Boyfriend
Amber's POV
Agad akong tumakbo palabas ng kotse ng makarating kami ng bahay. Nahirapan pa akong tumakbo dahil medyo mabigat ang bag ko. Wala naman akong naalalang may nilagay akong mabibigat dito, eh notebook, headphone at isang ballpen lang naman ang laman ng bag ko.
Pagkarating ko sa pinto naabutan ko sina lola at papa na nag-uusap.
"Papa."
Napalingon sila sa direksyon ko at napangiti naman si papa ng makita ako. "Amber!"
Sandali akong nagmano kay lola at lolo bago maupo sa tabi ni papa. Masasabi kong malaki ang pinagbago niya at mas disente na siyang tignan ngayon.
"Long time no see, anak. Kamusta?" nakangiti niyang tanong. Sinuklian ko naman ang mga ngiti na 'yon.
"A-ayos lang po." sagot ko.
"Buti naisipan nyong dumalaw dito." biglang sambit ni Sed na kakapasok lang. "O! my eldest child! lalong pumogi ah?" nakangiting bati ni papa. Tumawa naman ng bahagya si Sed. "Pasalubong ko?"
"Nandon sa taas, tignan mo nalang sa maleta." sabi naman ni papa at tumawa ng bahagya. "May pasalubong din ako sayo—"
"Gusto po kitang makausap." putol ko sa sasabihin niya.
"Nag-uusap naman tayo ngayon, ah." sabi niya at bahagyang tumawa, tumango lang ako.
Malaking tuwa ang nararamdaman ko ngayon dahil nandito na siya. Sana hindi na siya umalis para kahit papaano, maibigay niya 'yong pagkukulang niya sa ilang taong hindi kami nagkasama. Ayoko na ulit maulila.
"Sa katunayan..." sandali siyang tumingin kay lola bago ako tignan. "Umuwi ako dito para kunin ka, ako na muna ang magpapa-aral sayo doon sa probinsya."
Natigilan ako sa sinabi niya. Bigla nalang pumasok sa isip ko si Khael at Veina na tinurin akong kaibigan. Galit ako kay lola, dahil kinuha niya ako sa puder ni papa pero ngayong gusto na akong kunin ni papa para bang may malaki sa bahagi kong ayaw kong umalis... ayaw kong umalis sa pinag-aaralan ko. May maiiwan akong tao, mga bagay, memories at lalo na 'yong hindi ko maipaliwanag na pakiramdam sa pisteng hayop na 'yon.
"Pa..." 'yon na lamang na salita ang nailabas ko dahil hindi ko alam kong anong sasabihin ko.
"Ayos lang, anak. Hindi naman kita minamadali. Nasa iyo ang desisyon kung sasama ka sakin o mananatili ka dito sa lola't lolo mo. Naisip ko din na ilang araw palang na pumasok ka sa bagong paaralan na nilipatan mo dito kaya hindi kita minamadali. Pero kong buo na ang loob mo, pwede mokong sabihan ng desisyon mo." mahabang lintaya niya, tipid na tango lang ang sinagot ko.
"...At sa ganon, maiprocess ko ng maayos ang mga requirements mo papuntang abroad kung sakaling buo na ang desisyon mong sumama sakin." dugtong niya kaya napatingin ako sa kanya.
"Abroad?" kunot noo kong tanong. Tumango naman siya at nginitian ako. "Dadalawin natin ang mama mo."
Nabuhayan ako bigla ng sabihin niya iyon. Gusto ko ding makita si Mama dahil masyado pa akong bata noon ng umalis siya papuntang abroad kaya ngayong lumaki na ako, hindi ko na maalala ang mukha niya. Nalilito na ako kung ano ba dapat ang magiging desisyon ko.
"Rowel." sambit ni lola at makahulugang tinignan si papa sa mga mata.
"Hindi ko naman siya ibibigay sa mama niya, ma" sabi naman ni papa.
Mukang alam ko na ang ibig nilang sabihin. Bigla nalang akong nakaramdam ng inis at galit kay Lola kahit hindi naman. Tumayo na ako at nagpaalam na pumunta muna sa taas para magbihis at para nadin makapag-usap sila.
Ilang oras akong hindi lumabas ng kwarto hanggang sa sumapit ang gabi. Bumaba na ako para maghapunan. Pagkarating ko sa dining nakaupo na silang lahat at mukang ako nalang ang hinihintay. Umupo ako sa gilid ni Lolo at katapat ko naman si papa.
Tahimik lang akong kumakain habang nagkukwentohan sila sa buhay ni papa sa probinsya. Minsan nagtatawanan pero hindi ako sumasabay at tinuon nalang ang pansin sa mga pagkain.
"Ikaw, Am. Kamusta pag-aaral mo? May boyfriend kana ba?" biglang tanong ni papa kaya napatingin ako sa kanya.
Bubuka palang sana ang bibig ko para magsalita ng unahan ako ni Sed. "Meron 'yan pa." sabi niya at nginitian ako ng nakakaluko. Napataas naman ang kilay ko at agad siyang tinignan ng masama.
"W-wala po." sambit ko.
"Anong pangalan?" tanong ni papa kay Sed at tumawa ng bahagya. Parehas talaga silang mag-ama, nakakainis!
"Regan Arther." sabi nito at nginisian ako. Bigla nalang akong nasamid kaya napaubo ako ng ilang beses.
"Am, ayos kalang? ito tubig." tanong ni lolo at inabutan ako ng tubig. Kinuha ko naman yon at agad na ininom.
"Pota! ang galing mo talagang mag-imbento ng kwento, ano?" inis kong sabi at akmang ibabato sa kanya ang kutsara.
"Amber!" sita sakin ni Lola, napayuko nalang ako at pasimpleng tinignan ng masama ang luko na tumatawa.
Kainis! sa dinami dami ng lalaki, yon pa talaga!
"Kumain na kayo, baka magkaroon pa ng away." sabi naman ni papa kaya tumahimik na kami.
Magkakaroon talaga ng away... mamaya! humanda siya sakin.
Napatingin naman ako kay lola na mapang-asar akong tinignan. Oo nga pala, tiyak na kilala niya ang hayop na 'yon dahil sabi nga sakin ni Khael kilala sila ni lola dahil kaibigan nito ang tita nila.
"Kayo na pala ni Regan?" sambit ni Lola at nginitian ako habang napapailing-iling.
"H-hindi po—"
"Oo kaya!" sambit ni Sed. Mayamaya lang, hindi ako makapagpigil ibabato ko 'tong buong pinggan sa pagmumukha niya.
"Sinungaling!" inis kong sabi at napahigpit ang hawak sa kutsara.
"Okay lang naman na magboyfriend ka, basta wag mong papabayaan pag-aaral mo." sabi ni papa bago sumubo ng kanin.
"Ba't hindi mo sinabi samin na may boyfriend kana pala? bukas na bukas, maghahanda ako ng hapunan. Ayain mo siyang dito na kumain para makapag-usap naman tayo." gatong naman ni lola na ikinangiwi ko. Tinignan ko ang tukmol kong kapatid na nakangisi.
Humanda ka sakin mamaya!
Don't forget to Vote, Comment, and Share! >>>
YOU ARE READING
My Jealous Bully (Completed)
Teen FictionWhen she was teased by a man she never thought she would like, but didn't know that the man wanted her from the beginning. How long will they be able to confess their feelings for each other despite the complicated situation they are facing?