Final

58 29 25
                                    

Final

Author's POV

Sa mga nakalipas na araw, madalas na niyang nakakausap si Daniel. Mabuti nga't wala na dapat pang alalahanin si Julliene sa nakaraan niya. Ano pa bang hihilingin niya? Ok na sila ni Daniel, masaya siya kay Trevin at sa mga kaibigan niya. Wala na ata siyang kailngan pa.

Isang araw sa school, napansin nina Harry, Euki at Julliene na hindi pumasok sa una't pangalawang subject nila. Nakakapagtaka naman dahil madalas naman niyang ipinapaalam kay Julliene kung may schedule siyang photoshoot or kung ano mang ipapagawa sa kanya ng manager nito.

"Baka naman nakalimutan niya lang"

Mungkahi ni Euki habang nasa cafeteria silang tatlo.

"Si Trevin? Makakalimutan niyang ipaalam kay Julliene? Don't me babe"

"Pa-don't me don't me ka pa diyan eh hula ko lang naman "

"Sorry na hehehe.. Niloloko lang kita 'to naman. Well kung ako tatanungin .. Nambabae na 'yon"

Sabi nito sabay tawa

"Sinong nambababae?"

Bigla namang napalinggon ang tatlo sa nagsalita. Bumungad sa kanila si Trevin.

"Oh! Ayan naman na pala eh"

"Oy, kung ano anong sinasabi mo, iwan pa ako ni Paramio eh"

"*cough cough cough* insan????! Ikaw ba yan?"

Sabi ni Harry na nabilaukan pa ata ng iniinom niyang milk tea. Tinaasan lang siya ni Trevin bilang tugon. Pulang pula naman ang pisngi ni Julliene sa sinabing iyon ni Trevin

"I mean, ang cheesy mo kasi. Di mo bagay"

"Whatever Harry. Mahirap na baka may sumulpot nanamang kaagaw. Wala naman na sigurong nanligaw sayo maliban kay Daniel noh?"

Direktang tanong niya kay Julliene. Pero imbes na sumagot ito'y si Euki ang nagsalita

"Excuse me Trevin. Kung di mo naaalala, napakilala na kita kay Shaun diba?"

"Tss.. Di na yun babalik. Sigurado naman akong nag-back out na siya kasi artista ang boyfriend niya"

Pagmamayabang ni Trevin. Binigyan lang siya ng nagtataasang kilay ng mga kaibigan

"Ehem.. si Dominic. Di mo ba nakikilala? Yung Kpop superstar na kababata ni Julliene na talagang nag travel pa here para lang makita si Julliene. Nag set up nga siyang kunware nanalo si Julliene ng concert ticket para lang makita niya eh. Diba Julliene??"

Hindi nalang nakasagot si Julliene sa mga pinagsasabi ng kaibigan. Pano naman niya nalaman yang mga ganyang balita???

"Pssh.. Pasikatan nalang kami. Tsaka kahit siya yung mas sikat, ako naman pipiliin ni Julliene eh. Diba?"

Sasagot sana si Julliene nang magsalita uli si Euki

"At not to mention.. AJ.. The student council officer slash varsity player slash macho gwapito na nagkaka-crush sa best friend ko hahaha.. Iba pa nga yung mga nag a-admire na classmates natin eh. Kala mo ikaw lang nagkakagusto sa kanya?? Aba! Matakot ka na Trevin. Maraming nakaabang diyan kaya pag-ingatan mo si best friend ko"

"Nice one babe hahahaha"

Tawang tawa lang ang dalawang magkasintahan samantalang pulang pula na si Julliene sa mga pinagsasabi ng kaibigan. Inis naman ang dala 'non kay Trevin. Talaga namang hindi lang siya ang nagkakagusto kay Julliene. Marami sa school nila ang palihim na nagkakagusto sa kanya. Pano nila nalaman? Kahit exclusive ang school nila, tao lang din ang mga nag-aaral 'don. May mga tsismoso't tsismosang nagkakalat at syempre nakakarating lahat ng iyon kay Trevin.

I Just Haven't Met You Yet [COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon