Chapter 20

193 10 0
                                    

Selos

Amber's POV

Naglalakad ako ngayon sa hallway at papasok nako sana sa building namin ng may mahagilap akong mga estudyanteng nagkukumpulan sa sulok. Lumapit ako doon at nakarinig ako ng mga nagtatawanan kaya mas naintriga akong makita kong anong tinitignan nila.

"Anong nangyayari? may bigayan ng relief goods?" pabirong tanong ko at awtomatik na lumingon silang lahat sakin.

Napataas ang kilay ko ng mapansin nagpipigil tawa yong iba yong iba naman hindi na mapigilan ang sarili kaya humagalpak na sa tawa. Napahawak ako sa mukha ko kong may dumi ba. Napatingin ako sa uniforme ko kung baliktad ba. Napatingin ako sa medyas ko kong magkaiba ba. Shuta! wala namang mali sakin.

"B-bakit?" tanong ko at nahagilap ko ang mga papel na nakadikit sa likod kaya mabilis akong naglakad papunta doon. Bigla nalang nag-usok sa galit ang ilong ko ng makita ang mga litrato ko nong hinabol ako ng kalabaw. Talaga pinaphoto copy pa ha?! sino namang hayop ang gumawa nito?!!

"SINONG GUMAWA NITO?!?!" inis kong sigaw.

"How's the photos?" biglang sabi ng kung sino kaya napalingon ako sa kanya. Nginisian niya ko at tinaasan ng kilay.

Seriously? This should be my privacy! Talagang pinakita pa sa publiko ang kahihiyan ko ah. Nakakabwesit na!

"Hayop ka talaga! ang galing mong magpahiya, ano?!" inis kong sabi at tinitigan siya sa mata. Para akong naiiyak sa inaasta niya. Kahapon lang, ang bait niya sakin tapos ngayon pinapahiya niya ako. Ano ba talaga?

Tumawa ako ng mapait. "Ang galing mo, ha." sarcastic kong sabi at pinigilang tumulo ang luha. Napaiwas nadin ako ng tingin. Naiinis na nga ako sa nangyaring habulan kahapon sa kalabaw tapos ito pang gagawin niya. Durog na dignidad ko sa ginawa niya, pinahiya ba naman ako sa harap ng mga estudyante. Talagang ginamit pa yong mga litrato kong kinuhanan niya. Nakakainis.

Hindi ko na napigilan ang sarili kaya marahas kong kinuha ang mga papel na nakadikit sa pader at walang atubiling binato yon sa kanya. "Potangina mo!"

Mabilis akong naglakad papasok ng building at diretsong naglakad papunta sa room. Sandali kong pinahiran ang mga takas kong luha at inayos ang sarili. Pagbukas ko ng pinto, nakita kong nagsibalikan sila sa mga upuan at nagpipigil tawa ng makita ako. Obvious naman na nakita nila ang mga litrato ko.

Walang buhay akong naglakad palapit sa pwesto ko at napatingin kay Khael na nakangiti sakin. Bigla nalang akong nabuhayan at hinarap siya.

"Buti naman pumasok kana?" nakangiti kong sabi.

Kahit papaano, nawala ang inis ko ng makita siya.

Nilapit niya ang mukha niya sakin at ginulo ang buhok ko. "Why? you miss me?" tanong niya at tumawa ng bahagya. Bigla nalang akong nagulat ng may tumamang eraser sa batok niya kaya sabay kaming lumingon at tinignan kong sino ang may gawa non. Napairap ako ng makita ang hayop sa may pintoan na nakapamulsa at nakatingin sa gawi namin. Napangisi ako ng may biglang pumasok sa isip ko. Hinarap ko si Khael at pinisil ang pisnge niya.

"Bakit ang gwapo mo? ang swerte ko siguro kapag ikaw yong naging boyfriend ko." sabi ko at nginitian si Khael. Napakagat labi siya at ramdam ko ang pamumula ng pisnge niya.

Gwapo naman talaga kasi siya.

Pasimple akong tumingin sa hayop na nakaupo na sa upuan niya. Salubong ang kilay niyang nakatingin samin at mayamaya lang handa ng manapak ng tao. Lalo akong napangisi sa reaksyon niya. Go! inisin pa natin!!

"A-am, what's going on to you?" tanong ni Khael na nagpipigil ngiti. Tinitigan ko siya ng makahulugan at mukang nakuha naman niya ang ibig kong sabihin.

Bahagya kong nilapit ang mukha ko sa kanya at nginitian siya, "What if ikaw nalang boyfriend ko?"

"Sure, if you want then." saad niya at pinisil ang pisnge ko. Nakarinig naman kami ng mga hiyawan galing sa mga kaklase namin.

"Talaga?" tanong ko at tumawa ng bahagya.

"I'll court you and if you answered me i'll do all my best just to take care of you." usal niya at tinitigan ako sa mata. "I'll marry you—"

Bigla nalang kaming nakarinig ng balibag mula sa pwesto ng hayop. Padabog siyang tumayo at naglakad palabas. Tumawa naman kaming dalawa sa ginawa niya.

"Hoy! gago!"

"Patay ka!"

"Magkakaroon ng delubyo sa pagitan ni Khael Frost at Regan Arther!" sabi ng isa sa mga kaklase namin na parang nagaanunsyo lang ng balita sa radyo. May patayo tayo pang nalalaman sa ibabaw ng lamesa at ginawang microphone ang kamao.

"Mahulog ka sana!"

"Itulak niyo! Itulak niyo!"

Napapailing nalang ako sa pinag-gagagawa nila. Muli akong humarap kay Khael na nakangiti sakin. "Seryoso, gusto mokong maging boyfriend?" tanong niya at tumawa ng bahagya.

"Biro lang, inaasar ko lang yong hayop na 'yon." sabi ko at inirapan siya.

"Do you want me to help you?" tanong niya kaya napatingin ako sa kanya.

"Huh?"

"I'll help you make him jealous." saad niya. Napaisip naman ako saglit at agad na tumango.

"Sige!" sabi ko at napangisi.

Afternoon...

"Chocolate milkshake." bigla nalang niyang inabot ito sakin habang naglalakad ako papuntang cafeteria.

"Akin to? Salamat."

Tinignan ko siya na nakasimangot na ngayon sa gilid ko. "Oh bakit?" tanong ko. "Hindi moko hinintay, dapat kasi sabay tayong pumunta sa cafeteria eh."

Natawa naman ako. "Siraulo! Sabay naman tayo ngayon ah."

"Kung hindi lang kita hinabol."

Napairap ako. "Si Veina?"

"I don't know. Hayaan mo na, malaki na yon."





Don't forget to Vote, Comment, and Share! >>>

My Jealous Bully (Completed)Where stories live. Discover now