Chapter 17

248 10 0
                                    

Pain

Amber's POV

Hingal na hingal ako habang hinihimas ni lola ang likod ko. Inabutan ako ng tubig ng kasambahay at kinuha ko naman iyon at agad na ininom. Kung hindi lang talaga dumating si lolo, namatay na yata ako sa kakatakbo doon. Hindi man lang ako tinulungan ng tatlo at tinawanan lang ako.

Napatingin ako kay Veina na nakaharap sa cellphone niya habang nagpipigil tawa. Tumingin siya sakin at pinakita iyon. "Ang cute mo!" sabi niya at malakas na tumawa. Picture ko yon na nakuhanan ng madulas ako sa damohan. "Idelete mo 'yan!" inis kong sabi at tinignan siya ng masama.

"Send it to me later." sabi naman ng hayop at nginitian ako ng nakaka-asar.

"Ayos kana ba?" tanong ni lola kaya napatingin ako sa kanya. Tipid na tango lang ang sinagot ko. "Si papa?"

"May pinuntahan lang, mamayang gabi pa siguro uuwi yon." sagot naman niya bago tumayo. "Mag-usap tayo." sabi niya at tinignan ako sa mata. Tumayo naman ako at sinundan siya papunta sa kusina.

"A-anong pong pag-uusapan?" tanong ko. Tumigil siya at umupo sa dining. Umupo din ako at hinarap siya.

"Tungkol sa desisyon ng papa mo." sabi niya kaya napatingin ako sa kanya. "Hindi impossibleng hindi ka niya ipapatira sa mama mo lalo na't matagal kayong hindi nagkasama—"

"Eh ano namang pakialam niyo? kaya nga dapat kay mama ako tumira kasi ilang taon ko na siyang hindi nakita at nakasama. Bakit pa parang takot kayo na kay mama ako mapunta?" inis kong sabi. Hindi ko na talaga mapigilang hindi siya sagot sagotin.

"Amber!" sabi niya at masama akong tinignan. "Hindi mo alam kung anong kalagayan mo kapag nasa puder ka ng mama mo!"

Napasinghap ako sa inis, "Alam niyo bang napakasakit para sakin na hindi ko makilala ang sarili kong ina kasi pinagkakaitan niyo siya sakin? Ano bang mali? mama ko 'yon! Kaya nga gusto ko siyang makilala!" sigaw ko. Napabuntong hininga ako para pakalmahin ang sarili.

"Hindi mo naiintindihan—"

"Edi ipaintindi niyo!" putol ko sa sasabihin niya. Tinignan niya ko ng masama bago bumuntong hininga.

"Noong simula palang hindi ko na gusto ang mama mo. Ayaw kong ipakasal ang papa mo sa kanya pero wala akong nagawa kasi mahal na mahal siya ng papa mo." sabi niya kaya napatingin ako sa kanya. "Oo anak ka niya pero hindi ka niya tinatrato ng mabuti noong nandoon ka sa puder niya kaya—"

"Bakit ba pinapakita niyong masama si mama sakin? Noong bata ko hindi ko naramdamang naging masama siyang ina—"

"Hindi mo nararamdaman kasi manhid ka!" sigaw niya na ikinagulat ko. "Para naman sa kapakanan mo 'tong ginagawa ko sayo—"

"Hindi impossibleng hindi niyo ginagawang masama si mama dahil kayo na nga ang nagsabi na ayaw niyo sa kanya—!"

Natigilan ako ng isang malakas na sampal ang natanggap ko galing sa kanya. Nanginginig ang buong sistema ko at para bang tagos sa buto ang mga sampal niyang 'yon. Pilit kong pinipigilan ang mga luha ko pero hindi ko na mapigilan kaya napatakip ako sa mukha at napahikbi.

"Wala kang respeto!" sabi niya at matalim akong tinitigan.

"Ano bang masama kong kahit sa isang beses lang ng buhay ko maramdaman kong magkaroon ng kompletong pamilya?" sabi ko na halos pabulong na. Agad akong tumakbo palabas habang pinupunasan ang mga luha.

"Amber!" rinig kong tawag ni Sed pero hindi ko siya nilingon. Diretso lang ang takbo ko papunta sa kubo kung nasaan ako tumambay kanina.

Pagkarating ko doon, agad akong umakyat papunta sa terrace at umupo sa upuan. Napatakip ako sa mukha ko at umiyak ng malakas. Maliban sa naging usapan namin mas masakit makatanggap ng sampal lalo na galing sa taong hindi mo inaasahang gagawin 'yon sayo. Hindi ko alam kong bakit kailangan ko tong maramdaman, gusto ko lang naman magkaroon ng magulang.

May naramdaman akong yabag na palapit sa pwesto ko. Ramdam kong umupo siya sa tabi ko at bahagyang hinila ang ulo ko para isandal sa balikat niya. Lalong lumakas ang pag-iyak ko at kusang niyakap siya.

"Shhh, it's okay. Just cry." lalo akong napaiyak ng marinig ko ang boses niya. Hindi na ako nag-abalang tignan dahil alam ko na kung sino.

"Bakit ganon? bakit kailangan nilang gawin 'yon? gusto ko lang naman maramdamang magkaroon ng magulang. Pakiramdam ko tuloy, nagiisa lang ako." sabi  ko at napasinghap. Ramdam ko ang kamay niyang hinaplos ang buhok ko.

"No, you're not alone. I'm here." sabi niya at hinalikan ang noo ko na ikinagulat ko ng bahagya. Tinignan ko siya at umiwas lang siya ng tingin. Hinayaan ko nalang at napatingin sa labas.

"G-gusto kong makita 'yong mama ko, g-gusto kong maramdamang nagpaka-ina siya sakin." sabi ko nahalos pabulong na. Muli nanaman akong umiyak at ramdam ko ang paghigpit ng yakap niya hanggang sa makatulog ako.








Don't forget to Vote, Comment, and Share! >>>

My Jealous Bully (Completed)Where stories live. Discover now