Regla
Amber's POV
Papikit pikit pa ako ng maglakad ako ng hallway papunta sa room. Minsan lang talaga ako mag puyat kaya hindi sanay ang mata ko. Nagmadali nalang akong umakyat sa hagdan at agad naman akong nakarating sa room. Hindi ko na sila pinansin pagkapasok ko dahil malapit na talaga akong makatulog.
Agad nakong umupo sa upuan at kasabay din iyon ng pagpikit ng mga mata ko. May naramdaman pa akong parang medyo basa sa upuan ko pero hindi ko nalang pinansin.
Hindi ko alam kong gaano kahaba ang naging tulog ko sa klase pero nagising lang ako ng makarinig ako ng boses na tinatawag ang apelyido ko.
"Ms. Rackel!" rinig kong tawag ng teacher
"Present po!" sagot ko naman at tinaas ang kamay habang nakadukdok parin.
Agad naman akong nakarinig ng malakas na tawanan galing sa mga kaklase ko kaya inangat ko ang tingin ko at napatingin sa kanila.
"I didn't call you for attendance. Kindly answer this on the board." sabi niya at tinuro ang problem solving sa blackboard na ikinaawang ko. Malay ko ba dyan, eh hindi naman ako nakinig. Kita namang tulog ang tao tapos tutuksohin.
"Eh ma'am, problema 'yan ng math bakit sakin niyo ipapasolve." sabi ko na ikinainis niya.
"You'll answer this or i will not give you a grades?" sabi niya at tinaasan ako ng kilay. Napakamot naman ako sa ulo ko bago tumayo at maglakad sa board. Nakarinig pa ako ng tawanan kaya napalingon ako.
Kanina pa sila tawa ng tawa ah!
Muka na bakong clown?
"May nakakatawa ba?!" inis kong tanong at napatingin kay Veina. Palihim niyang tinuro ang nasa likod ng palda ko. Tinignan ko naman 'yon at bigla ko nalang nabitawan ang chalk.
"Regla ba 'yan?"
"Bilhan kita ng napkin, Am? basta ako magsusuot sayo!"
"Dugo! dugo!"
"Fresh! hahaha"
Sabi nila at nagtawanan ng malakas. Napabalikwas ako para itago 'yon. Wala akong maalalang ngayon ang dalaw ko. Imposible dahil kakatapos ko lang no'ng isang buwan.
"Amber! what the... get out of here and change your skirt." sabi ng teacher namin at inayos pa ang pangitaas ko para matakpan ang palda ko.
Lumapit sakin si Veina na dala ang bag ko at agad na binigay sakin 'yon. Sabay kaming naglakad palabas, sa cr sana siya papunta ng bumaba ako ng hagdan. "Hindi ka magbibihis?" tanong niya.
"Uuwi nalang ako, wala akong dalang pamalit." sabi ko at binilisan ang lakad para wala ng ibang estudyanteng makakita sakin. Nawala tuloy ang antok ko dahil sa kahihiyan na 'yon.
"Malaman ko lang kung sinong may gawa non, patay sya sakin!" inis kong sabi bago kunin ang cellphone sa bag at itext ang driver namin. Hindi pwede si Sed dahil may klase din siya ngayon.
"Syempre sino pa bang gagawa non? edi si Regan." sabi niya.
"Arrghh! bwesit! kainis siya!"
"Sigurado kang hindi mo 'yon dalaw?" tanong niya, agad naman akong umiling. "Hindi ako sigurado kung si Regan nga ang may gawa non kasi pagkarating ko sa room, nakaupo kana sa upuan mo tapos tulog pa." saad niya.
"Sino pa bang gagawa non? eh siya lang naman." inis kong sabi. Ilang segundo lang ng sagutin ng driver ang tawag ko. Mga minuto lang ang binilang ng dumating na ang kotse, papasok na sana ako ng harapin ko si Veina.
"Ano pang ginagawa mo dito?"
"Sasama ako sayo!" nakangiti niyang sabi na ikinataas ng kilay ko. "Ano namang gagawin mo don?" inis kong tanong. "Masyal lang, sige na kasi!" pamimilit niya. Napabuntong hininga nalang ako bago tumango.
Tahimik lang kaming dalawa sa byahe ng magtanong siya. "Gaano kalayo ang bahay niyo?" tinignan ko lang siya at inirapan. Naiinis ako ngayon at wala ako sa mood makipag-kwentohan.
"First time ko palang pumunta sa bahay niyo. Noon kasi hindi ako sumasama kila Khael kapag pumupunta sila don kasama si tita." sabi niya at bigla nalang pumasok sa isip ko si Khael. Hindi ko siya nakita kanina.
"Absent ba si Khael?" tanong ko, tumango naman siya.
"May importanteng inasikaso lang, papasok din naman bukas yon. Bakit? miss mo na?" sabi niya at nginitian ako ng nakakaluko. Agad ko naman siyang binatukan.
"Aray naman! nagbibiro lang eh!" sabi niya at inirapan ako pero agad din siyang ngumiti at niyugyog ang braso ko.
"Yong kuya mo pala. Nasa bahay niyo ba?! omg! makikita ko si crasikeks—"
"Nasa school siya ngayon." putol ko sa sasabihin niya. Napatikhim naman siya at napanguso.
"May aquarium kayo sa bahay niyo? fish pond? o di kaya mga antiquated furniture?" sunod sunod niyang tanong.
"Alam mo ba maganda yong mga old-fasioned sa generation ng mga lolo't lola natin noon. May koleksyon ba ng iba't ibang uri ng espada ang lolo mo? omg! baka nandon 'yon espada ni lapulapu?!"
Napairap nalang ako sa kadaldalan niya. "Tss, anong akala mo sa bahay namin, museum?!"
Don't forget to Vote, Comment, and Share! >>>
YOU ARE READING
My Jealous Bully (Completed)
Teen FictionWhen she was teased by a man she never thought she would like, but didn't know that the man wanted her from the beginning. How long will they be able to confess their feelings for each other despite the complicated situation they are facing?