Chapter 10

293 14 0
                                    

Papel

Amber's POV

Nakahinga ako ng maluwag dahil mabuti at walang kahihiyang nangyayari sakin ngayon dito sa loob ng cafeteria. Tahimik kaming tatlo na kumakain ng magtanong ako. Hindi ko kasi maiwasang hindi mag-usisa lalo na ng mga bagay na hindi ko maintindihan.

"Mag pinsan kayong tatlo?" tanong ko at napatingin naman sila sakin. Lumingon pa si Veina sa tabi niya kahit wala namang tao.

"Dalawa lang naman kami dito, ah." inosente niyang sabi bago sumubo.

"Tangek! i mean kayo nong... hayop."

"Hayop? wala kaming pinsang hayop, pero may pusa ako si kitty, alaga ko." sabi ni Veina at ngumiti bago sumubo ulit kahit may laman pa ang bibig. Natampal ko nalang ang sarili kong noo dahil sa kanya.

Tumawa ng bahagya si Khael, "Yeah, Regan is our cousin." sambit niya at tinignan ako sa mata. Tumango lang ako bago sumubo ng kanin.

"Ba't mo natanong?" tanong naman ni Veina, umiling lang ako. "Curious lang."

Patapos na akong kumain at ganon din silang dalawa. Tatayo na'ko sana para ibalik ang tray sa counter ng pigilan ako ni Khael. "Let me." sabi niya at kinuha sakin ang tray. Tumango lang ako at nginitian siya.

"Uy! sakin din, tenchumuch!" pahabol ni Veina at inabot ang tray niya. Kinuha naman 'yon ni Khael at naglakad na papunta sa counter.


Khael's POV

I walk toward the counter and handed the three trays. "Two bottled water." i said and pay it after i received it from the server.

Bumalik na ako sa table namin kung saan nakaupo ang dalawa. Inabot ko kay Amber ang isang bottled water at tinanggap naman niya 'yon bago ngumiti.

"Ay siya lang? yong sakin?" sambit ni Veina at ambang kukunin ang isang bottle na hawak ko.

"This is mine, buy yours." sabi ko at pinandilatan naman niya ako bago tumayo at pumunta sa counter. I gettered at Amber who's currently drinking the bottle i gave.

Hindi ko akalaing makikita ko siya dito sa iisang school na pinag-aaralan ko which is pagmamay-ari nila Regan. Dati kinukwento lang siya samin ni Sed noong hindi pa siya nakatira sa bahay ng lola niya.

I admit, i've got interes when Sed started to tell about her. 'Yon din ang dahilan kung bakit gusto ko siyang makita at makilala. Sinubokan kong tanongin kay Sed ang tinitirhan niya noon at pinuntahan pero nabigo ako dahil lumipat nanaman sila ng papa niya. Therefore, i'm so glad to meet her here. Mabuti nadin dahil sa bahay ng lola na niya siya tumitira, kahit papaano madadalaw ko siyang tuwing weekend.

"M-may dumi ba sa mukha ko?" biglang tanong niya kaya napabalik ako sa ulirat. I shook my head and looked away.


Back to Amber's POV

Akala ko talaga may dumi sa mukha ko kaya pinahiran ko 'yon, kanina pa niya kasi ako tinitigan.

*Kkkkrrrrriiiiiiinnnnggggg

Bigla nalang tumunog ang bell, indication na start na ng klase. Sakto namang bumalik si Veina dala ang bottled water na nabawasan na niya. Bakit ba ang tagal ng babaetang 'to, e bumili lang naman ng tubig.

Sabay kaming bumalik sa room at sakto namang pagpasok ng teacher—si Ms. Cruzana. Napatingin siya sakin bago ibaling ang tingin sa pag-aayos ng gamit sa mesa.

"Get one whole sheet of paper! we will have an activity." utos niya bago lumabas at nagsimula na ngang mag-ingay ang mga dukha.

"Penge papel!"

"Oy! ako din!"

"Magbigay! Magbigay!"

"Ang hindi magbigay, mabaho ang hininga!"

"Oy Sherel! Ang ganda mo! penge papel"

"Mga rich kid labas!"

Natampal ko nalang ang sariling noo sa pinaggagawa nila. Wala bang pambili ng mga papel 'to?

May bigla nalang kumalabit sakin kaya napaiktad ako. "Hi Am!" nakangiting bati ng isa sa mga kaklase kong lalaki. "Bakit?" taas kilay kong sabi. Tinuro niya ng nguso niya ang papel ko sa desk na bagong bili.

Yes! bagong bili 'yan!

Napairap naman ako bago kumuha ng isa at ibigay sa kanya. Ngumiti naman siya. "Thankyou Am. Hoy! dito kayo manghingi, bagong bili pa!" sigaw niya at lahat naman sila napatingin sakin.

Shutangina!

Hahampasin ko na sana 'yong piste na 'yon pero mabilis siyang tumakbo pabalik sa upuan niya. Napatanga nalang ako ng rumagasa sila palapit sakin.

"Amber! penge!"

"Oy! wag madamot!"

"Magbigay! Magbigay!"

Agad kong kinuha ang papel ko at dumaan sa ilalim ng upuan para makalayo sa kanila. Agad akong tumakbo palabas at tumungo sa cr dala-dala ang papel ko. Kapag nagtagal ako don, tiyak na ubos ang papel ko sa kanila. Mga piste! hindi marunong bumili!

Pumasok ako ng cr at humarap sa malaking salamin para ayusin ang sarili. Agad akong pumasok sa isang cr para umihi. Tahimik lang ako ng may marinig akong tawanan at usapan sa labas. Ayoko naman sanang makinig kong hindi ko lang narinig kong anong pinaguusapan nila.

"I'm not yet finish at Thea, kulang pa ang ginawa ko sa kanya nong nakaraan. Pakialamera kasi 'yong babaeng taga section blossom. What is her name again?" inis na usal ng isang pamilyar na boses ng babae.

"Amber!" sabi naman ng isa.

Agad akong lumabas ng banyo at hinarap siya. "Ako 'yon, bakit?!" taas kilay kong sabi. Napangisi siya ng makita ako. Tinignan niya ko mula ulo hanggang paa, "What a great timing."

"Ikaw 'yong unggoy na kinukutya ang estudyanteng nahimatay nong nakaraan!" sabi ko at tinignan din siya mula ulo hanggang paa.

"What did you said? Unggoy? Ew, how dare you!" galit niyang sabi at bigla nalang akong sinabunutan. Mas lalo akong nainis ng makisali din ang dalawa niyang kasama.

Oh sige! Isa laban sa tatlo! Matira matibay!








Don't forget to Vote, Comment, and Share >>>

My Jealous Bully (Completed)Where stories live. Discover now