Tumbler
Amber's POV
Natawa siya ng tanongin ko ang pangalan niya kaya napairap nalang ako. "I'm Veina." pagpapakilala niya at tipid na tango lang ang sinagot ko.
Gusto ko sanang tanongin kung anong ibig niyang sabihin sa sinasabi niya kanina dahil naguguluhan ako pero nahihiya na ako dahil baka isipin niyang ganon ako ka disperada.
"Balik na tayo, magsisimula na ang klase." sabi niya at tumayo. Tumayo nadin ako at sabay kaming bumalik sa room.
Naging tahimik nanaman sila ng makapasok kami. Pinagtitinginan ako ng lahat na para bang may mali sa akin o pinapamukha saking hindi ako welcome dito.
Naglalakad ako pabalik sa pwesto ko ng may masagi akong tumbler sa gilid ng upuan ng isa sa mga kaklase naming babae. "Look what you did!" mataray niyang sabi at tinuro ang tumbler niyang natumba at nagkalat ang tubig sa loob.
"H-hindi ko naman sinasadya. Para naman kasing sinadya mong ilagay yan dyan para masagi ko." sabi ko at mas lalo siyang nainis. "How dare you! linisin mo 'yan!"
Napasinghap ako bago lumuhod at binalik sa pagkakatayo ang tumbler niya. Tinignan ko ang bawat sulok ng room kung mayroong basahang pwedeng ipangpunas sa nagkalat na tubig sa sahig.
"Walang basahan dito. Use your clothes due it's look like a floor map." sambit ng hayop kaya napatingin ako sa kanya. Nginisian niya lang ako.
"Go! clean it." gatong ng impakta sa harap ko. Inirapan ko lang siya. Rinig ko din ang pagtawa ng iilan.
Napabuntong hininga ako bago ilapat ang palda ko sa sahig at iyon ang gawing pamunas. Nanlulumo na ang mga mata ko pero pilit ko iyong pinigilan para lang hindi lumabas ang mga luha ko. Bakit nga ba kasi ako iiyak, diba?
Basang basa ang dulo ng palda ko ng tumayo ako. Hinayaan ko nalang at bumalik na sa upuan. Sunod namang pumasok ang panibagong teacher para magdiscuss ng lesson.
Pansin kong nakatitig sakin si Veina na para bang tinatanong kung okay lang ako. Pilit akong ngumiti para sabihin sa kanyang ayos lang ako.
Ilang oras lang ng matapos ang afternoon class namin at mag bell ang ring, indication na tapos na ang klase. Niligpit ko lang ang mga gamit ko at pinasok sa loob ng bag. Umalis na lahat ng mga kaklase ko at nagsi-uwian except kay Veina na naglalakad papunta sa pwesto ko.
"Sigurado kang ayos kalang kanina?" tanong niya. "Oo, ayos lang." sagot ko.
Napailing siya. "Uuwi kana?"
"Malamang, alangan namang dito ako matutulog." sabi ko at tumawa naman siya ng bahagya. "Sabay na tayo." sabi niya at tipid na tango lang ang sinagot ko.
Tahimik kaming naglalakad sa hallway hanggang sa makarating kami sa gate ng school. Nakita kong nakaparada na ang sasakyan namin kaya hinarap ko siya para makapagpaalam. "Mauna na ako sayo. Nandito na sundo ko." tumango naman siya at nginitian ako.
Naglakad ako palapit sa sasakyan namin at agad na sumakay sa backseat. Walang imik at nakabusangot ako hanggang sa umandar ang kotse.
"How's your new school?" napatingin ako sa salamin sa taas at nakitang nakatitig si Sed sakin mula doon. Pinandilatan ko lang siya ng mata.
"Gusto kong magtransfer out." malamig kong sabi at bigla nalang tumigil ang kotse. Hindi naman ako nag-seatbelt kaya tuloy tuloy akong nabunggo sa likod ng upuan bago bumagsak. Napahawak ako sa ulo ko bago dahan dahang umupo.
"Tang*na mo! masakit!" sigaw ko ng makaramdam ng pananakit ng katawan.
"Alam mo bang hindi papayag si lola sa gusto mo?" tanong niya at seryoso akong tinignan sa mga mata.
"A-alam ko. Pipilitin ko siya." sabi ko at napailing siya.
"Ano bang problema mo, Amber?"
"W-wala."
"Bakit gusto mong umalis don?"
"H-hindi ko alam."
Napabuntong hininga siya. "Ako nalang ang kakausap kay Lola para sayo." sabi niya bago paandarin ang kotse.
Tinuon ko nalang ang atensyon ko sa labas ng bintana. Simula naman ng umapak ako sa paaralang 'yon hindi ko na gustong tumagal pa don. Hindi ko naman alam kung anong dahilan pero siguro hindi ko lang gusto ang desisyon ni lola para sakin.
Napatingin ako sa gawi ni Sed ng may kinakausap siya sa phone.
"Regan. What makes you call?" napataas ang kilay ko ng marinig kong sino ang kausap niya.
"I'm on the way. Sinundo ko lang kapatid ko—yeah, okay." binaba na niya ang phone at makahulugan akong tinitigan "B-bakit?"
"Nothing. He's just asking me if you're already home."
Natigilan ako bigla sa sinabi niya. B-bakit niya gagawin 'yon? wrong call ata yon, eh. Imposible. Tanga lang ang maniniwala.
Napailing iling ako at hindi nalang pinansin pero hindi ko maiwasan.
Ano nanaman bang trip niya?
YOU ARE READING
My Jealous Bully (Completed)
Teen FictionWhen she was teased by a man she never thought she would like, but didn't know that the man wanted her from the beginning. How long will they be able to confess their feelings for each other despite the complicated situation they are facing?