Chapter Twenty Eight

597 51 10
                                    

Our... First???

Julliene's POV

*RIIIIIIIIINNNGGGGGG!*

"WAAAA-- psh... Inaantok pa ako.. Mamaya muna ha"

*RIIIIIIIIINNNGGGGGG!*

"OO NA! Gigising na!"

Haaay.. Ampotcha naman oh -_- Inaantok pa talaga ako eh...

Oo nga pala, kahapon sobrang init ni Daniel, kaya... no choice ako.. AKO NAGDRIVE! Alam ko naman kahit papaano ang mag drive eh... Dinala ko siya sa bahay nila, buti nga't nandun na sina tita, ung mama at papa ni Daniel...

Friday naman ngayon kaya siguro liliban muna ako.. pupuntahan ko si Daniel, may lagnat kasi eh..

Bumaba ako at nadatnan ko si mama sa kusina..

"Oh Julliene, ba't di ka pa nakabihis? Wala ka bang klase?"

"Meron po"

"Meron? eh bakit di ka pa naghahanda?"

"Di po ako papasok ma kasi iisa lang naman subject ko eh... may lagnat po kasi si Daniel eh.. Bibisitahin ko sana"

"Ah ganun ba? Sige bisitahin mo siya. Dalhan mo narin ng prutas"

Hahahaha! Oh diba? Konsintedor ang mama ko :D payagan ba naman akong hindi pumasok >.<

"Ah Julliene, may sulat nanaman si Dominick sayo"

"Talaga po? Nasan?"

"Nandiyan lang sa may sala... Sige mauna na ako ha"

"Sige ma, ingat :)"

Ah ngapala, si Dominic Choi pala na sumulat sa'kin, siya yung childhood bestfriend ko..

Matagal narin nung huli kaming magkita.. 7 palang kasi ako nun nung umalis sila ng pamilya niya.. Mayaman kasi sila kaya yun, nag migrate sila sa Korea.. Kung bakit Korea, simple lang kasi korean yung papa niya.

Pero kahit na mayaman sila, kami simple lang, di yung naging hadlang sa friendship naming dalawa.. Infact mama at papa ang tawag ko sa magulang niya at siya rin sa magulang ko..

Miss ko narin yung tarsier na yun... Hehe malaki kasi yung mata niya eh.. Tsaka kahit na matagal na kaming hindi nagkikita, sulat parin siya nang sulat sa'kin..

Nagsusulat din naman ako sa kanya pero simula nung mainlove ako kay Shaun, itinigil ko ang pagsulat sa kanya.. Nagtampo nga siya sa'kin eh kasi siya walang wala pang lovelife, samantalang ako raw meron na.. Pero in the end, sinuportahan naman niya ako basta raw... Wag muna akong makipag-boyfriend --, di niya alam meron na.. Susulatan ko nalang siya para malaman niya.. pero bago yan, babasahin ko muna tong sulat niya.

Dear Jullie, (hehe tawag niya sa'kin yan)

Kumusta ka na? Ba't di mo na ako sinusulatan? Miss na kita eh... Balitaan mo naman ako oh.. Kumusta pala yung kay Shaun at sayo? Wag mo pa siyang sasagutin kung nanligaw ha? Tsaka pag yun, binasted ka sa pagfafangirl mo sa kanya, MAGTAGO NA SIYA KASI UUWI TALAGA AKO DIYAN PARA BALATAN SIYA NG BUHAY! (haaay Dominick.. Ako ang nangbasted eh, hindi siya)

Ngapala, alam mo ba Jullie na simula nung pinasok ko tong bagong University dito, araw araw na ang training dito, training dun... Tsaka alam mo bang may nakakairitang babae ang umaaligid sa'kin?! Ang pangalan niya ay Brea Kim. Korean siya pero nung malaman niyang half pinoy ako, nag-aral siyang magtagalog! Asar! Mas grabe nga siya sa stalker eh.. Kung saan ako pupunta nandun siya -_-

Tsaka Julliene, since malapit na ang vacation namin, UUWI AKO SA PHILIPPINES NEXT WEEK! Yehey! Makikita na rin kita! Excited ka ba? Ako kasi 2 weeks before akong magplanong umuwi, nagempake na ako ng gamit ko! Ang saya diba?? Hehe excited much?? Sige hanggang dito nalang muna Jullie... Love u :-* muah muah!

I Just Haven't Met You Yet [COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon