Epilogue

112 25 27
                                    


After 2 Years.....

Author's POV

"I told you, hindi nga ito engagement ring!"

Sabi ni Julliene matapos siyang kulitin ng manager na tangalin ang suot na singsing. Iyon ang singsing na sana ay ipangpo-propose sa kanya ni Trevin. Matapos umalis ni Trevin nang gabing iyon, linggin sa kaalaman ni Julliene na dumaan muna ito sa kanyang dressing room para iwanan sa kanya ang singsing kalakip ng isang sulat kamay.

'Sa'yo ang singsing na ito. Ikaw ang iniisip ko noong binili koi to kaya nararapat lang na ibigay koi to sa iyo'

Hindi naman na niya iyon maisusuli kaya ginamit nalang niya iyon. Matapos ang recital, isa siya sa mga nakuha bilang isang recording star. Kinuha siya ng Star Records bilang isang singer at matapos lang ang ilang taon ay isa na siyang sikat na singer sa bansa. Maihahalintulad na siya sa kasikatan ni Charice Pempengco noong kabataan niya. Nakapag release narin siya ng album na nakatanggap pa ng platinum award. Nag-guest narin ito sa Korea dala narin ng relasyon meron siya sa isang sikat na Kpop singer.

Nang malaman nina Harry ang nangyari, hindi niya ito masisisi kung magagalit ito pero agad naman iyon humupa sapagkat siya mismo ang kumalas kay Trevin. Masaya na si Trevin at masaya narin siya sa buhay niya. May career, natulungan na niya ang pamilya niya at dalawang oras nalang at magtatapos narin siya.

"Fine, bahala kang ma-issue nanaman. Wag mo akong tawagin kapag nasa internet ka nanaman ha? Jeff paandarin mo na"

Sabi nito tsaka tinigilan siyang kulitin sa singsing. May sarili narin siyang sasakyan at nakatira na siya sa isang condominium pati si Euki. Hindi tulad ng dati, ngayon ay magkapitbahay na sila. Sa room 154 si Julliene at 155 naman si Euki. Matapos siyang makuha ng Star records ay kinuhanan siya ng manager ni Harry.

As for Trevin, he went to Paris with Step. Napigilan nga niya si Step and after a week, he told everyone about him and her. Hindi ito matanggap ni Harry noong una. Masakit para sa kanya ang ginawang ito ng pinsan pero after a year, Trevin's mom coordinated a Christmas gathering for their whole family. Dumating ang lahat pati narin sina Trevin and Step. Harry and Trevin talked that night at una nang humingi ng patawad si Harry dahil sa itinago niyang sulat ni Step. Humingi rin ito ng patawad dahil sa pinili niya ang una niyang pag-ibig kaysa kay Julliene. Sa huli, nagkabati ang magpinsan at naging masaya nalang ito sa naging desisyon ni Trevin sa buhay.

"Juls, pupunta si sir SJ sa graduation mo kaya you better treat him nicely ha"

Sinabi ng manager niya na nakatingin sa rear mirror ng kotse.

"Ah, yung new producer ko? Sure thing Flor"

"Tandaan mo, nakasign na siya ng contract sa'tin at tuloy narin ang concert mo next year. After graduation, mag pack ka na ng gamit mo at babyahe tayo kasama niya papuntang Cebu for your mall show. At isa pa, wag kang hihiga diyan, masisira ang buhok mo"

"Ok, ok.. Ayan oh"

Sabay ayos ng upo. Hindi niya masasabing nagbago siya simula noong sumikat ito dahil nakakapasyal parin naman siya sa labas kasama ang mga kaibigan pero hinding hindi mawawala ang mga paparazzi niya.

Nakabihis na siya ng uniporme nito at didiretso na papuntang school. Gaganapin ang graduation nito sa auditorium ng paaralan nila. Malawak ang auditorium nila kaya't maa-accommodate nito ang hanggang 5000 na katao.

Dumating siya sa school at nasa kotse pa lamang ito'y inaabangan na siya ng media. Para siyang nasa red carpet ng awards night na kinukuhanan ng litrato habang naglalakad. Sunod-sunod naman ang manager nito na dala-dala ang sablay at bouquet of flowers na inabot ng school sa kanya.

I Just Haven't Met You Yet [COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon