Chapter 27

296 9 2
                                    

Preparation

Amber's POV

Hindi ko alam kong anong magiging mararamdaman ko bukas. Para akong nakikiliti sa tuwa dahil, finally i'm turning 18 tommorow. Ang bilis lang ng panahon, dati umaattend lang ako sa okasyon ng iba pero ngayon, ako naman. Merong bahagi sakin na nalulungkot dahil wala si mama. Sa bawat taon na lumilipas, hindi man lang siya dumalo sa mga birthdays ko kahit isang beses lang sana.

"Am, tara na—hindi ko ba nasabi sayo na pupunta tayo kay Chaeia, ngayon?" tanong niya ng makitang hindi ako nakabihis. Maayos na siya at kulang nalang ang lumarga. Kapatid siya ni papa at dito kami tumitira sa bahay niya. Nagtatrabaho sa ibang bansa ang dalawa niyang anak kaya may kaya sa buhay. Ang asawa niya naman, matagal ng pumanaw.

"Tita Jas!" patakbo akong naglakad palapit sa kanya at agad na sinara ang pinto ng kwarto.

"Oh bakit?"

Pinaupo ko siya sa kama at saglit akong naglakad papunta sa closet at may kinuha doong kahon. Nilapag ko yon sa tabi niya at kunot noo niya akong tinignan. "Ano 'yan?"

Binuksan ko iyon at ipinakita sa kanya ang red long gown na sinuot ko noong birthday ni Mrs. Aloria. Kita ko sa mukha niya ang gulat at pagkamangha. Kinuha niya iyon at itinapat sakin. "Ang ganda, bagay na bagay sayo. Saan galing 'to?"

Tinago ko itong gown lalo na yong tulip necklace, napakamahalaga sakin ang mga 'to kahit palaisipan parin sakin ang nagbigay. Napangiti ako ng bahagya, nang maisip na mahalaga siguro ako sa taong iyon kaya niya ibinigay 'to.

"Hindi na pala nating kailangang magpasukat eh. Sasabihan ko nalang si Chae na meron kanang gown." aniya at nakangiting nakatingin sa gown.

"Saan ba ito galing?" tanong niya kaya napatingin ako sa kanya. "Ahm... special gift of my secret admirer?" patanong kong sabi at natawa ng bahagya.

"Sus, secret admirer ka dyan. Baka galing sa manliligaw mo ito o di kaya boyfriend?" sabi niya at mapang-asar akong tinignan.

"Tita naman, wala akong ganyan."

"Sa ganda mong 'yan?" tanong niya at natawa naman ako.

"Maganda lang ako, pero wala akong ganyan." sabi ko at sabay naman kaming natawa.

"Eh baka naman, merong taong palihim kang ginugusto?" patanong niyang sabi at natigilan naman ako. Nawala ang ngiti ko ng may maalala ako. Naiinis ako dahil gulong gulo ang isip ko dahil lang sa hindi ko maunawaan ang isang bagay na matagal ko ng hindi maintindihan.

"Kung gusto ka ng tao diba dapat, ipinapakita niya sayo yong tunay niyang nararamdaman?" tanong ko. Napatingin naman sakin si Tita at tatawa na sana pero nakita niya akong seryoso kaya napasinghap siya. "Hugot yan?" pagbibiro niya, ngumiti siya ng bahagya at sumeryuso nadin, "Oo naman, syempre." tipid na tango lang ang sinagot ko.

"Kung mahal ka ng tao, dapat ipinapakita o pinaparamdam niya yon sayo..." sabi ko at napayuko.

"Am."

"P-pero bakit si mama? hindi niya man lang nagawa 'yon. Hindi ba niya ako mahal? Anak niya ako, oh!" inis kong sabi at padabog na umupo sa kama. Ngumiti si Tita sakin at sandaling kinuha ang gown at ipinakita sakin para maiba ang modo sa pagitan namin.

"Kung sino man nagbigay nito, paniguradong importante ka sa buhay niya." pag-iiba niya ng usapan, ngumiti lang ako ng pilit. 

Umupo siya sa tabi ko at hinaplos ang likod ko. "Ang swerte mo siguro kapag lalaki itong nagbigay sayo. Imagine, someone give this foremore gift to her woman. And that woman, is you." saad niya kaya napatingin ako sa kanya.

"Sa tingin niyo?" tanong ko, tumango lang siya at nginitian ako.

Nakarinig kami ng katok mula sa pinto kaya si Tita na ang nagbukas non. Pabagsak akong nahiga sa kama at napatingin sa phone. Simula noong nalaman kong siya 'yong nagtetext sakin sa unknown number, hindi na niya ako ulit mini-message. Sabagay, sino ba naman ako.

Naayos na lahat para bukas. Naisend ko na sa mga taong gusto kong dumalo bukas ang mga online invitations. Syempre, dapat hindi mawawala si Veina at Khael. Mga tropatits ko ang mga 'yan. Aaminin kong miss na miss ko na sila dahil sa loob ba naman ng isang taon hindi na ulit kami nagkita. Isa pa, hindi ako nakapagpaalam ng maayos sa kanila.

Na set up na nila Tita ang venue, sa sala nila nilagay dahil malawak naman. Merong mga inutusan si Tita para magdecorate at si papa naman ay tumutulong sa pag-aayos ng mga niluluto para bukas. Light red ang ginawa naming motif para maiayon sa gown ko bukas. Maya maya lang ay may narinig akong busena sa labas, dahil busy ang mga tao sa loob ng bahay, ako na ang nagsalubong sa kanila. Sasakyan iyon nila lolo dahil ngayon talaga ang dating nila.

Ng makakababa sila, agad akong sinalubong ng halik sa pisnge ni lola. "Lalo kang gumanda, apo!" nakangiti niyang puri bago ako yakapin. Nakasalubong ko naman si lolo at matamis na ngiti lang ang ginawad niya bago sila maglakad papasok sa loob.

Tumawa ako ng malakas ng makita si Sed. Ang tagal naming hindi nagkita at talagang may nagbago sa hitsura at pananamit niya. Pero sa ugali siguro, wala. "Mas gwapo pa nga si Zoro sayo niyan, eh." aniko at tumawa. Doon siya tumira kina lola dahil hassle pa daw kapag dito siya magtatapos ng kolehiyo, hindi naman naging problema kay papa yon dahil may tiwala naman siya sa desisyon ng mokong na 'to.

Inirapan niya lang ako at nagcross-arm. "At least i have her." sabi niya at ngumiti ng matamis.

"Uy, chismis yan? ishare it mo naman!"

"Tss. maiinlab ba sakin si Veina kung hindi ako kasing gwapo ni Zoro?" sambit niya bago ako ngitian ng makahulugan.

Aba! parang mas lalong kumapal ang mukha niya, ah.

Nilingon ko siya at dirediretso lang siyang naglakad papasok. "Hoy! hindi mo sinabi, kayo na pala!" sigaw ko.








Don't forget to Vote, Comment, and Share! >>>

My Jealous Bully (Completed)Where stories live. Discover now