Chapter 8

308 12 2
                                    

Guidance Office

Amber's POV

Kung nasan ako? eto nagmukhang statue sa harap ng mga tukmol kong kaklase. Palihim nila akong tinatawanan habang nag di-discuss ang teacher namin sa gilid, yong iba naman nagpipigil tawa.

Pinatayo ba naman ako sa harap at patungan ng libro ang magkabilang kamay. Mukang old generation na nga 'to na pagpaparusa noon kapag may nagawang mali ang estudyante. Nakakainis lang dahil wala namang akong ginawang mali, kasalanan 'to ng hayop na ngayo'y tinitignan ako habang nakapatong ang mga braso sa desk at doon hinilata ang ulo. Kapag hindi ako makapag-pigil ibabato ko 'to sa kanya ang dalawang librong nakapatong sa kamay ko. Bigla nalang siyang ngumiti habang hindi parin inaalis ang mga tingin sakin.

Tusokin ko mata mo!

"Everyone, please study your lessons. I'll give you a long quiz next week." sabi ng teacher namin bago ayusin ang mga gamit.

*Kkkkrrrrriiiiiinnnngggggggg

Bigla nalang tumunog ang bell, indication na tapos na ang first class. Nanatili parin ako sa posisyon ko ng harapin ako ng teacher—iisa isahin ko na talagang tatanongin ang mga pangalan nila o di kaya ililista ko sa papel.

"Sumunod ka sakin sa guidance office." sabi niya at masama akong tinignan, mukang hindi parin siya makamove-on sa pagkadulas niya. Aba! paano naman ako? pare-parehas lang naman kaming bumagsak sa sahig.

Binaba ko na ang kamay ko na kanina pa nangangalay at kasunod din iyon ng pagbagsak ng libro sa sahig. Bigla nalang silang nagtawanan ng malakas, yong iba naman may pahampas hampas pang nalalaman sa lamesa. Mamaya ako hahampas ng bangko sa kanila.

"Kawawang tigre.🎶.. may baril walang bala, may bulsa wala namang pera🎶." kanta ng isa sa mga kaklase kong lalaki na nakaupo sa likuran.

"Pwede kana maging statue. Sculptured by Lucas Cordova!" sigaw ng isa at tumawa ng malakas.

"Hoy gago!" sigaw naman sa kanya ni Lucas.

"Mabigat ba 'yong libro, Am?"

"I should've took a photo and post it with a caption of 'new displayed skeleton'"

Napasinghap nalang ako sa inis dahil sa mga pinagsasabi nila. Agad akong naglakad papunta sa pinto pero nakalimutan kong madulas pala 'yon kaya bumagsak nanaman ako. Rinig ko ang malakas nilang tawanan na mas lalo kong kinainis.

May bigla nalang humawak ng braso ko at tinulungan akong tumayo. Lumingon ako at nakita ko si Khael na nakangiti sakin, "You okay?"

"M-medyo, thankyou." sabi ko at nginitian din siya.

"Aw!" napahawak siya sa batok niya ng may biglang bumato sa kanya ng plastic bottle.

"Let her!" usal nang hayop at matalim na tinignan si Kahel. Nginisian lang siya ng luko at ambang lalakad pabalik sa upuan ng pigilan ko siya.

Lumapit ako sa tenga niya at bumulong. "Nasan 'yong guidance office?"

Tumawa naman siya ng bahagya. "Samahan kita?" agad akong umiling. "Saan ba kasi?" tanong ko.

"Hindi ko sasabihin kong ayaw mokong samahan kita." sabi niya at nginitian ako. Hinampas ko naman ang braso niya. "Ano ba?" inis kong sabi. Tumawa nanaman siya. "Nasa kabilang building, sa gilid ng faculty room."

Tumango lang ako at lumabas na ng pinto. Naglakad ako ng hallway at bumaba ng hagdan ng dalawang beses at agad na pumunta sa kabilang building at umakyat nanaman ng tatlong beses sa hagdan. Bakit kasi hindi nila pinalagyan ng elevator para mabilis nalang.

Pagkarating ko sa tapat ng guidance office ay agad akong pumasok.

"Don't you know how knock, Ms. Rackel?" maotoridad na sabi ng isang matandang babae. Napakagat labi ako bago yumuko. "Take a sit." pinihit ko ang upuan para maupo. "S-sorry po."

"Nabalitaan ko ang kalokohan na pinaggagawa mo kay Ms. Cruzana." sabi niya at sandaling inayos ang mga papel sa lamesa. "M-ma'am, h-hindi naman po ako ang may gawa ng pagkadulas niya. Sa katunayan nga, parehas lang kaming napagtripan ng litseng hayop na 'yon." tumigil siya at tinignan ako.

"Hayop?"

"Regan po ang pangalan."

"The principal's s—?"

Naputol ang sasabihin niya ng biglang bumukas ang pinto at niluwa non ang hayop na may pasa sa pisnge at may kaunting dugo sa labi. Kasunod ang isang teacher na may hawak sa isang lalaking may dugo sa noo at may pasa sa panga.

"Ma'am Amaida, naabutan ko po silang nagsusuntukan sa labas." sumbong ng teacher habang pilit kumakalas ng isang lalaki sa pagkakahawak sa kanya.

Napatingin ako kay Regan at nang mag tama ang mga mata naman agad akong umiwas.

"Mr. Arther? what is this?" kunot noong tanong ni Ma'am Amaida.

"Do i need to explain?" inis niyang saad. "...Expel him, i don't fucking wanna see his face again!" sabi niya at tinignan ng masama ang lalaki.

"Okay, noted." agad namang sabi ni ma'am Amaida. Nagtataka ako kung bakit ganon nalang kabilis siyang pumayag. Sino ba ang hayop na 'to at kung makapag-utos parang hawak niya ang kapangyarihan ng mga guro at counselor.

"Tangina mo!" mura ng lalaki. "Nagmamayabang ka?!"

"Sino bang naghamon ng away?" sabi ng hayop at napairap. Ambang susuntukin nanaman siya ng lalaki ng tumigil siya at napatingin sakin. Nginisian niya ako.

Malakas niyang tinulak ang teacher kaya bumagsak ito. Sabay kaming napatayo ng guidance counselor. Agad siyang lumapit sakin na ikinagulat ko at bigla nalang pinulupot ng braso ang leeg ko. Hinigpitan niya yon kaya nasasakal ako.

"P-pota, b-bitawan mo'ko!"

Agad na lumapit ang counselor sa teacher at tinulongan itong tumayo. "Call a security!" rinig kong sigaw niya.

"Let her go!" maotoridad na sabi ni Regan at matalim na tinitigan ang lalaki. Tumawa naman ng malakas ito at mas hinigpitan ang pagkakasakal sakin. "Pano kung ayoko? ano?! alam kong may pakialam ka sa babaeng 'to!" sabi niya kaya napatigil ako.

Tumawa naman ng bahagya si Regan. "No. I just don't wanna share my toys with you. Mine is mine" sabi niya at tinitigan ng masama ang lalaki.

Mine daw! Mine, sheesshh—pero hindi, galit parin ako! ginawa ba naman akong laruan?!

My Jealous Bully (Completed)Where stories live. Discover now