Chapter Twelve

736 58 10
                                    

Friends Again

Julliene's POV

[THE NEXT DAY]

Lunch break namin ngayon at kumakain kami ni Aimee ngayon sa canteen. Kain lang nang kain si Aimee, samantalang halos laruin ko lang tong kinakain ko.

"Julliene ok ka lang ba? May problema?"

Umiling nalang ako sa kanya kasi wala talaga ako sa mood.

"Teka, dahil ba yan sa pinagalitan ka kanina ni Prof?"

"Hindi. Ok lang ako Aimee"

Sinara ko na ang styrofome na lalagyan ng pagkain ko at pinatong ang mukha ko sa dalawang kamay.

"Kung ok ka Julliene, hindi dapat nakasalampang yang mukha mo sa kamay mo't hindi ka nakasimangot! Ano? May problema ka ba?"

"N-nag-away kami kasi ng kaibigan ko"

"Nag-away?? Lagi mo na kayang kinwekwento sa'king lagi kayong nag-aaway nun. Seryoso to noh?"

"*sighs* Kasalanan ko to eh! Sinigawan ko siya't pinagalitan ko pa. Hindi ako nagtiwala sa kanya kaya ngayon, galit na siya sa'kin"

"Julliene, wag mo na masyadong alalahanin yun ok? I'm sure na yang friend mong yan, nagsisisi rin sa nangyari alam mo"

"Panu ka naman nakakasigurado ha?"

"Well, kung nagalit din ako sa kaibigan ko, mas magagalit ako sa nangyari. Kasi magsisisi rin ako kung anu man ang nagawa ko"

"Pero hindi ikaw naman ang friend kong yun eh"

"Pero bestfriend mo rin naman ako diba? Tignan mo ang sarili mo, nagsisisi ka naman din sa nangyari diba?"

"Oo"

"Bakit hindi mo siya tawagan o itext para magsorry?"

"Ayoko! Na-nahihiya ako sa kanya eh"

"Haaaay. Siguro kailangan niyo pareho ng time para makapag-isip at para na rin marealize yang mga pagkakamali niyo. Pero Julliene, wag mo na masyadong pinoproblema yan kasi kung true friends talaga kayo, babalik din sa dati ang lahat ok?"

Naliwanagan ako sa sinabi sa'kin ni Aimee. Malaki siyang tulong sa'kin ngayon.

"Thanks Aimee. Maswerte ako at bestfriend kita"

"That's what friends are for Julliene noh"

****

[TIME CHECK--- 7:30pm]

Haaaaaay... Nakakapagod naman ng practice namin... Ngapala, sumali nga pala kami ni Aimee sa choir dito sa SMEU.

Kakatapos lang ng practice namin kaya gabi na kami uuwi ngayon.

"Julliene, sabay ka na sa'kin sa pag-uwi. Ipapahatid nalang kita sa driver ko"

"Haiyy.. Nag-abala ka pa, wag na noh. Kaya kong umuwi mag-isa tsaka dadaan pa ako sa convenience store. Una ka na"

"Sigurado ka?"

"Naman. Sige na. Bye"

Umalis na si Aimee at naiwan ako mag-isa dito. Maya maya, paglabas ko naman ng university...

May pamilyar na kotseng naka-park sa harapan ng school na may pamilyar na lalaking nakasandal dito...

S-si Daniel?! Anong ginagawa niya rito?!

Nakita niya ako kaya't lumapit siya sa kinatatayuan ko. Ewan ko pero nanginginig ang buo kong katawan at ang bilis ng tibok ng puso ko.

"A-anong ginagawa mo rito?"

I Just Haven't Met You Yet [COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon