Chapter Fifty One

328 42 37
                                    


Trevin in Paramio Recidence part 2

Trevin's POV

Naka score?! Nagbibiro ba siya ha?? Ba't naman niya iisiping iiskuran ko yang Paramio na yan! Sabagay.. kasi naman ang alam niya ay kami talaga ni Paramio. Nakakakonsensya naman. Anyway.. buti naman at nakaligtas ako sa awkward moment kanina namin ni... teka.. wala na siya rito? Hmmm.. baka pumunta sa kwarto niya.

"Nanonood pala kayo ahh. Kumusta naman si sis ko na maging girlfriend?"

Tanong ni kuya Julius sakin habang nilalagay yung mga pinamili niya sa ref.

"Uhmmm.. so far so good naman hehe"

kabado kong sagot. Eh anong sasabihin ko?! na kunwarihan lang 'to ganun??? Baka mamaya nasa ospital na ako niyan eh

"Di ba siya nakakairita? Maingay yung babaeng yun eh"

sabi nito.. well i agree with him. Nakakairita nga si Julliene minsan at minsan maingay. Hahaha

"Medyo lang naman kuya"

pagsisinungaling ko. Ano?? Maingay kaya siya lagi! Pero kailangan kong magmukang boyfriend na boyfriend para kay Paramio..

"Anong medyo?! Ang ingay niya kaya at nakakairita. Kaya Trevin brother.. wag mo yang sasaktan ha? Mahal ko yan kahit abnormal yan"

Mas lalo pang lumalim ang konsensya ko pagkarinig ko ng sinabi ni kuya. Wag siyang sasaktan.. mabigat na responsibilidad

"Oo naman kuya. Di ko yun gagawin"

"Nakabingwit talaga yang kapatid ko noh? Akalain mo yun? Pinagpapantasyahan ka lang niyan dati pero ngayon.. kayo na at nasa bahay ka pa namin. Ikaw ba nagkaroon ka na ng girlfriend dati?"

tanong ni kuya sakin. Girlfriend? Meron na ba? Si Step? Pssh.. ni hindi nga ako sinagot ehh.. Wala pa nga..

"Wala pa kuya. First girlfriend ko po ang kapatid niyo"

"Sayo na nga ang boto ko. Kasi yung unang boyfriend ni Julliene eh gago. Shinota ang kapatid ko pero binalikan yung dati niyang kasintahan na nagkataong bestfriend pa ni Julliene. Syempre sobrang sakit 'non kay Julliene"

Talaga?! Nangyari yun kay Julliene dati? Gago nga ng lalaking yun. Bukod sa kaingayan ni Julliene wala namang problema sa kanya. Maganda siya, matalino, mabait at mapagmahal naman.. Ano pa ba ang hahanapin niya diba??

"Pero ngayon nagpapasalamat ako at nalipat ng eskwelahan yang kapatid ko para di na niya makita yung mga nanakit sa kanya"

"Oo nga kuya eh.. Natutuwa nga rin ako at nakilala ko siya"

Teka... ba't ko yun sinabi???? Trevin kasi! yang dila mo!

"Talaga?? Mabuti nga at nagkakilala kayong dalawa"

"Eh ikaw kuya?? May girlfriend ka ba?"

bigla ko lang naitanong.. curious eh bakit ba...

"Ako? Sa ngayon wala eh.. Binasted kasi ako"

cool lang na sabi niya.. Ano?! Siya?? Binasted? No way!

"Bakit naman kuya?"

tanong ko uli

"Haay.. ayoko nanag maalala eh pero sige para sayo bayaw.. Kasi nga ikakasal na siya kaya binasted ako. Sabi niya naman ako ang first love niya pero mas nahanap niya sa magiging asawa ang kaligayahan at pagmamahal na hinahanap niya.. May pagka gago kasi ako ehh kaya yun"

Pagkukwento niya. Wow ahh.. parang sakin lang ehh.. diba first love ko si Step.. tapos.. yun.. ewan basta!

"Mahal niyo parin ba siya kuya?"

I Just Haven't Met You Yet [COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon