLETED ]
FanficPeople come, people go.. Trying to find love is like you trying to catch a fish with a bare hand. Go with the flow of life and let destiny plays the game. That's how it should be. ...