Chapter 36

193 6 0
                                    

Meet Jeon

Amber's POV

Isang mainit na kape at pan ang kinain ko kaagad pagkagising ko. Sandali akong tumayo at tinapon sa trash bin ang supot ng pan. Napansin kong puno na ang basura sa loob ng plastic bag kaya ako na ang nagtapon sa labas.

Binuksan ko ang gate at nilagay sa malaking trash bin ang plastic bag. 

"Miss, dito ba nakatira si Ms. Rackel?" napalingon ako at nakita ang isang delivery man.

"Ako po iyon, bakit?" taka kong tanong at tinignan ang dalawang box na dala niya.

"Pinapabigay po sa inyo." saad niya at inabot sakin ang dala niya, tinanggap ko naman iyon.

"Kanino galing?"

"Ayaw pong ipasabi." ani nito at bahagyang yumuko bago umalis.

Salubong naman ang mga kilay kong pumasok sa loob ng bahay, dala ang dalawang box. Ano to? bomba? shabo?

Charot, hindi naman siguro. Grabe naman 'tong pag-iisip ko.

Tumungo ako sa kusina kong saan ako umiinom ng kape kanina. Nilapag ko ang dala ko at binuksan ang isang kahon. Napaawang naman ako sa tuwa ng makita ang laman non.

Donutt!!

"Donut? kanino naman ito galing?" tanong ko bago kumuha ng isa. Hindi ko alam kong binili ba 'to o home made, pero masarap!

Napataas naman ang kilay ko ng may mahagilap akong isang nakatuping papel kaya agad ko iyong kinuha at tinignan.

Isang poem!

Nagtaka tuloy ako at nagkahinala na baka nanggaling ito sa lalaking nakilala ko sa bookstore pero ng mabasa ko ang huling sulat sa papel ay napangiti nalang ako.

'Damn, baby. I can write poem for u, so you don't need someone to make it. I can write, hundred and hundreds of poem on how beautiful you are so don't underestimate me.'

Ang kumag na 'yon! Hindi talaga nagpapatalo kahit kailan. Aawayin pa ako, yon pala ay nagseselos na. Iba din!

A smile form in my lips while i'm reading the poem he scribed for me. Minsan lang ako nakakatanggap nang ganito, and receiving this from someone who i'm also special to her is thrimble.

Nilapag ko muna iyon sa tabi at kasabay naman ng pag ring ng aking cellphone. Kinuha ko iyon at kunot noong pinindot ang screen.

"Hello?" paunang salita ko sa kabilang linya.

[Goodmorning, get ready and i'll pick you up] saad sa kabilang linya at napataas naman ang kilay ko ng marinig ang boses niya.

"Ha? bakit anong—" hindi ko natapos ang sasabihin ko ng agad niyang patayin ang tawag.

"Ang bastos ah!"

Sinave ko ang phone number niya at agad na tumakbo palabas para magpa load. Kasalanan ko ba eh, hindi ako mapakali. Ni-hindi ko nga maintindihan ang ibig niyang sabihin. Kahit kailan talaga!

Napatigil ako sa tapat ng gate at nakaawang ang labing nakatingin sa kanya na nakasandal sa kotse niya.

"Agad agad? Bilis mo naman." anas ko na magulo parin ang isip.

Lumapit ako sa kanya at nameywang sa harapan niya. "Ano to?!..." tinaas ko ang kamay ko at pinakita ang phone na hawak ko, napataas naman ang kilay niya. "...Bastosan ganon? tawag ka ng tawag tapos hindi mo naman kaklarohin? Teka, bakit kaba nandito?"... "Kanina tumatawag ka palang ah?"

My Jealous Bully (Completed)Where stories live. Discover now