Chapter 7

323 9 0
                                    

Floor Wax

Amber's POV

Nagising ako sa silak ng araw na tumama sa mukha ko na galing sa bukas na bintana. Tumayo na ako at inayos ang kama bago manghilamos at maligo. Ilang minuto lang ang binabad ko sa banyo bago magbihis. Sinuklay ko ang buhok ko at sandaling inayos ang mukha bago kunin ang bag at dumiretso sa kwarto ni Sed.

*TOK TOK TOK

Nakailang katok pa ako bago niya buksan iyon. Bumungad sakin ang mukha niyang kakagising lang.

"Ay bwesit! ba't hindi kapa nakabihis? ihahatid mo pa ako!" irita kong sabi.

"Ha? wala kaming klase ngayon eh. Mag-commute ka nalang muna." sabi niya. Bubuka palang sana ang bibig ko para magsalita ng isara niya ang pinto. Kainis naman!

College na kasi siya kaya nasa ibang paaralan siya nag-aaral. Hinahatid niya muna ako bago dumiretso sa school niya. Napasinghap nalang ako bago bumaba. Ayaw ko namang hintayin siyang mag-ayos para ihatid ako dahil tiyak na malalate ako. Mabagal pa sa pagong mag-ayos 'yon!

Pumunta mo na ako sa kusina para kumuha ng isang toasted bread ng tawagin ako ni Lola sa dining.

"Kumain ka muna!" aya niya. Tinignan ko siya at nagpilit ng ngiti.

"Di na po." sabi ko bago umalis kagat-kagat ang isang toasted bread. Huminto ako sa tapat ng gate para maghintay ng masasakyan.

Ilang minuto akong nakatayo ng sa wakas may huminto nading taxi. Agad akong sumakay at tinuro ang pupuntahan. Tahimik lang ako sa pwesto ko ng biglang huminto ang driver. Binuksan niya ang bintana ng taxi at dumungaw kaya napasilip ako kung anong nangyayari.

"Maawa kayo kuya! isakay niyo po kami. Manganganak napo ang asawa ko!" rinig kong sabi ng isang lalaki.

"Sige, sige!" sabi naman ng driver kaya agad na sumakay ang mag asawa. Napausog ako sa gilid para bigyan sila ng space.

"Aaahh-arayy!" sigaw ng babaeng buntis at napapikit. Namamawis nadin siya kahit may aircon naman.

Para akong bulate na hindi mapakali sa upuan dahil tiyak na malalate ako nito. Napakagat labi nalang ako ng lumiko ang taxi sa daanan papunta sa hospital. Napatingin ako sa relos ko at mas lalo akong nataranta ng malapit nang magsimula ang first class. Huminga nalang ako ng malalim at hinabaan ang pasesnsya.

"K-kuyang driver! dito nalang po ako." sabi ko sa driver kaya tinigil naman niya ang taxi. Agad kong inabot sa kanya ang bayad ko at mabilis na lumabas.

Tumakbo ako pabalik at lumiko kung saan ang daan papunta sa school. Luminga linga pa ako dahil baka may dumaang taxi pero hindi na ako naghintay dahil baka mas lalo akong tumagal. Pawis na pawis na ako pero hindi parin ako tumigil sa pagtakbo hanggang sa makarating ako sa gate ng school. Napatigil ako habang hingal na hingal. Tagaktak nadin ang pawis ko kaya ang palda ko nalang ang ginawa kong pamunas.

Sinasara kasi ng gurad ang gate ng school kapag nagsisimula na ang klase kaya wala ng makakapasok na estudyante.

Naglakad na ako papasok habang hingal na hingal parin. Hindi ko maintindihan pero nagsisimula nanamang humigpit ang paghinga ko. Umakyat ako ng hagdan papunta sa room namin pero hindi ko pa naaakyat ang isang hagdan ay napatigil na ako dahil hindi nako makahinga ng maayos. Hingal na hingal parin ako at namamawis. Napasinghap ako bago magpatuloy at ng makarating sa pinto ng room tumigil muna ako para maghabol ng hininga.

Napabuntong hininga ako bago pihitin ang door knob at buksan ang pinto pero pagpasok ko, bigla nalang akong nadulas kaya tuloy tuloy akong bumagsak sa sahig. Nagsi-tawanan naman sila maliban kay Khael at Veina na nag-aalala akong tinignan.

"Oh! sorry, i didn't tell you that i put floor wax in there." sabi ng hayop at nginisian ako.

"Tangina! nananadya kaba?!" galit kong sigaw.

"Is it my fault if you didn't walk carefully?" usal naman niya at nginitian ako ng nakakaluko.

"Bwesit ka!" sigaw ko at dahan dahang tumayo. Muntik pakong madulas. Napahawak ako sa likod ko ng makaramdam ako ng sakit lalo na sa pwet kong unang bumagsak.

Lumapit ako sa pwesto niya at hinubad ang bag ko at walang atubiling hinampas yon sa kanya. Sinangga naman niya ang dalawang braso para hindi siya matamaan. Ang sarap niyang hambalusin ng lamesa!

"Gusto mo bang suntukin ko pagmumukha mo?! nakakainis ka, alam mo 'yon?" inis kong sabi.

"Like you know how to punch."

"Marunong ako! gusto mo sample?" usal ko at inambahan siya ng kamao.

"Try to hit me, i'll kiss you." banta niya at nginitian ako ng nakakaluko.

Napalunok ako at dahan dahang binaba ang kamao. "N-nakalimutan ko... masakit pala ang kamay ko n-ngayon." palusot ko, ngumisi lang siya at napapailing.

"Aaaaaahhhhhhh! Jusko po!"

Sabay kaming napalingon sa sumigaw. Napakagat labi ako ng makita ang teacher naming bumagsak sa sahig dahilan ng pagkakadulas.

Tinignan ko ang hayop na walang reaksyon sa nangyari. "Kasalanan mo 'to!"

"Ma'am! si Amber po ang naglagay ng floor wax dyan!" sigaw ng isa sa mga kaklase namin kaya napataas ang kilay ko.

"Hoy! sinungaling ka!" sita ni Veina.

Dahan dahang tumayo ang teacher namin at pumunta sa harap ng blackboard. "Mr. Arther?" tanong niya sa hayop na para bang nagtatanong kung totoo nga.

Ay talaga lang? Nagtatanong sa totoong gumawa!

Nilingon ko siya at tinitigan ng masama. Subukan niya lang magsinungaling, humanda siya sakin!

"Yeah." sabi niya at nginisian ako.

Ay tarantado!

Arghh!! Nakakainis ka ng bwesit ka!

"MS. RACKEL! COME HERE IN THE FRONT!" galit na sigaw ng teacher.

"P-pero ma'am... h-hindi po ako ang may gawa—"

"COME HERE IN THE FRONT!" paguulit niya. Napasinghap nalang ako bago maglakad papunta sa harap. Nilingon ko ang hinayupak pero nginitian niya lang ako ng nakakaluko.

Pisti ka! ipapalibing kita ng buhay o di kaya ipapacremate sa funeral home. Tutusokin ko mata mo at sasaksakin ko ng espada pagmumukha mong tangina ka!

My Jealous Bully (Completed)Where stories live. Discover now