Chapter Ten

752 59 14
                                    

*Hands and Shoulders*

Julliene's POV

Nakarating na kami dito sa GG University kung saan gaganapin ang Choir Competition.

Katabi ko si Daniel mula sa audience seat sa loob ng kanilang theater room.

Kasalukuyang nagpe-perform ang T-Ara High na champion last year.

Grabe, magaling din silang batch. Pagkatapos ng performance nila, standing ovation ang peg namin ni Daniel.

"Grabe, da best ang T-Ara High as always!"

"Oo nga, magaling sila. Except lang sa pianist nila na hindi gaanong magaling gaya ko"

"Yabang.... Wag ka na ngang magsalita ng nonsense"

"Aminin mo rin naman noh! Magaling nga ako"

"Bahala ka. Alam mo sa tingin ko, ang magtatapat na school ay ang sa'tin at yung Queen University"

"Bakit ba napaka-pessimistic mo"

"Hindi naman sa ganun. Magaling kasi ang school natin pero magaling din naman yung sa Queens kaya sa tingin ko kasali sila sa top winners"

"Whatever"

"May dala ka bang pagkain diyan? Kain muna tayo habang naghihintay sa resulta"

"Oh ayan. Ito lang dala ko eh. Nabili ko kanina habang naghihintay sayo"

"Ganun ba. Mukhang masarap naman nitong egg pie na yan"

"Iisa lang nabili ko kaya, share nalang tayo, pati na dito sa pomelo juice"

"Ok."

"Alam mo bang magaling gumawa ng ganito si mama? Mas masarap pa nga dito eh"

"Talaga? Wow dapat pala magpaturo ako sa kanya para madagdagan ang alam ko sa pagluluto"

"Ikaw? Alam mo bang nung dating nagluto ka ng pudding? Napaka tamis kaya nun! Sa sobrang tamis, hindi ko na malasahan yung chocolate! Talaga nga palang dapat kang magpaturo kay mama, para naman hindi agad mamatay ang mapapangasawa mo sa luto mo!"

"Anong pake mo sa mga luto ko? Hindi naman tayo magpapakasal ah!"

"At sino namang nagsabing gusto kitang pakasalan aber?! Ang sinabi ko lang ay ang matuto kang magluto!"

"Julliene? Daniel?"

Tumigil lang kami sa pag-aaway namin nang may babaeng tumawag sa'min.

She seems familiar to me.

A lady in bangs, nakasuot ng feminine style na damit at maputi.

"Ate suzzane?!/ ATE SUZZANE!?"--> Julliene/Daniel

Siya si Ate Suzzane Osias. Singer din siya dati ng T-Ara's Sweet Melody Choir.

"Hello! So narito din kayo para sumuporta?"

"Opo naman ate. Kumusta ang pagiging torpe natin?"

"Aish! Hindi ka pa rin nagbabago Daniel eh noh? Hindi na noh, kasal na nga kami eh"

"Wow talaga?! Sa dami ng pinagdaan kayo rin pala magkakatuluyan!"

"Iniiba niyo na ang usapan! Ano pala sa tingin niyo ang performance ng batch na to?"

"Ayos lang. Kaya lang mas magaling ako kesa dun sa pianist nila diba ate?"

"Pwede ba Daniel, pati si ate Suzzane?! Mahiya ka naman!"

"Eh totoo naman eh! Diba ate?"

"Oo na! Hindi ka parin nagbabago Daniel noh? Mauna na ako ha, hinihintay ako ng asawa ko sa front seat eh"

I Just Haven't Met You Yet [COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon