Chapter Eleven

725 59 11
                                    

Quarrel

Daniel's POV

Saturday morning, nagpunta ako sa Stadium para sa practice namin sa basketball. Karaniwan pag sabado, maraming tao ang pumapasyal dito. May nagjo-jogging, may nagbibisekleta, at yung iba, namamasyal lang.

Nakakatamad tuloy dito... Pagkarating ko naman sa Stadium, wala pa yung mga kasama ko.. Tss... Napakasipag talaga nila.

"Sige mauna na ako"

Teka, parang pamilyar naman ng boses na yun ah..

Pagtalikod ko, nakita kong papaalis na si kuya Jullius (kuya ni Liene).

"kuya Jullius!"

"Oh, ikaw pala Daniel. Kumusta! Anong ginagawa mo rito?"

"Para magpractice ng basketball. Kayo?"

Alam ko kasing ayaw ni kuya Jullius ang sport. Ni ayaw nga nitong pagpawisan. Kaya ako nagtataka kung bakit siya nandito.

"Nag-jogging lang. Inimbitahan kasi ako ng girlfriend ko eh"

"Eh nasan siya?"

"Sinundo ng papa niya. Oo pala, bakit di ka na bumibisita sa bahay?"

"Busy lang kuya. Masyado na kasi akong abala since college na ako"

"Ganun ba? Kawawa pala ang kapatid ko. May time ka sa basketball, sa kanya hindi"

"Huh? Bakit naman siya magiging kawawa?"

"HAHAHAHAHAHA! Kayo ah. Kailan mo pa dinedate si Julliene ko ha?"

"Uhh WHAT?! Kuya naman! Hindi ko dinedate si Liene noh"

"HAYYY! Bakit tinatago niyo pa rin ha? Ok lang sa'kin yun! At tsaka matagal ko na kayong minamanmanan at sa nakikita ko, may something special sa inyong dalawa"

"Hindi kami nagtatago kuya. Tsaka bestfriend lang ang turingan namin ni Liene at yun ang something special para sa'min"

"Kung hindi ikaw, eh bakit langing ngingiti-ngiti mag-isa si Liene na para siyang inlove?"

"Siguro dahil yan kay Shaun-"

Ang tangaaaa! Ba't ko ba sinabi yun! Magagalit nito si Liene!

"Huh? Shaun? Ano namang kinalaman ni Shaun dito?"

"Ahh-aaano ka-kasi, wala yun kuya noh ka-kalimutan niyo na"

"Teka, ang ibig mo bang sabihin, may relasyon si Julliene at Shaun? O dikaya may gusto si Julliene kay Shaun? At ang Shaun na yun ba ay si Shaun Lim?"

Kahit kailan talaga eh noh? Hinding hindi parin nagbabago si kuya Jullius. Malakas parin ang pakiramdam niya pagdating sa ganito.

"Wala akong alam diyan kuya. Ma-maiwan na kita kuya magsisimula na kasi ang game namin"

Aish! Lagot ako nito kay Liene!

Julliene's POV

Bored, bored, bored...

Haizt.... Anu ba to, walang magawa... Maglalakad-lakad na nga lang muna ako...

Nagsisintas na ako ng sapatos nang may kumatok sa pintuan.

*knock knock*

"Baka si kuya na yan"

Pagbukas ko ng pintuan, hala! Pawis si kuya?! Tsaka naka sweat suit pa! Ang pagkakaalam ko, ayaw niyang pinagpapawisan tsaka ayaw niyang napapawisan siya.

"Teka, san ka naman galing kuya ha? Nagjogging ka?"

"Oo naman nag-jogging ako!"

"Wow naman kuya, milagro to ah"

I Just Haven't Met You Yet [COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon