Chapter 18

246 13 0
                                    

Ice cream

Amber's POV

Nagising ako bigla ng makaramdam ako ng humahaplos sa buhok ko. Minulat ko ang mata ko at napakusot ng makaramdam ng hapdi gawi nadin sa pagiyak ko kanina. Napatingin ako sa kanya na nakatingin din pala sakin. Napaisip tuloy ako, tinititigan niya kaya ako habang tulog ako?

"Ang cute ko ba?" pang-aasar ko.

"Yong sipon mo." sabi naman niya kaya napahawak ako sa ilong ko. Tumawa naman siya ng bahagya.

"Panget mo kausap." sabi ko at pinandilatan siya ng mata bago kumalas sa pagkakayakap. Ngayon ko lang napagtantong kanina pa pala ako nakayakap sa kanya simula nong nakatulog ako. Hindi ba siya nangangalay?

"Are you okay, now?" tanong niya at tinignan ako sa mata.

"M-medyo."

Tumayo ako at naglakad palapit sa dulo ng terrace at nilanghap ang preskang hangin.

"Next time..." rinig kong sabi niya kaya napalingon ako sa kanya. "...don't cry again, you look like a crying monkey." saad niya at tinawanan ako.

"Happy ka dyan?" sabi ko at nirolyohan siya. Tumawa pa siya ng tumawa na ikinais ko kaya kinuha ko ang tsinelas ko at binato yon sa kanya. "Ouch!"

Bumaba na ako at naglakad palabas para bumalik sa bahay. Naabutan ko sina Sed at Veina na naguusap, napalingon naman sila ng makita ako. "Amber!" tawag ni Veina kaya napatingin ako sa kanya. "San kayo galing?"

"Sa jupiter, nagpahinga." matamlay kong sabi bago maupo.

"Hali na kayo, magtanghalian na tayo!" tawag ni lola. Walang buhay ang mga mata kong tumingin sa kanya at ng makita ako, tumalikod lang siya at nagpunta na sa kusina. Tumayo na si Sed at Veina kaya tumayo nadin ako at nagpunta sa dining. Umupo ako sa tabi ni lolo at sa gilid ko naman ay si Veina, samantalang kaharap ko naman 'yong hayop. Hindi parin maalis sa isip ko yong nangyari kanina, nakakahiya.

Agad nakong sumandok ng kanin at kumuha ng ulam at binilisan nalang ang pagkain. Minsan naguusap-usap sila at nagtatawanan pero hindi nako nakikisabay. Agad akong tumayo ng matapos nakong kumain at nagpunta sa sala.

"How's my crying monkey?" biglang sabi ng kung sino kaya napatingin ako sa kanya. Umupo siya sa katapat kong sofa at nginitian ako ng nakakaluko. Hindi ko napigilan ang sarili kaya agad akong pumunta sa kanya at inambahan siya ng kamao.

"Bwesit ka! kanina kapa! nakakainis kana!" irita kong sabi at ambang hahampasin siya ng marinig ko ang boses ni lola.

"Ganyan muna ba tratohin ang boyfriend mo?" biglang sabi ni lola kaya napatingin ako sa kanya.

"Lola naman kasi! hindi ko nga siya boyfriend." inis kong sabi at napataas naman ang kilay niya. Tinignan ko yong hayop na nakangisi lang sakin.

Ngayon ko lang napagtantong nakakandong pala ako sa kanya kaya agad akong umalis.

"Bumili muna kayo ng crushed ice." ani lola at inabot sakin ang pera. "Kami?" patanong kong sabi at tumango lang siya. Inis kong kinuha ang pera sa kanya at naglakad palabas. Pwede namang sina Sed at Veina ang utosan niya eh, kainis.

Ambang papasok nako sana sa kotse namin ng makarinig ako ng busena. "Get in." nilingon ko siya na nakasakay na pala sa kotse niya. Wala nakong nagawa kundi sumakay nalang.

Tahimik lang kami sa loob hanggang sa makarating kami sa isang convenience store, binigay kona sakanya ang pera para siya na ang bumili. Pagpasok ko, naaninaw ko ang ice cream sa sulok kaya nagpunta ako don. Balak ko sanang bumili kaso nakalimutan kong magdala ng pera. Napataas ang kilay ko ng makitang kumuha siya ng isang taperware at cone, bago pumunta sa casher.

Nagpauna nakong naglakad papunta sa sasakyan niya at ganon din siya. Nilapag niya sa harap ang dalawang crushed ice at yong taperware ng ice cream. Napalunok pako ng buksan niya ang cone at kinain.

"A-akin yan."

"Who told you?" tanong niya at nginitian ako ng nakaka-asar. Pinandilatan ko lang siya ng mata at tumingin nalang sa labas ng bintana.

Ilang minuto lang ng makarating kami sa bahay at ambang bubuksan kona sana ang pinto pero nakalock yon. Nilingon ko siya at tinignan ng masama. "Buksan mo!"

"Yong ice cream?" tanong niya at tumawa ng bahagya. "Yong pinto!" inis kong sabi.

Napataas ang kilay ko ng buksan niya yong taperware at kinuha ang spoon na nakadikit don. Nag-scoop siya don at nilapit sakin ang kutsara. Napaatras ako hanggang sa dumikit ako sa pinto ng kotse niya. Wala sana akong balak kainin yon pero pilit niyang nilalapit sakin kaya kinain ko nalang. Akala ko bubuksan na niya ang pinto pero bigla niyang nilapit sakin ang mukha niya at naramdaman ko nalang ang paglapat ng labi nya at bahagyang ginalaw iyon.

"Tangina!" mura ko at binatokan siya.

"Why? i'm just cleaning the little spill in your lips." sabi niya at nginitian ako ng nakakaluko.

Hayop talaga!








Don't forget to Vote, Comment, and Share! >>>

My Jealous Bully (Completed)Where stories live. Discover now