Chapter 3

346 12 1
                                    

Cafeteria

Amber's POV

Natapos ang morning class na lutang ang pag-iisip ko. Nang mag bell ang ring, hudyat na lunch time na agad akong lumabas at hinanap ang cafeteria. Pasimple kong sinundan ang mga estudyanteng naglalakad ng may biglang kumalabit sakin.

"H-hi." bati ng isang babaeng matangkad sakin ng kaunti. "Hello?" patanong kong bati. Nginitian naman niya ako.

"Sabay na tayo? i'll point out where the cafeteria is." sabi niya at tipid na tango lang ang sinagot ko.

Ilang segundong paglalakad lang ng dumating kami sa cafeteria. Pagpasok namin bumungad ang mahabang pila kaya wala kaming nagawa kundi ang makipagpila nalang din.

"Hi Amber!" biglang bati ng kung sino. "He's Lucas, kaklase natin." sambit ng katabi ko ng mapansin nakakunot ng noo ko.

"Gusto mo bang ako na ang bumili?" nakangiti niyang sabi sabay lahad ng kamay. "S-sige. Dalawang tray." sabi ko at inabot sa kanya ang pera. Aalis na sana siya ng tawagin siya ng kasama ko.

"Hoy! pano naman ako?" tanong nito.

"May kamay at paa ka naman, kaya mo na yan." saad ni lucas sa kanya bago makipagsiksikan sa harap. "Aba!"

"Hayaan mo na. Sayo nalang yong isang tray." sabi ko at ngumiti naman siya.

Maya maya lang ay dumating na ang luko dala ang dalawang tray. Kinuha ko yon at binigay sa kasama ko ang isa. Naglakad na kami papunta sa mga table para maghanap nang bakante. Palingon lingon lang ako ng may biglang humarang sa paanan ko kaya tuloy tuloy akong bumagsak sa sahig at kasunod din iyon ng pagtapon ng pagkain ko.

Pagkain ko!

"Amber, you okay?" tanong ni—mamaya tatanongin ko na talaga kung anong pangalan niya. Tinulungan niya kong tumayo kaya pinagpag ko ang damit ko bago tignan kong sino ang may gawa non.

Napakuyom ang kamao ko ng makita ang pagmumukha ng hayop. "Nananadya kaba?!" inis kong sigaw.

"Next time, watch your step." sabi niya at nginisian ako. Napatingin ako sa pagkain kong nagkalat na sa sahig at hindi na mapapakinabangan pa.

"Tignan mo 'yong ginawa mo sa pagkain ko! Shutang*na ka!" inis kong usal.

"Then?"

Napasinghap ako sa inis at agad na sinipa ang paa niya pero nakailag siya kaya ang paa ko ang tumama sa paa ng lamesa. Rinig ko ang tawanan ng mga luko kaya mas lalo akong nainis. Kinuha ko ang tinidor sa tray niya at tinutok 'yon sa kanya.

"Sh*t! Amber, stop it." pigil sakin ng kasama ko.

Bigla nalang siyang tumayo at naglakad palapit sakin kaya napa-atras ako. Nilapit niya ang muka niya sa mukha ko at naramdaman kong kinuha niya ang tinidor sa kamay ko at kinain ang nakatusok doon habang nasa akin parin ang mga tingin.

Hindi ko naman alam na may nakatusok don!

Tinignan ko siya ng masama at walang atubiling sinipa ang ibaba niya. "What the h*ll?!" sabi niya at napadaing sa sakit. Nagtawanan namang ang mga barkada niya. "Dude, masakit ba?" tanong ng isa at tumawa ng malakas.

"Regan! pinapatawag ka ng principal!" sigaw ng isang lalaking nakatayo sa pinto.

Sandali siyang tumingin sakin at masama akong tinignan. "Clean your mess." saad niya bago maglakad paalis.

Napabuntong hininga ako bago tignan ang paligid na halos lahat ng mga kumakaing estudyante ay nakatingin sakin yong iba naman ay nagbubulongan at ang iilan ay tumatawa. Napatakbo ako at hindi alam kong saan pupunta hanggang sa makarating ako sa field ng school. May nakita akong bench doon kaya umupo ako. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko bago tumingin sa kawalan.

"You okay? here sayo na." napatingin ako sa kasama ko kanina na nandito na ngayon at nakaupo sa tabi ko. Inabot niya sakin ang isang tray at tinanggap ko naman 'yon.

"I feel sorry for what he is doing at you. Ganon talaga yon kapag may mga bagong transfer student dito. He won't stop teasing the person until it leaves the school." natigilan ako sa sinabi niya.

Bakit? Anong dahilan?

Pagmamay-ari niya ba ang buong school para gawin niya 'yon? ibang klase!

My Jealous Bully (Completed)Where stories live. Discover now