Chapter Twenty Seven

605 55 9
                                    

Double Date

Part II

Julliene's POV

"Ano?!"

"Anong ano?!"

Problema naman nito??? Sinabi ko lang naman sa kanya na sasabay yung bestfriend ko sa'ming dalawa eh.

"Tss.. Wala"

"Ano ba kasi?? Di ka pa kasi nun nakikita kaya gusto kitang ipakilala"

"Kahit na noh! Date to tapos may chaperon?!"

O.o?? Anong date?

"Hah?! Lakas din ng trip mo eh noh? Una sa lahat hindi to date, tsaka.. anong chaperon ka diyan -_-"

Haay ewan ko ba talaga sa lalaking to... napaka-- uggh! napaka niya.

Tsaka teka... Ba't ang tagal naman ata nina Aimee.. Hmmm enjoy naman masyado tong si bespren ah.. Well, di ko masisisi... crush nea eh -_-

"Order muna ako... Gutom na ako eh"

tsaka siya umalis para mag-order... Hmmmp! Di man lang nagyaya o nagtanong kung gusto ko...

Pagdating naman niya, bumili siya ng isang plain burger at isang fries.. Tapos naglagay siya ng fries sa parte ng burger na walang palaman tas binigyan ng ketsup -_-?? Nung klaseng pagkain naman yan ha??

[A/N: Ginagawa ko yan! Hihihi >.<]

Ayan... subo lang ng subo! Di man lang mag-alok ~_^

"Sarap ng kain ah!"

"Bhakhwa khashe hindhe afkho mhakhakhaiyn mahmhayuh"

"PSHH.. Sinabi ko pa naman sa kanya na siguradong approve siya sayo"

Tumalikod nga ako sa kanya... kainis eh! Gusto ko lang naman siyang ipakilala sa bespren ko tapos-- ugggh!

Di man lang ako amuhin hmmp! Magsorry man lang wala-

"To oh... S-sorry na"

Humarap ako sa kanya tapos... may dala siyang hot fudge sundae.. Kung ano man ang paborito ko sa Jollibee, yun ay sundae.. Kinuha ko na nga lang.. Wala eh.. Kahinaan ko to eh!

"Bati na tayo Liene?"

"Oo na... Kung di lang sa ice cream eh.. paralamat ka noh"

[10 minutes later...]

Naubos ko na yung ice cream ko pero wala parin sina Aimee.. hmmm.. Nasan na kaya sila??? Baka nagsolo na???

"Liene san na yung friend mong sobrang kupad ha??"

"Anong kupad ka diyan -_- late lang siguro yun"

"Aishh! Tara na nga!"

"T-teka! San naman tayo pupunta ha?? H-hoy!"

Tss.. Useless pagtatanong ko kasi hingit na niya ako tsaka isinakay niya ako sa kotse niya.. San kami pupunta??

Nagdrive nalang siya nang nagdrive, at ako? Eto.. Kinidnap ng sarili kong boyfriend -_-

"Hoy Daniel! Saan ba talaga tayo pupunta ha??"

"Basta"

"Anong basta?! Hoy may klase pa ako at-"

"Oh? Di skip ka muna ^_^"

~_^

seryoso?!! Tapos ngingiti-ngiti pa.. Ano ba talagang meron ha?? Sarili kong boyfriend, bad influence pa para sakin...

"Skip?! Pero-"

"Date tayo ( -///-) t-tapos gusto ko solo tayo, walang aaligid-aligid ok"

Eeeeeh?? ('///' )

I Just Haven't Met You Yet [COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon