Chapter Fourteen

728 57 11
                                    

Invitations

Julliene's POV

"Ok, class, let's solve the following problem. Altitude of a triangle: A = 150 cm2; base= 50 cm. First we have to......"

blah blah blah.... Tch... Boring much ang klase! Hindi ba nakikita ng prof namin na halos inaantok na kaming lahat?!

May mga nakasandal na nga sa pader at halos bumagsak na ang mga mata nila eh... 1:00pm kaya ang math namin. Pinaka pangit na oras para mag-math!

*bzzzzzzzzzttt*

Hmmm? Sino naman kaya tong nagtext? Pasimple kong kinuha ang phone mula sa bulsa ko at-

1message recieve

From: Shaun

"Hai Julliene. Tapos na ba ang klase mo?"

Tinignan ko pa muna ang prof ko para makasigurado akong hindi nila ako mahuling nagtetext ako.

To: Shaun

"May klase pa ako at mga isang oras pa bago matapos. Bakit mo naman natanong?"

Hindi siya nagreply hanggang matapos ang klase namin.

"HAAAAAAIY SA WAKAS! Julliene, tara sa library"

"Sige, pero bili muna tayo ng materials para sa project natin."

Paglabas namin ng room....

"Bestfriend, ayan si prince charming mo!"

At nakita namin si Shaun. Naghihintay sa may pader...

"Hi girls! *smiles*"

"Teka Shaun, bakit ka nandito?"

"Iimbitahan sana kitang magmeryenda"

"Magmeryenda? Pero pupunta kami ni Aimee sa-"

"Anong sinasabi mong kami?! Diba ako lang ang pupunta sa library? Wag ka nang mag-abalang samahan ako. Tsaka diba, kanina ka pa gutom?"

Anong gutom?! Kakakain lang namin ng lunch kanina ah.

Nang tignan ko naman si Aimee, bigla nalang NANGUROT! Aish! Alam ko na ang gusto niyang sabihin.

"So..... Sasama ka Julliene?"

May choice pa ba ako?

"Sige Shaun"

"Ikaw Aimee? Sasama ka?"

"Hindi na Shaun. Sige ha mauna na ako sa inyo. Shaun, ikaw na bahala kay Julliene ha"

Pumunta kami sa isang cafeteria, parang sa coffee shop lang nina Shaun.

"Julliene, anong gusto mo?"

"Pomelo juice (my favorite)"

"Ayaw mo ng meal? Fries? Burger?"

"Sige, fries nalang Shaun. Ikaw? Anong gusto mo? Ako na ang mag-oorder"

Tatayo na sana ako pero pinigilan niya ako.

"Hindi, ako na ang mag-oorder ng sayo at ng akin. Maupo ka lang dito ok? Tutal ako naman ang nag-imbita diba?"

Swerte ba ako swerte ba ako? Napakaswerte ko nga talaga at napaka-sweet sa'kin ni Shaun.

Naaalala ko tuloy sa kanya si Daniel. Madalas din niya akong binabawalan na mag-bayad. Pero pwera nalang pag nililibre ko siya.

Pagbalik ni Shaun, dala-dala ang tray na may cola, pomelo juice, fries at hamburger.

"Thank you Shaun"

I Just Haven't Met You Yet [COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon