Chapter Fifty Seven

75 30 24
                                    

Flowers for Julliene

Author's POV

*THE NEXT DAY*
Hindi na pinatapos ni Julliene ang party ni Harry kagabi dahil nga napagtanto niyang, napagbigyan naman na ni Julliene si Harry na umatend ng party niya at 'yon na 'yon. Ano pang silbi ng pananatili sa party kung ang taong gusto niyang kasama ay kasama na ng iba.

Matapos niyang ayusin ang mga gamit niya, agad siyang umalis pabalik sa boarding house nila ni Euki. Mabuti nalang at 8:30 palang ng gabi at maaabutan pa niya ang last trip ng bus. Naisip niyang, umalis pala siya nang walang paalam kaya't kinuha niya ang cellphone niya't itinext si Euki pero nag shut down na pala ang cellphone nito. Siguro pwede naman mamaya pagkarating niya sa dorm nila.

Pagdating naman niya 'ron agad siyang naghanap ng makakain. Ni hindi pa pala ito kumakain simula nung magumpisa ang party. Lumabas ito at dumiretso sa isang convenience store na malapit. Bumili nalang ito ng cup noodles at doon narin niya ito kinain. Habang kumakain ito'y may narinig siyang kumakatok sa likuran niya. Pagkakita niya'y si Aj pala na kumakaway kaway pa. Sumenyas si Julliene na pumasok siya sa loob ng convenience store dahil nagsasalita ang binata at di niya ito maintindihan.

"Hi Julliene!"

"Oh, gabing gabi na bakit nasa labas ka pa"

"Eh ikaw, bakit nasa labas ka pa. Tsaka akala ko nasa party ka ni Harry"

"Umuwi kasi ako agad eh.. Uhm, masama pakiramdam ko"
Pagsisinungaling nito. Ayaw niya naman niyang sabihing umalis siya dahil sa may kasamang iba si Trevin sa party.

"Sayang naman.. Bigatin malamang yung party ni Harry"

"Syempre.. Masaya nga si Harry kasi naroon lahat ng importante sa kanya, pati narin si Euki."

Matapos niyang ubusin ang kinakain, lumabas narin ang dalawa.

"Motor mo yan?"
Tanong nito habang kinukuha ni Aj ang helmet ng motor nito

"Oo. Tara hatid na kita"
Umoo nalang ang dalaga dahil wala naman itong choice at gusto rin niyang may kasama dahil nga mga-isa siya sa ngayon. Sinuot at sumampa na ito sa motor sabay kapit sa balikat ni Aj

"Gusto mo bang mahulog ha?"

"A-ah?"

"Sa baywang ka kumapit"
Tsaka nito nilipat ang mga kamay sa baywang ni Aj tsaka nito pinaandar ang motor

"Julliene, may gagawin ka pa ba pagkatapos?"
Sabi nito habang nagmamaneho

"Wala naman, matutulog na siguro"

"Good!"
Tsaka nito iniliko ang motor papunta sa ibang direksyon

"T-teka! 'Don papuntang apartment ko"

"Alam ko"

"H-ha?! Teka, san mo ako dadalhin????!"
Alarmang tanong nito sa binatang dirediretso lang sa pagmamaneho

"Kumapit ka lang Julliene. Alam ko namang hindi ka ok kaya dadalhin kita sa lugar na marerelax ka"

Hindi nalang siya sinagot ng dalaga bagkus, sumandal nalang sa likuran nito at hinayaang dalhin siya sa lugar na makakalimutan niya pansamantala si Trevin.

*****

"Julliene? Nandito na tayo"
Pagkamulat niya ng mga mata, hindi niya namalayang tumigil na pala sila

"Beach?"

"Oo. Alam mo, relaxing dito. Personal kong pinili itong part ng resort namin para makapag relax ka"

"Resort niyo?!"

"Oo. Ramdam ko kasing, di ka masaya kaya sana kahit papaano marelax ka rito for the mean time"

I Just Haven't Met You Yet [COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon