Chapter Thirty Two

544 50 16
                                    

Exchange Student

Julliene's POV

[THE NEXT NEXT DAY]

Inagahan ko ang paggising ko ngayon para hindi na ako susunduin pa ni Dominick... Naiilang kasi ako.. Sabi niya lagi na raw niya akong susunduin dito sa bahay para raw sabay kaming pumasok... Ayoko nga! Sikat si Dominick kaya.. May chance na ma-issue kaming dalawa...

Pagkarating ko ng campus, mukhang wala pa naman--

"Jullie!!!"

"Oh, Goodmorning din sayo Dominick ^___^"

haist... Ayan na nga bang sinasabi ko eh -___-

"Tara dali!!!"

tsaka sabay guyod niya ng kamay ko..

"H-Hoy! San mo naman ako dadalhin ha?!"

"Sa puso ko!"

"Tch Seryoso! San ba talaga?"

"Oo na.. Oo na... Wag ka munang maingay ok? Marinig ka ni Brea eh"

"Si Brea? Bakit? Ano bang problema sa kanya?"

"Jullie! She's just like a hell! Nakakairita siya.. Bago pa man ako makadebut, nandiyan na yan, at lagi pang pinagkakalat na girlfriend ko siya... Galit siya pag may iba akong kasama, babae man o lalaki... At ngayon, ayaw na ayaw niya akong may nilalapitang iba, lalo ka na.. Kaya please Jullie, gusto ko ng quality time with you.... Please?"

"...."

Wow ah.. Obssesse naman masyado tong si Brea kay Dominick...

Ganito ba talaga maglambing tong si Dominick dati?? Kung di ko lang to bestfriend....nakow!! NAINLOVE NA AKO SA KANYA!

"Jullie?"

"Ah... Oo naman... Sige sumama ka muna sa'kin"

Hinigit ko siya papunta sa lugar na alam kong wala na masyadong tao... Sa rooftop.

Oo medyo awkward nga rito kasi unang una, dito nagtapat sa'kin si Shaun. Matapos ko siyang bastedin, hindi ko na siya kailanman nakitang pumunta pa rito...

"Haaaay! Wow naman! Ang ganda pala rito Jullie!"

"Buti nagustuhan mo... Dito kasi ako laging pumupunta"

"Oo nga pala Jullie..."

"Ano yun?"

"K-Kumusta kayo ni Shaun?"

"N-ni Shaun?? Ahh... A-anu kasi..."

Panu ko ba to ieexplain sa kanya... Sasabihin kong binasted ko kasi may gusto akong iba at ngayon boyfriend ko na ganun?? Siguradong magtatampo siya.. Di ko man lang kasi sinabi sa kanya dati pa =<

"Ano Jullie..."

"K-Kasi... N-nagtapat na si Shaun na gusto--"

"NAGTAPAT NA SIYA SAYO?!"

"O-oo pero--"

"So.... K-kayo na Jullie?? Uhmm.. S-sige... Congrats sa inyo"

tsakanaman bigla siyang napaupo sa sahig... Anong sinasabi niyang kami? So pag magtatapat sa'kin, kami agad agad ganun??

"Ano?! Hindi kami!"

Sinamahan ko nga sa pagupo niya sa sahig...

(.. )

(00 )3

( 00)

( *v*)

"H-Hindi??! Talaga?!"

I Just Haven't Met You Yet [COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon