Chapter Fifty Five

159 40 30
                                    

I love you too

Author's POV

"Saan daw? Bakit naman biglaan??"
Tanong ni Trevin sa kanyang manager sa telepono. Pinapapunta ito sa Santa Rosa dahil may kailangan siyang daluhang event na dati ay napangakuan niya.

"Basta. Puntahan mo nalang. Saglit lang yun alright?"

"Sige. I'll call you ok?"

"Sure"
Tsaka nito ibinaba ang telepono. Mukhang liliban nga talaga siya sa klase nila ngayon. Tinext niya lahat ng klase niya kasama ang practice niya sa basketball sa hapon. Malapit lang naman ang Sta Rosa kaya't baka maka-uwi rin siya ng maaga. Paglabas niya ng bahay ay naroon na ang kotseng nakaabang sa kanya.

"Great... Let me guess, pinadala kayo ni manager?"

"Yes sir. Sakay na po"
Tsaka pinagbubukas na siya ng pinto ng kotse. Eh kahit pala humindi siya ay wala siyang magagawa dahil nagawa nang padalhan siya ng sasakyan ng manager. Medyo napatagal ang byahe kaya't nakatulog ito sa van, maya-maya'y tumigil na ito at nasa isang entertainment agency building na ito.

"Sir andito na po tayo"
Bumangon nalang ito at bumaba ng sasakyan papasok ng agency na iyon. Pagkapasok nito ay pinaghintay siya sa isang kwarto sa ground floor ng building dahil may appointment pa ang kakikitaan nito. Medyo naiinis siya dahil parang sinasayang lang nito ang oras na naroon siya at naghihintay.

"Pssst!"
Biglang may narinig si Trevin na sumipol. Walang tao dahil nasa labas ng kwartong iyon ang mga bodyguard nito at mag-isa siyang naroon.

"Pssst! Trevin!"
Paglinggon nito, nakita niyang may sumisilip sa may bintana ng kwarto. Nilapitan niya ito at nakitang si Step pala 'yon nagtatago.

"Step? Anong ginagawa mo rito?"

"Nagtatago sa mga bodyguards mo"

"Nagtatago sa mga bodyguards mo"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Huh?! Teka, pano mo nalamang narito ako?? Tsaka bakit kailangan mong magtago?"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Huh?! Teka, pano mo nalamang narito ako?? Tsaka bakit kailangan mong magtago?"

"Eh kasi naman.. Pinagbabawalan akong lumapit sayo, napagkamalan akong fan eh. Tsaka... Baka mamaya kasama mo ang girlfriend mo, nakakahiya naman sa kanya"
Napatigil naman sa sinabing iyon ni Step si Trevin. Kung meron mang pangalan na dapat marinig ni Trevin, huli 'ron si Julliene. Naiilang at nagui-guilty siya sa kanya at ayaw niya ang feeling na 'yon.

I Just Haven't Met You Yet [COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon