Chapter 35

207 6 1
                                    

A/N: Pasensya po sa matagal na update, sinumpong kasi ako ng katamaran😶 hahaha









Home

Amber's POV

"Tapos kana ba sa pag-aayos?" tipid na tango lang ang sinagot ko bago lumabas ng bahay at dumiretso sa sasakyan.

As time goes on, you'll understand. What lasts, lasts; what doesn't, doesn't. Time solves most things. And what time can't solve, you have to solve yourself.

Marahan akong napangiti bago isara ang librong kanina ko pa binabasa at napapikit na sumandal sa upuan. It feels so heavy, lately. Pagkatapos ng birthday celebration ko, hindi ko alam kong anong mararamdaman ko sa lahat ng mga nangyari.

Napatingin ako sa labas ng bintana at doon nalang inilatag ang paningin. Medyo mayroong masaya sa akin na uuwi na ako kina lola. I laughed a little when i realized things, i'm suffocated enough to live in my grandma's providence since before. Pero ngayon hindi ko inaasahan na, doon nga pala talaga ako masaya.

Ito na rin siguro ang tamang oras para humingi ako ng tawad sa lahat ng mga kabastosan na nagawa ko sa kanya. I used to defend the far away shadow, not thinking the most important person i heap up is what i needed the most.

Sana gumaan na ang lahat sa pagitan namin ni lola.

Ilang oras lang ang naging byahe ng makarating kami sa bahay. Inaayos ni papa lahat ng gamit at inakyat sa taas. Walang tao sa bahay kaya naisip ko na pumunta sa garden dahil baka nandon si lola. Hindi naman ako nagkamali, at nakita siyang nagbubungkal ng lupa para sa mga munting bulaklak niya na nakasabit.

"Mukhang ang lusog ng lupang iyan, tiyak talaga na lalaki ng husto at napakarilag iyang mga alaga niyo." panimula ko at napalingon naman si lola sakin.

Agad siyang tumayo at sinalubong ako ng malawak na ngiti. "Bumalik na pala kayo. Sana pinaalam mo para naman nakapaghanda ako."

"Okay lang po. Si lolo?"

"Ayon, nagpakain ng kalabaw. Oh sya, maghahanda muna ako sa saniyo." anas niya at agad na naglakad sa loob.

Napangiti nalang ako at napapailing. Tinignan ko ang mga alagang bulaklak ni lola at hinaplos ang mga dahon nito.

*BEEEPPPP!

Rinig kong busena kaya napatayo ako at tinignan iyon. Napakagat ako ng ibabang labi upang pigilan na makangiti ng makita ko siyang naglalakad papasok. May halong kaba at tuwa ang nararamdaman ko ngayon. Gusto ko siyang salubongin pero nahihiya ako kaya nanatili akong nakatayo sa pwesto ko hanggang sa makita kong lumabas sila ng pintoan ni Sed. Nagusap lang sila saglit at nakaatang parin ang mga titig ko sa kanya ng maglakad siya palabas ng gate at hindi ko naman inaasahan na lilingon siya sa pwesto ko.

Napalunok ako at agad na tumalikod at nagkunwaring inaayos ang palayok ng mga bulaklak.

Bakit siya nandito? Siguro naman ay may importanteng kailangan lang.

"Hey, what's up!"

"Aaaaahhhhh! ipiss—ay hindi, palaka—sawa... fish? pusa? aso?" sunod sunod kong saad dahil sa pagkataranta. Ewan ko ba kung bakit ako nagkakaganito.

Napatayo ako at napakagat ng ibabang labi.

"Are you okay?"

"O-oo ayos lang, nakita na kita eh." anas ko at napakamot sa ulo. Corny.

"Huh?"

Ayy, wala 'to, mahina. Napakamanhid, hindi man lang magets hugot ko.

Ano, kailangan ba pangmalakasan para maunawan mo?

My Jealous Bully (Completed)Where stories live. Discover now