Chapter 16

254 12 0
                                    

Kalabaw

Amber's POV

Nagpunta ako sa kubo, hindi kalayuan sa bahay ni lola. Umakyat ako sa terrace at umupo sa upuan na gawa sa kahoy. Napasinghap ako at napatingin sa paligid. Mas gusto ko dito, tahimik at mahangin.

Tanging ingay ng ibon at dapya ng hangin lang ang naririnig ko. Maganda din 'to, pampalipas oras at makapag-isip ako ng maayos. Hindi ko talaga maintindihan, naiinis ako kapag nandyan siya pero may malaki naman sa bahagi ko na gusto ang presensya niya. Ano nga ba talaga?

Napailing nalang ako bago tumayo at maglakad palabas ng kubo. Nagpunta ako sa bakanteng lote kong nasan sina Sed pero pagkarating ko doon wala sila. Napalunok pa ako ng makita ang kalabaw sa harap ko, hindi ko maiwasang hindi matakot dahil nasuwag na ako nito noong bata pa ako.

Bigla akong kinabahan at napa-atras ng gumalaw siya, napabuntong hininga ako ng wala naman siyang ginawa pero napatalon ako ng tuloy tuloy siyang lumapit sakin.

"Aaaaaahhhhhhhh!!" sigaw ko at nagtatakbo. Nilingon ko ang kalabaw at mas lalo akong nataranta ng hinahabol niya ko. P*ta! bakit ba hindi nila tinali to?!

"Aaaahhhhh! tulonggg! Sed, lolo! tulonggg!!" sigaw ko at hindi parin tumitigil sa pagtakbo. Pabalik balik na takbo lang ang ginagawa ko at sinusundan naman ng kalabaw 'yon.

"Piste ka! tigilan moko! titigokin ka sakin!!" galit kong sigaw sa kalabaw habang takbo parin ng takbo. "Aaaaaahhhhhuhuhu! tangina!"

"Tulong! papatayin ako nito!"

Kinuha ko ang tsinelas ko at agad na binato yon sa kanya pero tuloy parin siya sa paghabol sakin. "Tangina kang kalabaw ka!!"

"You like to play chasing with the buffalo, huh." rinig kong sabi ng hayop na nakatayo na pala sa gilid habang pinapanood akong nakikipaghabolan sa kalabaw.

"Pota! tulungan mo kaya ako?!" inis kong sabi at hindi parin tumigil sa kakatakbo.

"Tulungan kita sa pakikipaghabulan? Oh c'mon! i don't like to play chasing with the buffalo." sabi niya at nginisian ako.

Anong buffalo? bulalo cup noddles?

"Tangina! tulungan mokong patigilin tong kalabaw!" galit kong sigaw.

Tumawa naman siya ng bahagya, "I more likely to watch you chasing with the buffalo."

"Aarrghh! kahit kelan talaga!" hindi parin ako tumigil sa kakatakbo para lang hindi maabutan ng kalabaw. Napatingin naman ako sa hayop na tinatawanan lang ako. Ang sarap batuhin ng tsinelas! Pareho talaga sila ng buffalo—kalabaw, carabao, o kung ano man dyan! basta kalabaw! pareho silang mga hayop.

Kinuha ko ang natitira kong tsinelas at agad na binato yon sa kalabaw pero mas lalo niya lang akong hinabol. Takbo ako ng takbo ng bigla akong madulas pero agad akong tumayo at tumakbo ulit para huwag lang maabutan ng pisteng kalabaw dahil baka suwagin nanaman ako. Rinig ko ang malakas na tawa ng hayop. Tuwang tuwa pa siya habang naghihirap na nga ako dito. Wala ba siyang awa? bwesit siya!

Humanda ka! damay damay na to

Tumakbo ako papunta sa kinatatayuan niya para dalawa kami ang habolin, sumunod naman ang kalabaw sa likuran.

"Shit!" sigaw niya at tumakbo din. Tawang tawa nako sana pero mautak talaga siyang piste. Sa ibang direksyon siya tumakbo kaya kahit ganon sa akin parin sumusunod ang kalabaw. Rinig ko ang malakas niyang tawa.

Bwesit, bwesiiittt!!!

"Hala! nakikipaghabulan ka sa kauri mo?" rinig kong sabi ni Sed kaya napalingon ako sa direksyon niya. Magkasama sila ni Veina na may dalang timba at isang bigkis ng damo.

Kita ko namang tawang tawa sila kaya mas lalo akong nainis. "Baka gusto niyo kong tulungan?!" inis kong sigaw. Natutuwa pa sila samantalang hirap na hirap nako dito.

Nakaramdam na ako ng pagod at hingal pero hindi parin ako tumigil. Nagsisimula nading humigpit ang hininga ko pero hindi ko nalang pinansin. Pinunasan ko ang mga pawis ko sa mukha habang takbo parin ng takbo nang bigla nanaman akong madulas pero agad din akong tumayo. Tawang tawa naman ang tatlo sa nangyayari sakin. Mga potangina kayoo!

Bakit ba kasi kayo nabuhay, mga walang pakinabang! Mga useless human in the world! Arrghh!

"Ang dungis mo na! para kana ding kalabaw!" sabi ni Sed at malakas na tumawa.

"Kapatid ba talaga kita?!"

"Omg!! what if tumawa 'yong buffalo?" sambit naman ni Veina na kanina pa natatawa.

"Oo! tumawa na nga eh!" irita kong sabi at pinandilatan niya naman ako pero agad din namang tumawa. Napatingin ako sa hayop na natatawa din.

Wala ba talaga kayong balak na tulungan ako?! haler!! nahihirapan na po ako dito, mga bulag ba kayo! ginawa niyong comedy show yong sitwasyon ko eh, mga putrages kayo!!

"I should've take a photo!" sabi ni Veina at sandaling binaba ang bitbit bago kunin ang cellphone sa bulsa. Agad namang inagaw sa kanya 'yon ng hayop at natatawang tinutok sakin ang camera.

"Smile, baby!"

Ay tangina!






Don't forget to Vote, Comment, and Share! >>>

My Jealous Bully (Completed)Where stories live. Discover now