Chapter 1

1.2K 17 4
                                    

Transferee

Amber's POV

Labag sa loob at busangot akong naglalakad sa hallway ng bagong school na papasukan ko. Malawak at mataas ang mga building sa bawat sulok at may mga iilang estudyanteng dumadaan na ngayo'y pinagtitinginan ako. Mahigpit akong napahawak sa dulo ng aking damit at binilisan nalang ang paglalakad para makarating sa principal's office.

Matiwasay akong naglalakad sa isang hallway ng may makita akong nagkukumpulang estudyante sa isang sulok. Nakarinig ako ng hiyawan mula doon kaya mas lalo akong naintrigang tignan kong anong nangyayari. Nakipagsiksikan ako hanggang sa makarating ako sa harap. Laking gulat ko ng bumungad sakin ang babaeng nakaupo sa sahig at humihikbi habang binubuhosan siya ng maduduming basura.

Napatingin ako sa may gawa non at walang awang nakangisi ang isang lalaki habang ginagawa 'yon. Bigla nalang nagkuyom ang kamao ko sa asta niya.

"HOYY!!" sigaw ko kaya tumigil siya sa ginagawa at tumingin sa direksyon ko. "Alam mo ba ang ginagawa mo! wala kang-aaaahhhhh! tangina!"

Napatigil ako sa pagsasalita at napasigaw ng may biglang tumulak sakin kaya tuloy tuloy akong bumagsak sa kanya. Agad niya 'kong sinalo at hinawakan sa bewang at kasunod din 'yon ng paglapat ng labi ko sa labi niya.

Ay hayop!

Nakarinig ako ng hiyawan ng mga estudyante na 'oohhh' dahil sa nangyari.

Agad ko siyang tinulak sa pagkabigla at mabilis kong pinahiran ang labi ko. Ngumisi naman siya.

"I like it." sabi niya at sumilay ang nakakalukong ngiti sa labi niya.

Nagkuyom bigla ang mga kamao ko at mabilis na hinubad ang sapatos at walang atubiling binato yon sa kanya. Napakagat pa ako sa labi para pigilan ang tawa ng mapagtanto kong tumama iyon sa ibaba niya.

"Shit!" daing niya at napahawak sa kanyang ibaba. "How dare you to hit my-"

Panibagong sapatos ang tumama sa ulo niya kaya tinignan niya ko ng masama pero napawi din iyon ng kunin niya ang isang pares ng sapatos ko at ngumiti ng nakakaluko. "Then, let me hit yours too-"

Mabilis kong pinulot ang bato sa paanan ko at agad na binato yon sa pagmumukha niya.

"BASTOS KA!" sigaw ko sa kanya at kasunod ng malakas na tawanan ng mga estudyanteng nakapaligid samin.

My Jealous Bully (Completed)Where stories live. Discover now