Chapter 21

191 10 0
                                    

Marathon

Amber's POV

Ilang minuto lang ang lumipas ng matapos ang ibang lessons namin at ngayon hinihintay nalang namin ang sunod na teacher. Hindi nagtagal pumasok nadin ang teacher naming lalaki na naka PE Uniform at may suot na whistle.

"Ready yourself everyone, we will have a marathon activity. See you on field." aniya bago maglakad palabas ng room.

Nagsitayuan na sila para pumunta sa dressing room kaya tumayo nadin ako at ganon din si Khael. "Marathon activity? hindi ko pa yon nagawa!" excited kong sabi. Tumawa lang siya ng bahagya.

Pumunta kami sa 3rd floor ng building at nagpunta sa isang dressing room ng mga students kapag may gagawing performance, activity or sports. Merong mga chest of drawers kung saan nakalagay ang mga damit o gamit namin. Hinanap ko lang yong chest ko at agad kong kinuha ang PE Uniform ko at dumiretso sa bihisan ng mga babae.

Pagpasok ko, tumambad sakin ang nagreretouch na unggoy. Tumingin siya sa gawi ko ng mahagilap nyako. Binaba niya ang makeup at brush na hawak niya at hinarap ako.

"What's up, b*tch?" tanong niya kaya napataas ang kilay ko.

"Maganda parin hindi gaya sa marmoset dyan na kapit pilter!" patukoy ko sa kanya. Pansin ko ang inis sa mukha niya pero agad niyang pinawi.

"How dare you to call me marmoset?" mataray niyang sabi.

"Bakit may sinabi bakong ikaw?"

Tumawa siya ng bahagya. "What did you say? kapit filter?" Tumawa siya ng malakas kaya napatingin ako sa kanya. "Oh ghad! did you see me holding a phone and taking pictures with filters?"

"Filter or makeup, ganon nadin yon!" dipensa ko.

"Guys! come on. Magsisimula na daw tayo!" rinig kong sigaw ng kung sino mula sa labas kaya mabilis silang naglabasan. Pansin ko pang hindi ko kaklase ang ibang babae dito kaya mukang taga Section-B sila, isa nadon ang unggoy. Mabilis akong pumasok sa banyo at nagmadaling magbihis. Kasalanan to nang unggoy na 'yon!

Pagkalabas ko ng dressing room, bumungad si Khael na hinihintay pala ako. "Tapos kana?" tanong niya.

"M-mauna kana, susunod ako." sabi ko at tumango naman siya bago maglakad.

"Si Veina?" pahabol kong tanong. Nilingon naman niya ako. "Nandon na." tumango lang ako bilang sagot. Talagang babaeng yon! walang hintayan, gumaganti amp.

Binalik ko na sa chest ko ang uniforme ko at sandaling tinali ang buhok. Tiyak na late talaga ako nito. Ako nalang ang natitira dito, tapos bababa pa ako ng hagdan ng tatlong beses at maglalakad papunta sa field ng school.

Pagkatapos kong magayos, agad akong bumaba at naglakad papuntang field. Ayokong tumakbo dahil hindi pa nagsisimula ang activity, pawisan nako.

Nakarating naman ako sa field at nakalinya na ang mga kaklase kong babae na mauuna sa pagtakbo. Tinignan ko ang lawak ng tatakbohin, sobrang lawak pero mukhang hindi lang takbohan ang magaganap. May nakalagay na finish line sa dulo kaya mukhang may running race na magaganap.

"Ms. Rackel!" tawag ng teacher habang may hawak na record. Tinuro niya ang espasyo sa gilid ng isang babae na mukhang magiging pwesto ko, napataas pa ang kilay ko ng makita ang unggoy na nakapwesto na. Ambang lalakad nako sana papunta doon ng may humawak ng braso ko. Nilingon ko yon at napataas ang kilay ko ng makita ang hayop.

"No. You're not going to join in." saad niya at tinignan ako sa mata.

"Ay desisyon ka?" sarcastic kong sabi.

"Don't be tough. Just follow me—"

Hindi ko na siya pinakinggan at agad na winaksil ang braso ko sa pagkakahawak niya at mabilis na pumunta sa pwesto ko.

"Oh hell!" rinig kong sambit niya. Napairap nalang ako. Ano bang pakialam niya kong sasali ko. Ang kill joy naman niya!

"Ready." biglang sabi ng teacher kaya napa-ayos ako. "Set.... Go!" saad niya at kasunod non ang pagpito niya.

Agad akong nakipagtakbuhan at rinig ko naman ang hiyawan ng mga kaklase naming lalaki. Hindi pa ako nakakarating sa kalagitnaan pero hingal na hingal na ako at pinagpapawisan. Bigla nalang akong nadapa ng may biglang sumagid ng paa ko. Matalim kong tinignan ang unggoy na nginisian lang ako at nagpatuloy na sa pagtakbo. Pinilit ko ang sarili na tumayo at humabol pero bigla nalang akong natumba at kasabay non ang paghigpit ng hininga ko.

"Amber!" rinig kong tawag ni Khael na palapit sakin at ambang itatayo ako ng may biglang bumuhat sakin, bridal style.

Tinignan ko yon at seryosong mukha ni Regan ang bumungad sakin. Puno ng pawis ang mukha ko at nahihirapan akong huminga na para bang pakiramdam ko nawawalan ng hangin ang katawan ko.

"Hold on. I'll take you to the clinic." rinig kong sabi niya habang buhat buhat parin ako at ramdam kong bumibilis ang paglakad niya. Magsasalita nako sana ng bigla nalang dumilim ang paningin ko at kasabay ng pagkawalan ko ng malay.







Don't forget to Vote, Comment, and Share! >>>

My Jealous Bully (Completed)Where stories live. Discover now