Chapter 6

342 9 0
                                    

Transfer out

Amber's POV

"Waw, for the first time manglibre?" saad ni Veina at ambang kukunin ang isang platito na may lamang chocolate cake ng hampasan ni Khael ang kamay niya.

"Para kay Amber 'yan." sabi niya at tinignan naman siya ng masama ni Veina. "Strawberry cake sakin! sige na." pagpipilit nito. Napairap si Khael bago tawagin ang waiter at umorder ng strawberry cake.

"Absent ka lang kahapon, nanlibre kana? anong nakain mo?" pang-aasar ni Veina.

Napapailing nalang ako sa kanilang dalawa bago kinuha ang chocolate cake at sinimulang lantakan. Pagkatapos naming mag lunch wala na kaming klase dahil may meeting ang mga teachers. Inaya kami ni Khael na kumakain dito sa restaurant na malapit lang din sa school, okay narin naman 'to dahil ayoko pang umuwi ng bahay.

"Oy, may lamok!" usal ni Veina at agad na hinampas ang pisnge ni Khael. "The heck!"

"May lamok kasi." natatawang sabi ni Veina. "Kung ikaw kaya sampalin ko? nananadya ka, eh." inis naman na sabi ni Khael.

"Sige! magsampalan nalang tayo pero dapat pera ang isampal mo sakin." sabi ni Veina at tumawa ng malakas.

"Gusto mo sampalin kita ng barya?" saad naman ng luko. Natatawa nalang ako sa pinaggagawa nila.

"Sige, ituloy niyo pa. Ako na talaga ang sasampal sa inyong dalawa!" sabi ko at tumahimik naman sila. Ilang minuto lang ng dumating na ang order ni Veina kaya doon na niya tinuon ang pansin niya.

"Are you only child?" biglang tanong ni Khael kaya napatingin ako sa kanya. "May kapatid ako—"

"Sino? ipakilala mo sakin!" singit ni Veina na para bang interesado talaga. Binatukan naman siya ni Khael.

"Si Sed." sabi ko at tumango naman siya. "Sed Rackel?" tanong niya at tipid na tango lang ang sinagot ko.

"Oh yeah, we became friends when we're visiting tita's friend and i guess that tita's friend is your lola." sabi niya kaya napatingin ako sa kanya.

"Huh?" kunot noo kong tanong.

"Nagkakilala kami noong sumunod kami kay tita papunta sa bahay ng lola mo. It continues every weekend until we create friendship with each other." pagpapaliwanang niya. Nagtaka naman ako kung sinong 'kami' ang tinutukoy niya.

"Sinong kayo?"

"Your brother... me and... regan." saad niya na nagpatigil sakin.

Magkakaibigan pala silang tatlo? Kaya pala siguro parang close sila sa isa't isa pero ang hindi ko lang maintindihan bakit parang hindi naman nagpapansinan 'tong dalawa kapag nasa school kami.

Ilang oras ang ginugol namin sa restaurant hanggang sa sumapit ang hapon. Si Khael ang nagbayad ng lahat ng mga kinain namin dahil libre naman daw niya.

Nagulat pa ako ng paglabas namin ng restau nakaparada na 'yong sasakyan ni Sed sa harap. Hindi ko naman sinabing nandito ako kaya bakit alam niya?

Lumabas siya ng kotse at sinalubong kami. Siniko pa ako ni Veina kaya napatingin ako sa kanya. Lumapit siya sakin at binulungan ako. "Ang pogi sis, ireto moko." bulong niya kaya napangiwi nalang ako. "Hindi naliligo yan."

"Wala pala kayong klase ba't hindi moko tinext?" bungad na tanong niya. "Wala, trip ko lang." sagot ko naman.

"Bro! nice to see you again!" nakangiting sambit ni Khael.

"Oh! ikaw na 'yan? laki nang pinagbago mo, tol." sabi naman ni Sed at tumawa.

"Hi." bati ni Veina kaya napatingin si Sed sa kanya. Napatigil pa ito ng ilang segundo bago ngumiti. "Hi." balik niyang bati.

"So, dito nalang tayo? hindi nako uuwi?" irita kong sambit.

"Sumakay kana." sabi naman ni Sed. Napairap nalang ako bago pumasok.

"We need to go. Tol, nice to see you." pagpapaalam niya at sandaling tumingin kay Veina. "Gotta go—?"

"Veina." nakangiti namang pagpapakilala ng impakta. Tumango lang si Sed bago umikot ng kotse at pumasok sa driver seat. Binuksan ko ang bintana at sandaling kumaway sa kanila. Napatingin pa ako kay Khael na nakatingin sakin. Nginitian niya ko kaya sinuklian ko naman 'yon.

Tahimik lang kami sa byahe at tanging mga harurot ng motor at sasakyan nalang ang naririnig ko. "Gusto kang makausap ni Lola mamaya." basag niya sa katahimikan kaya napatingin ako sa kanya. Hindi ako sumagot at binaling nalang ang tingin sa labas.

Naging tahimik lang ang byahe hanggang sa makarating kami sa bahay. Diretso lang akong pumunta sa kwarto at doon tumambay hanggang sa sumapit ang gabe. Bumaba lang ako ng kwarto ng tawagin ako ng kasambahay na maghaponan. Umupo ako sa gilid ni Lolo at katapat ko naman si Sed.

"Kumusta ang bagong school mo? nabanggit sakin ng kuya mo na gusto mong magtransfer out." sabi ni lola at tinignan ako sa mga mata. Susubo nako sana ng kanin pero binaba ko muna at hinarap siya.

"Opo—"

"Amber naman, 'yan lang ang school na kilala ko dito sa lugar natin at isa pa kaibigan ko ang may ari." sabi niya kaya napatingin ako sa kanya.

"Pasalamat ka dahil pinapaaral ka namin kayo wag ka ng maarte." usal niya. Napahigpit ang hawak ko sa kutsara bago sumubo. Binilisan ko nalang ang pagkain para mabilis akong matapos.

"Kakapasok mo palang doon, aalis kana?"

"H-hindi pa naman ako sigurado." saad ko.

"Doon ka mag-aaral." sabi niya kaya napatingin ako sa kanya. "Hindi ka magt-transfer out dahil kapag ganon hindi ka nalang namin papaaralin." sabi niya kaya natigilan ako.

"Loisita!" sambit ni Lolo.

"P-pero—"

"Ayosin mo nalang ang pag-aaral mo." putol niya sa sasabihin ko.

"Lola—"

"Umayos ka, Amber!" saad niya at tinignan ako ng masama. Padabog akong napatayo at sandaling kumuha ng tissue para pahiran ang bibig ko. "Wala nakong gana." matamlay kong sabi bago maglakad papunta sa kwarto.

"Amber!"

My Jealous Bully (Completed)Where stories live. Discover now