Chapter Seven

849 65 11
                                    

*His Call*

Julliene's POV

Pagpasok ko sa room namin, aba! Si Aimee palang nandun? Ang aga pa pala...

"AIMEEEEEEE!!!!"

Sa gulat ni Aimee, kamuntik tuloy siyang mahulog sa kinauupuan niya....

Hehe.. How I love to prank her...

"Pambihira ka naman Julliene! Papatayin mo ba ako?"

"Hahahaha XD"

"Tawa ka diyan! Hmmmp!"

"Hey Aimee! May good news ako!"

"Ano naman yan?"

Haha! I knew it!

Pagdating sa mga tsimis, issue at mga iba pang balita, on na on diyan si Aimee! Buti nga't kahit papaano, nakalimutan niya ang ginawa ko kani-kanina lang.

Agad ko namang kinuha ang phone ko, at pinakita ko sa kanya ang number ni Shaun sa phonebook ko.

SHAUN KO <3

094880.....

Pero parang nanghihinala pa siya sa'kin.

"Siya ba talaga yan?"

"*sigh* Alam mo tulad ka rin ng friend ko! Ba't ba hindi kayo maniwalang nakuha ko ang number ni Shaun ha!"

"Teka, ba't naman napasok sa usapan yang friend mo ha? Nagtatanong lang naman ako kung sa kanya yan talaga eh"

"Oo sa kanya nga! At kilala na niya ako ngayon! Nagkausap pa nga kami eh. OO Kami lang!"

"Julliene! Isa lang ba uli to sa mga panaginip mo gabi-gab-"

"Totoo nga eh!!! Nagkita kami kahapon sa SJU's fair!"

"SJU? Pano ka naman naka-"

"Dahil dun sa friend ko... Inimbitahan nga niya ako... By chance, nandun din si Shaun at alam mo ba? Nakilala niya ako! Nandun si Shaun kasi prof. ang mama niya roon. So dahil ayaw niya mag-isa niyang magliw-aliw, sinamahan ko siya at naging close na kami!"

"Se-seryoso?"

"OO NGA ANG KULIT MO NAMAN!"

Para maniwala siya, pinakita ko ang text ni Shaun sa'kin. And I swear na hinding-hindi ko idedelete!

"Oh ayan!"

"Oh my gosh! JULLIENE! Ang swerte-swerte mo!!"

"Oo nga eh. And you know what? Naisip kong since close na kami ni Shaun, may tendency na mapalapit ka rin kay Felix diba?!"

"Oo nga noh! AHHHHH! JULLIENE!!!"

****

Lunch break namin at nandito kami ngayon ni Aimee sa may bench sa tabi ng acacia tree. Guess what kung ano ang pinag-uusapan namin, SYEMPRE TUNGKOL SA MGA BOYFRIEND NAMIN!

"Hi Julliene!"

Napatigil naman kami ni Aimee sa pinag-uusapan namin nang may tumawag sa'kin.

The hell naman! Talaga bang kailangang andito si Ian na laging sumiksik kapag maganda ang mood ko?!

At kailangan sa tabi ko pa?!

"Kumusta ka Julliene?"

"Ok lang naman....kanina"

"Pasensiya ka na Ian ha? Masama lang kasi ang pakiramdam niya ngayon eh"

"Ganun ba? Ah Julliene, ito oh. Para sayo"

I Just Haven't Met You Yet [COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon