Chapter 2

490 16 2
                                    

First day

Amber's POV

"Section A–Blossom ang room mo, iha. Diretsohin mo lang ang hallway at hanapin sa mga pinto ang section mo."

Tumango tango lang ako sa sinabi ng principal bago magpaalam at lumbas na ng office. Sinunod ko lang ang sinabi niya at hinanap ang section ko sa bawat pinto na nadadaanan ko. Tumigil ako sa isang pintoan ng makita ko ang pangalan na A–Blossom. Sandali kong sinilip ang nasa loob bago pihitin ang doorknob.

Ang iingay nila na parang mga hayop na nagwala sa koral o di naman kaya naging palengke ang room dahil sa pag-iingay nila. Natigil lang iyon at biglang tumahimik ng makita nila ako.

Bigla nalang pumasok ang teacher namin at sinenyasan niya akong magpakilala na. "G-goodmorning..." Sandali akong huminga bago magpatuloy. "...I-i'm Amber Rackel, 17 years old." maikli kong pagpapakilala bago tumingin sa teacher. "Okay, find your seat."

Diretso lang ang lakad ko habang palinga linga para humanap ng bakanteng upuan ng matigilan ako at tinignan ang kaharap ko. Seryoso siyang nakatingin sakin kaya napairap ako. Bakit ba magkaklase pa kami? ang sarap hambalusin ng lamesa ang pagmumukha niya.

"Sit there." utos niya at tinuro ang upuan sa harap niya. Napataas naman ang kilay ko.

"Who you ba para sundin kita?" mataray kong sabi at nirolyohan siya. Ramdam ko ang pagtahimik ng paligid at pagtingin samin ng mga kaklase ko.

"As a class president no one is allowed to disobey my rules." malamig niyang usal at seryoso akong tinignan sa mata. "Paki ko naman sa rules mo?" tanong ko at kita ko ang inis sa mga mata niya.

'Naku! patay siya.'
'Siya lang yong babaeng nakita kong matapang pa kay Regan'
'Lagot na!'

Rinig kong bulungan ng iba na halata namang parinig.

"Oh ano? inis ka? Ilabas mo! ano, suntukan nalang, suntukan?!" hamon ko.

"Okay then, let's spar but not here, a bedroom will do." sabi niya at nginisian ako. "Gago!" sigaw ko at sinipa ang paanan niya bago pumunta sa isang table malapit sa bintana at doon maupo. May isang bakanteng upuan sa gilid kaya doon ko nilagay ang bag ko. Nilingon ko siya at masama niya kong tinitigan kaya mas hinigitan ko 'yon.

Tumingin nalang ako sa harap at napapailing nalang ang guro sa amin. Nagsimula na siyang mag discuss ng lesson kaya tumahimik na sila. Napadukdok nalang ako sa desk at binalak na matulog dahil tinatamad akong makinig. Lumalalim na sana ang tulog ko ng makaramdam ako ng bagay na tumama sa ulo ko. Inangat ko ang tingin ko at nahagilap ko ang binilog sa papel sa sahig. Lumingon ako sa likod na isang malaking pagkakamali dahil saktong paglingon ko ay natamaan ang mukha ko. Masama kong tinignan ang mga kalalakihan at isa na doon ang hayop.

Napasinghap ako at pilit pakalmahin ang sarili. Binalik ko nalang ang atensyon sa harap at hinayaan sila ng may panibago nanamang tumama sa batok ko. Inis akong napatayo na siya namang pinagtinginan ng mga kaklase ko at maging ang teacher sa harap.

"AYAW NIYO BANG TUMIGIL?!" galit kong sigaw at matalim silang tinignan lalo na ang hayop na tukmol.

Wag n'yo kong subukan! maikli ang pasensya ko!

"How dare you to shout at me?" inis na sigaw ng hayop.

"Bakit?! wala naman akong sinasabing ikaw ang sinisigawan ko!" sabi ko at inirapan siya.

"Whatever. You have no right to do that things like you're preobedient—"

"Nyenyenye. Ha? wala akong marinig, ano yon?" pabalang kong sabi. Kita ko ang inis sa mukha niya at pilit pinakalma ang sarili.

"Akala mo natatakot ako sayo? Eh, ano naman ngayon kung ikaw ang class president. Pakialam ko? 'yan pinaglalaban mo?" usal ko.

"Hell, get out!" sabi niya at matalim akong tinignan sa mga mata. "Get.Out." madiin niyang sabi at napasinghap sa inis. "FVCK! GET OUT!"

*Kkkkkrrrrrriiiiiinnnnnnggggggg.

Mabilis na nagsilabasan ang mga estudyante ng magbell ang ring. "Class dismiss." rinig kong sabi ng teacher pero nasa kanya parin ang atensyon ko.

"Naiinis ka? wala ka pala eh." sabi ko at nginitian siya ng nakaka-asar.

"You're really tough, huh. Later i'll make sure you'll regret to your consequence." sabi niya at seryoso akong tinignan sa mata bago tumayo at kunin ang bag.

"Nyenyenye." sabi ko nirolyohan niya.

"Isa pa, bubuntalan na talaga kita." inis niyang sabi.

"Isa pa, bubuntalan na talaga kita." pang-gagaya ko.

Akmang hahampasin niya ko ng bag ng pigilan siya ng mga barkada niya.

"Dude, chill. Babae 'yan." sita ng isa.

"Babae pala 'yan. Akala ko tigre—" sabi ng isa pero binato ko siya ng papel kaya natigil sa pananalita.

"Nakikita mo 'to? papalamon ko 'to isa isa sa mga bunganga niyo!" saad ko at tinuro ang binilog na papel bago itapon sa kanila at maglakad papunta sa pinto.

"Hoy! Tigre. Rawr!" sigaw ng isa sa kanila at tumawa ng malakas. Nilingon ko sila at pinakitaan ng gitnang daliri.

Mga putrages kayo!

My Jealous Bully (Completed)Where stories live. Discover now