Chapter 22

255 11 0
                                    

Engagement

Amber's POV

Puting kisame ang una kong nakita ng imulat ko ang mga mata ko. Napansin ko din ang nebulizer na nakalagay sa bibig ko. Niligid ko ang paningin ko at bumungad si Lola na nakaupo sa tabi ko at nakatayo naman sa likod niya si Sed.

Inikot ko pa ang paningin ko pero hindi ko siya mahagilap. Hindi ko alam kong ano nang nangyari pagkatapos nyakong dalhin sa clinic pero nagtataka ako dahil mukang hospital na 'tong kinaroroonan ko dahil nakasuot ako ng hospital gown.

"He's not here. He visited you yesterday but you're still sleeping." sambit ni Sed ng mapansing may hinahanap ako.

Naramdaman ko ang paghawak ni lola sa kamay ko kaya napatingin ako sa kanya. "2 days ka ng naadmit sa hospital at mula kahapon ka pang tulog." saad niya.

"A-anong nangyayari sakin? m-may sakit ba.. ako?" tanong ko na halos pabulong na.

"Mula pagkabata mo, meron ka ng asthma." sabi niya at napayuko.

"B-bakit hindi niyo binanggit sakin?"

"Ayoko lang mag-alala ka sa sarili mo at maalala mo ang mga nangyari sayo noon. Baka malaman mo yong totoo at—"

"Lahat nalang ba tinatago niyo sakin?" putol ko sa sasabihin niya.

"Am—"

"La, umalis ka muna sa harap ko." madiin kong sabi at napaiwas ng tingin. "Hindi kita maintindihan, naguguluhan ako sa inyo." saad ko kasabay ng pagtulo ng mga luha ko.

Sinunod naman niya ang sinabi ko at lumabas muna at kasabay din ng pagpasok ni papa na may dalang paper bag na mukang pagkain. Lumapit siya sakin at umupo sa tabi ko. Inabot niya kay Sed ang paper bag at nilagay naman niya iyon sa table at sandaling lumabas para makapagusap kami ni papa.

"Ayos na ba ang pakiramdam mo?" tanong niya at hinaplos ang buhok ko.

"M-medyo po."

"Sana mag-ayos na kayo ng lola mo." saad niya at tinignan ako sa mata.

"A-anong ibig niyang sabihin na malalaman ko yong t-totoo?"

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya at hinawakan ng mahigpit ang kamay ko. "Nagalit ako nong malaman ko ang ginagawa sayo ng mama mo. Alam niyang may asthma at allergy ka pero hinahayaan ka niyang makipaglaro sa mga aso. Palagi kang naaadmit sa ospital noon dahil hindi ka niya inaalagaan ng maayos. Minsan sinasaktan ka niya lalo na kapag mainit ang ulo niya." mahabang lintaya niya nahalos ikinadurog ko.

[Flashback]

Rowel's POV (Amber's father)

Kaagad akong tumakbo palapit kay Amber ng makauwi ako ng bahay. Pinatayo ko siya at nilayo sa mga maliliit na aso.

"Ajs." tawag ko sa ina niya.

Inosenteng nakatingin sa akin si Amber.

"Oh, nakauwi kana pala. Bakit?"

Tinignan ko si amber at umupo para magkapantay kami. "Pumunta ka sa kusina, hugasan mo ang kamay mo at pumasok ka muna sa kwarto mo." saad ko at tumango naman siya at pumasok sa loob.

Hinarap ko si hhs. "Alam mo namang may sakit ang anak natin at hindi siya pwede sa mga mabalahibo. Bakit mo siya hinahayaan?"

"Ang kulit eh! Bahala siya sa buhay niya, naiinis na ako." napataas naman ang kilay ko. "Sa tingin mo tama ba yan? Ikaw ang kasama niya sa bahay at responsibilidad mo siya!"

My Jealous Bully (Completed)Where stories live. Discover now