Its time to let her go
Author's POV
'Ayan na... malapit na siya.. eeehhh ba't di ko magawang umiwas?? Ba't parang hinihintay ko siyang mahalikan ako?? Julliene!!!!'
ito ang sumasagi sa isipan ni Juliene habang palapit na nang palapit si Trevin para halikan siya.
Hinintay nalang ng dalawa ang mga susunod na mangyayari. Parehas silang nakapikit at parehas din silang kinakabahan.. Isang inch nalang ang pagitan nilang dalawa nang...
"Julliene???"
narinig ng dalawa na may tumawag kay Julliene.. si Julius yun at magpapabili sana kay Julliene na bumili ng dishwashing liquid sa tindahan. Agad namang naghiwalay ang dalawa at tila nahihiya sa nangyari
"Julliene bilhan mo nga ako ng panghugas ng pinggan... naubusan ako eh"
Saglit na nagkatingginan ang dalawa at kita sa kanilang mga mukha ang sobrang pamumula
"P-pupuntahan ko muna s-si kuya"
Naiilang niyang sabi. Tumungo nalang si Trevin at hindi makatinggin nang diretso kay Julliene
Parang pinagsisisihan tuloy niya ang muntikang paghalik kay Julliene. Paano niya nagawa 'yon samantalang nami-miss parin niya si Step??
Kaninang hahalikan niya sana si Julliene, ini-imagine niyang so Step ang hinahalikan niya, pero bakit... mukha ni Julliene ang nakikita niya 'non???
"Haaay.. ano ba 'tong ginagawa mo Trevin??"
sabi nito sa sarili niya
[THE NEXT DAY]
Nang magising si Julliene, wala na so Euki sa kama nito. Bumangon nalang si Julliene at nagsimulang maligo at mag-bihis. Paglabas nito sa banyo, nagulat nalang siya nang makita si Trevin na naka uniform na at nakaupo sa may pinagkakainan nila ni Euki.
"Anong ginagawa mo rito?!!"
sabi niya kay Trevin. Hindi sumagot si Trevin at hinagisan lang siya ng jacket at ininom ang kape ni Julliene na hinanda niya sana para sa sarili niya
"Paano ka nakapasok dito?? Lumabas ka nga! Bawal ang lalaki dito alam mo ba yun ha??"
"Alam ko"
sabi nito at tuloy lang sa paglantak ng almusal ni Julliene
"Eh bakit ka nandito???"
"Para sunduin ka"
"A-ano? Hindi ko na kailangang sunduin pa noh.. kaya ko ang sarili ko"
tsaka ito nagsimulang mag-suklay ng buhok
"Eh ako naman ang mapapahamak. Inutos sakin ng kuya mo 'to kaya sabay tayo whether you like it or not"
Napa-iling nalang si Julliene sa sinabi ni Trevin. Kahit pala siya takot sa kuya niya. Nung sila pa kasi ni Daniel, takot din ito kay Julius.
Isinuot na ni Julliene ang blazer ng uniform nito nang makita ang ibinigay in Trevin sa kanyang jacket. Amoy pabangong panlalaki ito kaya naisip niyang kay Trevin ito
"Sayo ba 'to??"
tanong niya
"Isuot mo yan"
pagkatapos ay dumiretso ito sa may pintuan
"Mahangin sa labas baka kasi liparin ka ng hangin"
"Tignan mo to... Salamat sa concern na mapang-asar pero... mauna ka na kasi mas gusto kong maglakad at- Hoy!!!! Ibaba mo ako!!! Hoy!"
BINABASA MO ANG
I Just Haven't Met You Yet [COMPLETED ]
FanficPeople come, people go.. Trying to find love is like you trying to catch a fish with a bare hand. Go with the flow of life and let destiny plays the game. That's how it should be. ...