Concern friends
Amber's POV
"Ouch! apply it gently!" daing niya ng sinundot ko ang pasa niya.
"Masakit? deserve mo 'yan!" sabi ko at inirapan siya.
Nandito parin kami sa guidance office dahil ginagamot ko ang sugat niya—kahit ayoko naman, kaso ako 'yong inutosan ng guidance counselor dahil may aasikasohin lang siya tungkol sa lalaking munting nakong lagutan ng hininga.
Dinamay pa ako sa katarantadohan nila ng hayop na 'to!
Napaiwas ako ng tingin ng titigan niya ako. Hindi ako komportableng kasama siya dahil naiilang ako. Sandali kong nilagyan ang panibagong betadine ang isang cotton balls at ilapat iyon sa labi niya.
Nakakabingi ang katahimikan sa loob ng office dahil walang nagsasalita samin. Napatingin ako sa kanya na nakatitig lang sakin. Ngayon ko lang mas nakita ng maayos ang pigura ng mukha niya. Kayumanggi ang mga mata—nahiya naman ako sa mata kong kulay itim. Matangos ang ilong niya at malambot ang labi. Medyo may pagkasingkit din siya na ikinangiti ko ng bahagya.
"Don't stare at me like that, i'm melting." sabi niya at tinitigan ako sa mata. Napakagat ako sa ibabang labi para pigilan ang pag-ngiti.
Tumigil ka, Amber! Tumigil!
Napaubo ako ng peke bago ibaba ang cotton. "Ayan ayos na 'yan! Makipagbugbogan ka ulit." sabi ko at niligpit ang first aid kit at nilagay iyon sa lamesa ng guidance counselor.
"Gagamotin mo ba'ko ulit kapag makikipagbugbogan ako?" tanong niya at ngumiti ng nakaka-asar.
Tumigil ako at tinignan siya. "Hindi. Ililibing nalang kita ng diretso." sabi ko at pinandilatan siya ng mata.
"Where? In your heart?" tanong niya at tumawa ng malakas. Agad kong kinuha ang pamaypay sa lamesa at binato 'yon sa kanya.
"Aw!"
"Tangina mo!" sabi ko at nirolyohan siya. Feelingero lang?
Bigla nalang bumukas ang pinto at niluwa non si Khael at Veina. "Am, ayos ka lang? nabalitaan namin 'yong nangyari sayo!" bungad na saad ni Veina.
"I'm worried, are you okay?" nag-aalalang tanong ni Khael.
"Okay lang ako." sabi ko at nginitian sila.
"Anyare sayo?" tanong ni Veina sa hayop at kinalabit ito sa balikat. "Stay away from me." inis niyang usal. "Waw, parang hindi pinsan? kung wala kalang pasa ngayon kanina pa kita nasampal." sabi ni Veina at inirapan siya.
"Am, sigurado kabang okay kalang—?"
"She's fine." putol ng hayop kay Khael kaya napatingin ako sa kanya. Tinaasan niya lang ako ng kilay.
"Tara, tara! bumalik na tayo sa room." aya ni Veina at pinalupot ang kamay niya sa braso ko bago ako hilain palabas.
Naglalakad kami sa hallway at bumaba ng hagdan. "Okay ka lang, Am?" tanong ni Veina, tumango lang ako.
"Don't worry, hindi na mauulit ang nangyari sayo kanina." sambit ni Khael na sa likod lang namin.
"I-eexpel si Brew dahil sa ginawa niya kanina." saad naman ni Veina.
Hindi ko parin maintindihan si Regan. Nagtataka ako kung bakit ganon nalang kadaling pumayag ang mga teachers o counselor sa mga desisyon niya. Sino ba talaga siya?
Nakabalik na kami sa room at ilang minuto lang din ng pumasok si Regan. Dirediretso lang ang lakad niya papunta sa pwesto niya. Sinundan ko iyon ng mga mata ko pero napaiwas din ako agad ng tumingin siya sakin.
Sabing wag lilingon!
Pumasok na ang sunod naming teacher at agad na nagdiscuss ng lesson. Gustohin ko mang makinig pero dinadalaw ako ng antok kaya dumukdok ako sa desk at sandaling pinikit ang mga mata. Sandali lang naman sana akong matutulog pero nasubrahan ata. Nagising nalang ako ng biglang tumunog ang bell, indication na lunch time na.
Minulat ko ang mata ko at bumungad si Khael na nakangiti.
"Let's go, it's already lunch time." sabi niya at sandaling ginulo ang buhok ko bago kunin ang bag ko at ikabit iyon sa harapan niya.
Napatigil naman ako sa ginawa niya pero hindi ko nalang pinansin at sumunod na sa kanya papunta sa cafeteria.
Don't forget to Vote, Comment and Share! >>>
YOU ARE READING
My Jealous Bully (Completed)
Fiksi RemajaWhen she was teased by a man she never thought she would like, but didn't know that the man wanted her from the beginning. How long will they be able to confess their feelings for each other despite the complicated situation they are facing?